Chapter 29 Kevin’s Pov HAWAK ko parin ang kamay ni Lisa at hindi ko ‘to binitawan kahit ano pa ang mangyari. Nakawala siya kay Angus kaya napangiti na lamang ako habang naaalala ang mga sinabi ni Lisa kung bakit siya nakalabas sa sasakyan. Tama ako ng hinala na makakatakas ang dalaga. Hindi siya katulad ng ibang babae na tatahimik sa gilid at iiyak dahil hindi alam ang gagawin sa sitwasyon. Nanatiling kalmado si Lisa at nakapag isip pa rin siya ng tama. Bwisit na bwisit ako dahil nabugbog ako ng mga tauhan ni Angus. Sinadya ko talagang bugbugin nila ako. Ito na lang ang naiisip kong paraan upang malaman ni Lisa ang totoong ugali ni Angus. Sigurado kasi ako na nagdadalawang isip parin siya sa ‘kin dahil na din naging fiance niya si Angus. Hindi ko naman masisisi ang dalaga. Hindi

