Chapter 36 Lisa’s Pov NAKANGUSO ako habang hawak parin ni Kevin ang kamay ko. Nakaharap kami sa pari at hinihintay nalang na magsabi ng kiss the bride. Langya talaga mga kaibigan ni Kevin dahil ang effort nila sa kalokohan para lang maikasal kami ni Kevin. Hindi ito ang pinapangarap kong wedding eh. Hindi ako makapaniwala na ganito ang su-suotin ko sa wedding ko. Paanong hindi ako ma-stress kung ang suot ko ay nakatapis ng t’walya at talagang nilagyan pa ng kapa gamit ang isa pang t’walya para mag mukhang dress. Si Kevin naman ay nakasuot ng puting t’walya na ipinatong sa balikat niya para lang pareho kaming nakasuot na puti. Para daw unique ang suot namin sabi ng lalaking abnormal ang pangalan. Yung flower bouquet ko naman ay utot-utot na flower sabi ng lalaking may pangalan na Kea

