Chapter 23 Lisa’s Pov ANG HABA NG byahe namin ni Kevin pero nakarating naman kami agad. Ang sakit ng pang upo ko sakakaupo. Pero napawi ang pagod ko ng makita ko ang bagong lugar na sinasabi ni Kevin. Ang ganda dahil malapit lang talaga sa dagat. May mga kabahayan din pala dito kaya hindi na yata ako malulungkot dahil may makikita na akong tao bukod kay Kevin. “Dito na muna tayo titira.” Biglang sabi ni Kevin sa ‘kin. “Talaga? Ilang months?” Tanong ko kay Kevin kaya hindi siya nakasagot at parang natigilan siya. “Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo dito. Pero alam kong nangako ako sayo na ibabalik kita sa Manila sa loob ng tatlong buwan.” Malungkot niyang sabi at napayuko. Napangiti ako sa inasta ni Kevin. Ang cute pala niya kapag ganito siya na malungkot siya. Sa totoo lang

