Chapter 27 Lisa’s Pov NAGISING ako dahil sa malakas na kalabog na nanggagaling sa kusina. Agad kong iminulat ang mga mata ko at hindi ko nakita si Kevin. Mukhang maaga na naman yata siya nagising. Nag inat na lamang ako ng katawan saka ako tumingin sa bintana. Ang ganda ng sikat ng araw sa labas. Lagi nalang talaga akong natatagalan gumising. Ang tagal kasi naming natulog ni Kevin dahil naglaro pa kaming dalawa. Ewan ko ba do’n, palagi na lang niya akong inaasar pag nasa kama kaming dalawa. Naghaharutan lang naman kami. Walang cellphone kaya lambing hanggang mag madaling araw. Gusto ko nga yun eh upang maramdaman naman ni Kevin na mahal ko talaga siya. Sinasabi ko na sa kanya na mahal ko siya. Hindi ako nagsisisi na siya ang pinili kong makasama. Hindi ko na din hiniram ang phone

