Chapter 25 Kevin’s Pov NAGDADALAWANG isip ako kung papayag ako sa gusto ni Lisa. Baka kapag tinawagan niya si Angus ay baka malaman niya kung nasa’n kami. Hindi ako makakapayag na makuha ni Angus si Lisa. Akin lang si Lisa. Hinding hindi ako papayag na mapunta siya sa masamang tao. Baka kung ano pa ang gawin niya kay Lisa. Alam kong may balak siya lalo na’t hindi niya sinabi ang totoo niyang pagkatao. Nakakapagtaka na hindi alam ni Lisa ang totoo kahit pa nga pangalan. Nandito kami sa sala at nagkukwentuhan kaming dalawa. Pilit kong iniiba ang usapan namin upang hindi niya maalala ang hinihingi niya sa ‘kin na cellphone niya. Tumikhim ako ng may maalala akong itanong sa kanya. “Baby..” tawag ko sa atensyon niya. “Yes?” Tugon niya kaya ngumiti ako. “May itatanong sana ako sayo. T

