Chapter 53 Lisa’s Pov PURO PUTOK ng baril ang maririnig ko sa buong paligid. Si Kevin na ang kasama ko at hindi ko na alam kung nasa’n si Kissiah. Sa t’wing may pinapapatukan ng bala si Kevin ay napapatili na lamang ako. Pero kapag nakikita ko siyang humawak ng baril ay para akong naiingit. Parang gusto ko din matutong humawak ng baril. Kanina nga din ay naiingit ako kay Kissiah na magaling humawak ng baril. Parang gusto ko nalang din matuto. “Makakalabas pa ba tayo dito, baby?” Tanong ko kay Kevin. “Oo naman, baby. Magtiwala ka lang sa ‘kin. Hindi kita ipapahamak.” Sabi ni Kevin na para bang pinapakalma ako. “Magtitiwala ako sayo, baby. Gusto kong makalabas tayo ng buhay dito pati na ang kaibigan mong baliw.” Sabi ko ng maalala ko si Jacob. “Nasa paligid lang yun, baby. Ang t

