SA KABILA NG nangyari, natuwa naman si Mia dahil napaka-positive ng kaibigan niya. Alam ni Mia ang pakiramdam ng maiwan o mawalan ng mahal sa buhay. At kung siya siguro ang nasa kalagayan ng kaibigan, baka hindi niya kayanin kaya bilib siya sa kaibigan niya dahil sa aking tapang nito at paninindigan sa buhay.
Isang linggo na ang nakalipas.
“Thank you, friend.” Pagpapasalamat ni Cindy sa kaibigan niya.
“Wala iyon. Hindi ba sabi ko naman sa’yo na I’m always here as your best friend. If you need my help, I will help you.” At ngumiti si Mia. “Promise ko sa’yo ‘yan no’ng high school pa tayo.” Saka ito tumingin sa bracelet na suot niya.
Itinaas naman ni Cindy ang isang kamay niya. “Yeah! Ito oh.” Ipinakita ang bracelet na suot din niya. “Promises natin. Wala talaga tatalo roon.” At yumakap si Cindy sa kaibigan, yumakap naman pabalik si Mia.
Mga ilang saglit lang.
“Friend. Napag-isipan ko na ‘tong mabuti at.” Huminto siya saglit sa pagsasalita. “Luluwas na ako bukas. I will grab the opportunity na ino-offer sa’kin.” Tumayo si Cindy at dumungaw sa bintana. “And I think, iyon ang makabubuti sa akin.”
Tumayo ang kaibigan at lumapit sa kanya.
“Saan ka titira roon? Kaya mo na ba?” pag-aalala ng kaibigan niya.
Humarap si Cindy kay Mia. “Oo. Kaya ko na.” at ngumiti siya kay Mia. “Tinawagan ako ni Mrs. Grace, siya yung mayamang babae na nag-offer sa’kin ng scholarship. Doon ako titira sa bahay nila. Mabait naman sila at mukhang magiging maayos ‘yong buhay ko roon.” Explain ni Cindy.
“Masaya ko sa desisyon mo pero friend, in case na hindi mo kayanin doon welcome ka pa rin dito sa bahay namin ah.” Kinuha ang kamay ng kaibigan at hinaplos. “You are always welcome here.” At ngumiti.
“Salamat talaga.” At yumakap siya kay Mia. “Bukas na ang alis ko,” at ngumiti siya pagkakalas niya ng yakap sa kaibigan. “Mag-iingat kayo rito ni lola ha. Alagaan mong mabuti sarili mo. ‘Wag mo kong kalilimutan. Dadalaw ako rito pag may time ako, okay?” Wika ni Cindy.
“Opo.” At saka tumawa. “Hinding-hindi kita makakalimutan. Bestfriend tayo eh.”
Nag-usap pa sila ng madami dahil bukas maghihiwalay na sila. Masyado silang naging close na close sa isa’t isa kaya siguradong mamimiss nila ang isa’t isa kapag nagkahiwalay na sila at iyon nga ang mangyayari.
“O’ paano friend, bukas na ang alis mo. Lagi mo kong i-update sa life mo roon ah at saka s’yempre sa lovelife mo.” at sabay tawa ni Mia.
Tumango na lang si Cindy. Nakahiga na sila sa kama at inaalala ang mga masasayang bagay at pangyayari sa buhay nila.
“O s’ya. Matulog na tayo.” Aya ni Cindy at pumikit na siya.
Kinabukasan, araw ng alis ni Cindy. Nasa Terminal na sila ng bus.
“Friend. Mamimiss kita.” Nakayakap si Mia sa kaibigan niya. “Mag-iingat ka roon ah.” Kumalas na sa pagkakayakap. “Tapangan mo ha. ‘Wag na ‘wag kang magpapaapi sa mga manila girls doon.” Bilin ni Mia kay Cindy. Tumango naman si Cindy at niyakap ulit ang kaibigan
“Mamimiss din kita, Friend.” Saka kumalas sa pagkayakap. “Mag-ingat ka rin dito ha? Tapos kapag may problema ka at need mo ng kausap, tawagan mo lang ako. ‘Wag na magpaka-bitter sa ex-boyfriend mo, okay?”
“Oo no! Never na!” Diig sabi ni Mia.
“Paano, bye for real na.” At ngumiti si Cindy. “Bye, friend.” Kumaway siya habang naglalakad pasakay sa bus. Kumakaway din si Mia at naluha pa siya habang nagpapaalam sa kanya.
Masaya naman ang buhay ni Cindy kapiling ang kanyang kaibigang si Mia. Pinilit ni Cindy na tapangan dahil ayaw niyang makita ang kaibigan na malungkot. Mahina si Mia kumpara kay Cindy kaya pilit na ipinapakita ni Cindy na okay na siya at tinatago ang sakit na dulot ng pagkawala ng mga magulang niya. Mabilis siyang nakapagpasya na lumuwas upang ipagpatuloy ang buhay. Ayaw niyang maging pabigat pa sa kaibigan. Naalala nga ni Cindy ang nangyari sa kaibigan niya nang iwan at lokohin ng kasintahan. Halos mawala sa sarili si Mia at humantong pa sa paglalaslas. Gumuho ang mundo nito at tanging pagpapakamatay ang naisip niyang gawin. Ayaw ni Cindy na mangyari ulit iyon sa kaibigan niya. Ayaw niyang masaktan na naman ng todo ang kaibigan niya na halos pati sariling buhay ay wakasan.
Tinatagan ni Cindy ang loob niya habang binabaybay ang Manila. Nang makarating na siya sa Manila. Pinanghawakan niya ang salitang magiging matatag siya sa hamon ng magiging buhay niya rito at hinding-hindi siya panghihinaan ng loob. Hinanap niya kaagad ang address na ibinigay sa kanya ng kausap niya kagabi. Na-save niya iyon sa kanyang Cellphone.
