Chapter 4

3713 Words
~(KIANNA SANDOVAL POV) Kanina ko pa kinukulit sina Mom and Dad habang nakatingin ako sa anak ko, kay Keizel, Russ, Therese and Nanay mula sa pangalawang palapag ng bahay. Gabi na pero naglalaro pa rin ang dalawang bata sa garden. Bumuo sila ng tent at mayroon din silang bonfire na kinahiligan na rin nilang gawin noon. Naka-alalay naman ang mga katulong sa kanila. "Why don't you talk to him, anak?" Mom asked. "Mom, alam mo naman iyong si Kier. No matter what I say if he hates someone he would hate that someone to death." Hindi ito sumagot. Sa braso naman ni Dad ako pumalupot. "Dad..." Malambing na sabi ko ang pouted. "What do you want me to do?" "Convince him, convice him that Liam is really a good guy." "You don't have to convince him. Hayaan mong siya ang makakita na mabuting tao talaga si Liam." Napanguso ako lalo. Turning 35 na ako baka nakakalimutan nila. Napatingin ako sa anak ko na abot ang takbo at talon. Nawawala talaga ang stress ko every time na titingnan ko siya. He was so lovely. He was so innocent. Alam kong hindi ako nagkamali sa desisyon kong magkaroon ng anak. Lalong hindi ako nagkamali na si Liam ang pinili kong maging ama ng anak ko. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Dad noon. "I sent Liam to protect you. To follow you and report every little things to me. I do trust him kaya siya ang napili ko." I really did not know what to say hearing that from him. Hindi ako makapaniwala. "Alam kong kahit papaano safe ka dito sa London, but I still wanted to make sure na nasa maayos kang kalagayan." Nag-uunahan ang tubig na mamuo mula sa mga mata ko. I wanted to hug him so tight. "Dad..." "There are lots of things na gusto kong ipaumanhin sa inyo ni Kier. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa inyong dalawa. Naging malaki akong duwag na ipakita kung ano ang nararamdam ko. Hindi lang sa inyo dalawa kung hindi pati na rin sa mommy niyo." Napatigin ako kay Kier na nakahiga pa rin sa bed niya, he was still in coma. Sana naririnig niya si Dad. Hinawakan ko ang kamay ni Kier at muli akong tumingin kay Dad with tears in my eyes. I never thought na ni isang beses makakarinig ako ng paumanhin sa kanya. I never thought na isang araw ibababa niya ang pride niya at maiisip niya na may pamilya pa siya, na hindi lang siya ang tao sa mundo. "High school kami noon, noong una kong magustuhan ang mommy mo. I have everything in life. I was the richest, I own the school, topnotcher, I excel in everything I do." Dad looked at no certain thing in the room, parang sariwa pa rin sa kanya ang kwentong iyon. "Despite all the achievements, all the fame, all the money, hindi pa rin ako ang gusto ng Mommy mo. She loved someone else at iyon ay si Larry, Aine and Zen's father." Napaawang ang mga labi ko sa sinabi nito. "Naging magkasintahan sila ng Mommy mo. I thought I could just forget about her, I thought I could just ignore them pero hindi. Hanggang pagdating ng kolehiyo, walang nagbago sa nararamdaman ko. Gumawa ako ng paraan para mapunta sa akin ang Mommy mo, by hook or by crook. Wala akong pakialam kung hindi niya ako gusto, wala akong pakialam kung may maapakan akong tao. I would get her, I would get everything I wanted. I'm the richest Sandoval, the powerful Sandoval, kaya kong gawin lahat, kaya kong kuhanin lahat... even her." Napalunok ako. Pakiramdam ko kinilabutan ako sa sinabi ni Dad. "I threatened her parents na kapag hindi nila pinakasal sa akin ang Mommy mo, ibabagsak ko ang lahat ng negosyong meron sila. Pumayag silang ipakasal sa akin ang Mommy mo out of fear. Your Mom was in pain that time. Mahal niya si Larry. Ganu'n pa man, wala siyang nagawa. Pinakasalan niya ako. I remember she was like a robot when I married her. Para siyang isang laruan na kailangan kong kontrolin para gumana. I knew she was afraid of me. Mahal ko siya at gusto kong mahalin niya rin ako pabalik. Kung hindi? I didn't care. I would never ever let her go kahit ano pang mangyari. She's mine. