MATAPANG SI Cindy ngunit dahil sa mga sinabi ni Joel, hindi na siya nakapagsalita at kaagad na lamang na nagwalk out. Sobrang seryoso ng araw na iyon para kay Cindy. Iyon ang araw na masasabi niyang 'People can easily judged you without even thinking o verify the truth. Paniniwalaan nila kung ano ang nakita at narinig nila kahit na hindi iyon ang pinaka-unang akto ng eksena. Dumeretso si Cindy sa may garden ng campus. Gusto niya munang mapag-isa upang makapag-isip isip ng mabuti. "Haist! Cindy... tama ba itong ginagawa mo?" patanong na sabi niya sa sarili niya. "Tama ba na bumalik ka pa rito sa Manila upang gawin ang mission mo? Tama ba ang lahat ng nangyayari?" paulit-ulit na tanong ni Cindy. Napayuko na siya at hindi mapigilan ang pag-iyak dahil nagrerewind sa isipan niya ang mga si

