LIFE IS FULL of surprises na kung saan ay hindi mo talaga maipaplano kung ano ang mangyayari sa'yo - may mga pagkakataong susubukin ka ng pagkakataon at minsan naman, ay pasisiyahin ka na akala mo'y hindi na matatapos ang kasiyahang iyon. May mga pagkakataong, hindi mo alam kung paano magre-react sa isang sitwasyon kaya mas minamabuti mo nalang na tumahimik. Nang makarating na si Cindy sa classroom, kaagad siyang nilapitan nina Gelai at Moira. Napatingin naman lahat ng mga kaklase nila sa kanila. "Hey everyone." pasimulang wika ni Moira. Pagtataka naman ang nasa mukha ni Cindy at ng mga kaklase nila. "Wait lang, Cindy. You need to stay here." dugtong na wika ni Moira at nanatili sila sa harapan. "Anong mayroon?" takang tanong ni Cindy, ngumiti naman sina Moira at Gelai sa kanya. "Bast

