Chapter 34 Kevin’s Pov PAPUNTA kami sa bahay ni Honey dahil gusto kong patunayan kay Lisa na wala akong babae. Piste kasi ang pangalan ni Honey eh, pahamak. Masasakal ko talaga siya mamaya kapag nakita ko siya. Tahimik lang si Lisa na nakaupo sa passenger seat at nakatingin sa bintana. Hindi talaga niya ako pinapansin hanggat hindi niya nalalaman ang totoo. Malakas naman ang loob ko na mag papakasal sa ‘kin si Lisa dahil yun ang deal namin dalawa. Hindi na ako makapaghintay na maging Paterson ang apelyido niya. Sa sobrang saya ko ay napakanta ako. Ngunit hindi ko natuloy ng biglang lumingon si Lisa sa ‘kin at tinapon niya ako ng masamang tingin. Napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko dahil sa ginawa niya. Pambihira! Para siyang dragon kung magalit. Palapit na kami ng palapit