Huminga siya ng malalim habang patuloy pa rin sa paglalakad.
“New environment! Nakakapanibago.” At saka siya ngumiti. “Fighting!” bulong niya sa sarili niya.
Mayaman at seryosong tao si Joel Earl Mendoza. Masyado siyang pihikan pagdating sa mga taong makakasalamuhan niya lalo na sa mga babae. Para sa kanya, sakit lamang sa ulo ang mga ito. Gaya ng mga babaeng maarte at sobrang iingay. Mga Easy go lucky at puro pa-sosyal lang ang alam.
Umaga, habang busy si Joel sa pagbabasa may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
“Sir, Nakahanda na po ang breakfast.” Wika ng maid nila.
“Okay!” tanging respond ng binata. Pagkatapos ay lumabas na siya at tumungo sa dining area kung saan naka-ready na ang almusal. Nakita niya ang mama niya na nakangiti sa kanya. Iniwasan niya ito ng tingin at naupo.
“O iho! How’s your sleep?” kaagad na bungad sa kanya ng mama niya pagkaupong-pagkaupo niya.
“Fine!” Sagot niya habang busy sa pagkuha ng kutsara’t tinidor. Hindi niya tinitingnan ang mama niya. Nagsimula na siyang kumain.
Patay na ang ama ng binata. Nasa batang gulang pa lamang ito ng kunin na ang kanyang ama. Isa kasi itong sundalo at sa di-inaasahang pangyayari ay agad nabawian ng buhay ang ama niya. Solong anak si Joel. Silang dalawa na lang ng mama niya ang magkasama sa buhay. Magkasundo sila noon at sobrang close na close ngunit nang magpasya ang mama niya na mag-asawa ulit, nagbago ang lahat. Lumayo ang loob ni Joel sa mama niya. Sinasarili na lamang ni Joel ang lahat ng nangyayari sa buhay niya at bilang lang ang ngiti sa mga labi niya.
“Nakapag-enroll ka na ba, iho?” Tanong ni Mister Renato S. Tan.
Habang sabay-sabay silang kumakain. Si Mister Renato Sanchez Tan ang second husband ni Misis Grace Mendoza – Tan, ang mama ni Joel. Nagpatuloy lang si Joel sa pagkain at hindi sinagot ang tanong ni Mister Renato. Medyo sumama ang tingin nito sa kanya.
“Ah honey… Hayaan mo na muna siya. Nasa hapag-kainan tayo.” Wika naman ni Misis Grace habang himas-himas ang braso ng asawa. Halatang hindi nagustuhan ni Mister Renato ang inaasal ni Joel.
Tahimik na lang silang kumain at nang matapos na si Joel ay kaagad siyang tumayo at tumalikod.
“Iho!” Tawag ni Misis Grace.
Huminto naman sa paglakad si Joel ngunit hindi siya humarap sa Mama niya.
“Mag-enroll ka na bukas, okay?” Utos na wika ng mama niya.
“Okay!” Tipid naman niyang sagot at saka nagpatuloy sa paglakad paakyat ng hagdan hanggang sa makapunta sa kwarto niya.
Naiwan ang mag-asawa sa dining area.
“Hindi ko gusto ang inaasal ng anak mo, Grace.” Reklamo ni Mister Renato.
“Honey, Hayaan mo na lang. Hindi ko rin masisisi si Joel. Binata na siya at alam nating simula una palang hindi niya sinang-ayunan ‘yong pag-aasawa ko ulit. Kaya, intindihin na lang muna natin siya. Alam kong matatanggap niya rin ang lahat-lahat.” Pagpapaliwanag ni Misis Grace.
Tumayo si Mister Renato at humalik sa pisngi ni Misis Grace.
“Okay! I think you’re right. Hindi ko na papaki-alaman ang anak mo dahil may anak pa naman tayo. He will be back here as soon as possible. Dito na siya mag-aaral.” Seryosong sabi ni Mister Renato.
“Okay honey! Halos magkasing-edad naman sila ni Joel. Sigurado akong magkakasundo sila.” Masayang wika naman ni Misis Grace.
“Oh s’ya. I go ahead. May meeting pa ako.” Paalam ni Mister Renato.
“Okay. Ingat hon.”
At umalis na ang asawa niya. Ipinaligpit na niya sa maid ang dining table. Pumunta siya sa sala at naupo sa sofa. Nanonood siya ng television nang istorbuhin siya ng maid nila.
“Madam, may bisita po kayo.” Bungad ng maid sa kanya.
“Okay! Patuluyin mo sa garden. Susunod na ko.” Tugon naman niya.
Malungkot si Misis Grace sa t’wing naaalala niya na nagbago ang pakikitungo sa kanya ng kaniyang anak. Ayaw niyang gano’n ang kinikilos ng anak niya ‘coldness’. Aminado naman si Misis Grace na masyadong naging mabilis ang lahat ng pangyayari at hindi niya naisip ang mararamdaman ng kanyang anak.
Nakaisip ng paraan si Misis Grace para sa kanyang problema. Nang may mag-apply na dalaga thru website as scholar, tinanggap niya kaagad ang dalaga. Pag-aaralin niya ng libre ang dalaga at libre rin ang tirahan kapalit ng pagbabago ng kanyang anak. Gusto niyang bumalik ulit sa dati ang kanyang anak. ‘Yong anak niyang close sa kanya at hindi cold. At sa tingin niya, ang babaeng nag-apply sa kanya ang magiging susi upang bumalik sa dati ang kanyang anak. Mukhang consistent at may persistent ang dalaga, base sa nakikita niyang personalidad nito.