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. That's how selfish I was." I... couldn't imagine. "I was so happy noong malaman kong buntis siya sa'yo pero napalitan iyon ng galit nang malaman kong nakikipag kita pa rin siya kay Larry. I was so mad, ang daming tumakbo sa isip ko. Kasama na 'yung thought na baka hindi ako ang ama ng dinadala niya." Alam ko na hindi naging maganda ang pakikitungo ni Dad kay Mom even before pero alam ko na kahit anong galit niya kay Mom, never ever niya itong pinagbuhatan ng kamay. He never cared kung may masaktan siyang ibang tao, he always thought na he was a Sandoval, pakiramdam niya he was a god, pero pag dating kay Mom he was always holding his temper. Lagi niyang nililimitahan ang galit niya. I knew he loved Mom that much. Iba lang ang pamamaraan niya ng pagpapakita ng pagmamahal. He was just too possessive. "But you were born," Hinaplos ni Dad ang ulo ko, "I knew you're my daughter. I knew you're a Sandoval." "Dad..." Lalo akong napaluha, "Why did you have to show me na hindi mo ako mahal? Na hindi mo ako anak, dad?" "Noong bata ka, naging malapit ka sa mga Santos. Lagi mong gustong bumisita sa bahay nila kasi sabi mo masaya ka do'n. Hindi ko alam kung naalala mo pa, pero noon pa man, magkasundo na kayo ni Aine. Nagsimula ka ng magkwento ng tungkol sa mga Santos, how good they were to you. Gusto ko ang pagtrato nila nang maayos sayo pero ayokong isipin na nagiging malapit ka sa kanila lalo na kay Larry. Habang lumalapit ka sa kanila lalo kong naiisip ang nakaraan ng Mommy mo at ni Larry. I was so selfish, I wanted you, Kian, Kier and your Mom only for me. Bata ka pa no'n, ayokong malayo ka samin ng Mommy mo pero tiniis ko para lang malayo ka sa mga Santos." "Kaya po ba ayaw niyo ng umuuwi ako sa pinas?" "I always wanted you around the house. I always like seeing you, pero sa tuwing nakikita kita natatakot ako na baka isang araw, bumalik ka ulit sa kanila. Baka maging kasundo mo sila. Baka mas maging masaya ka sa kanila. Natakot ako na baka mali ako, baka hindi ako ang ama mo. Pero kahit hindi, ayoko paring mapunta ka sa kanila. You'll always be a Sandoval." "Bakit hindi niya nalang po ako pina-DNA test, dad?" "Your Mom already gave me a DNA test result but I never open it. I never looked at it. Siguro natakot ako sa resulta pero... kadugo man kita o hindi, anak kita at walang makapagbabago no'n kahit isang kaparinggot na papel and that's for sure." Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. "I love you so much, Dad. Hindi po nawala ang respeto ko sa inyo ni Mom. Pinagtulakan ko man po kayo palayo noong nag-aagaw buhay si Kier, ramdam ko pa rin po sa puso ko na mahal ko pa rin kayong dalawa ni Mom and I'll always and always love the two of you." "Hindi ko ginustong saktan ka, anak." The way he called me anak was heart melting. Parang ang tagal kong ginustong marinig iyon mula sa kanya. I understood. Alam ko na magka-ugali talaga sila ni Kier. They always say bad things kapag galit sila. Alam ko hindi nila sinasadyang sabihin iyon. Even without sorry alam ko na naiisip din nilang nagkamali sila. Ilang saglit ko pa itong niyakap bago humiwalay. "Pero dad, aminin mo paborito mo si Kian." Nakangusong sabi ko. "Mahal namin kayong tatlo ng Mommy mo. Nagkataon lang na..." He was like out of words to say. "Na mas matalino si Kian? Mas magaling? Mas masunurin? Mas affectionate? All good characteristics nasapo niya yata from above. 'Di ba po? Bakit hindi niyo nabigay kahit hindi sa akin at least kay Kier ang atensyong nabigay niyo kay Kian?" "Matigas ang ulo ni Kier." Sabi nito sabay tingin kay Kier, "makulit, hindi marunong makinig. Bata pa lang siya alam ko na nakuha niya ang ugali ko. I wanted to train him na maging ako... na maging katulad niya ako. Matigas, hindi basta basta nagbibigay ng puso. Alam kong matalino si Kian pero si Kier ang gusto kong magmana ng kompanya." He sighed "Akala ko kapag ginawa ko ang ginawa ng ama ko sa akin noon para maging matatag ay magagawa niya rin. Akala ko magiging katulad ko siya pero hindi. Your brother has a soft heart. You all have a soft heart." "Kailangan niya ba talagang pagdaan 'yon, dad? Kailangan niyo bang isisi sa kanya lahat kahit alam niyo kung anong totoo? Kailangan niyo ba siyang saktan noong araw na 'yon kahit alam niyong hindi talaga siya ang nakasunog ng basement? Kailangan niya ba talagang maging ikaw? Kailangan niya bang maging bato, maging sakim para maging tagapagmana ng mga Sandoval?" "Nagkamali ako. Mali ako." Kita ko ang namumuong luha sa mga mata nito, "Sa totoo lang, mas sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng kapatid mo. Ako ang totoong may kasalanan ng lahat." "Let's play!" Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Keizel. "I wanna join! I wanna join!" Sigaw naman ng anak ko na nakataas pa ang dalawang kamay sa ere habang tumatalon. I would love to see them for my whole life. Pinagarap ko lang na magkaroon ng masayang pamilya and here it is now. I didn't expect na isang araw mawawala ang galit at hinanakit sa mga puso namin. "Kamukhang kamukha niya si Aine." Ani Mom na nakangiting nakatingin kay Keizel. "And Zen, Mom." I added. "We really can't deny that she's a Santos." I smiled a bit. Mom was right. "Sandoval naman po sa ugali." I said at sabay kaming humagikgik ni Mom. "Iinom lang ako ng gamot." Paalam ni dad. Nagpaalam lang si dad na uminom ng gamot pero hindi nagtagal nasa garden na rin siya at nakipaglaro na rin sa mga bata. Lalo akong napangiti. I thought he never liked kids pero sobra talaga ang bonding niya kay Keizel at Klein. Buhat buhat niya ang anak ko at nakapasan naman si Keizel sa likuran niya. "He took his medicine for nothing, Mom. You should scold him from time to time." "Mami-miss niya ang mga bata kapag bumalik na tayo sa pinas. Siguradong magiging busy na naman ang dad mo sa trabaho at magiging busy ang dalawa sa school." She was right. Siguradong hindi pababayaan ni dad ang mga business lalo pa ngayon at hindi maganda ang sales reports about our businesses. Bahagi na talaga iyon ng buhay niya. Si Klein kahit bata pa ay ini-enroll ko na sa iba't ibang activities na gusto niya. Bumaling ako kay Mom, "Mom?" "Hmm?" "Kailan niyo po naramdaman na mahal niyo si Dad?" Napatingin ito sa akin na parang confused kung bakit bigla ko na lang iyong natanong but then she smiled. Hinaplos ni Mom ang ulo ko, "Bago ka pa mabuo. Manhid lang ang Daddy mo." Napaawang ang mga labi ko, "Really, Mom?" "Pakiramdam ng daddy mo ay anak siya ng diyos. Arogante, ma-pride, pero alam kong mahal niya ako. Sa kabila ng hindi magagandang ugali niya, hindi ako nahirapang mahalin siya." "Dad told me na naisip niyang anak ako ni Mr. Santos, bakit nakipag-kita ka pa noon sa kanya, mom?" "Because... I wanted to clear things out to him. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa pagdaan sa bahay at pagpapadala ng sulat noon. Ayoko nang paasahin pa siya. I just talked to him. Sinabi ko lang sa kanya na maayos na ako, masaya ako, at papanindigan ko ang kasal namin ng Daddy mo. I also told him na mahal ko na ang Daddy mo, na kailangan na naming bitiwan ang kung ano mang mayroon kami sa isa't isa." "Mom, Dad doesn't know that." "Nabulag kasi siya ng selos noon. Hindi niya makitang mahal ko siya dahil ang nasa isip niya lang ay may mahal akong iba. Na hindi ako pwedeng mapunta sa iba at dapat sa kanya lang. Naging abala siya sa pagtanggal ng mga balakid sa aming dalawa not knowing na ang balakid ay ang sarili niya mismo." "Parang napaka-unromantic ni dad, Mom? I can't imagine. Paano mo siya nagustuhan? He looks so cold even until now na okay na po kayo." "Your dad is a man of few words. Madalang ko siyang marinig magsalita pero pinaparamdam niya sa akin kung anong nasa isip niya at nasa puso niya. Actually, until now tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit mahal ko ang daddy mo." Ngumiti ito at hindi ko alam kung bakit napangiti na rin ako. "Mom, hindi po ba unfair 'yon kay Mr. Santos?" "Unfair, anak, pero ganu'n talaga ang buhay. Naisip ko na siguro lahat ng bagay nangyayari dahil may dahilan. Kung hindi ako pinilit magpakasal ng daddy mo, baka wala kayo sa buhay ko. Baka hindi masaya ngayon ang bestfriend ko at si Larry. Baka wala si Aine at si Zen." "Your bestfriend? Si Tita Sanya? Mom nodded. Bahagyang napaawang ang mga labi ko. "Bata pa lang kami alam kong may gusto na siya kay Larry. Ganu'n pa man, nirespeto niya ang relasyon na meron kami. Pagkatapos kong makausap ng huling beses ang titoto mo, siguro binuksan niya muli ang puso niya para sa iba... at si Sanya ang pinili niyang mahalin. Hindi ako nakaramdaman ng ano pa man bukod sa saya para sa kanilang dalawa. Pinagdasal ko na sana tuluyan silang maging masaya sa piling ng isa't isa." "Kaya po pala... ang sabi ni dad lagi tayong bumibisita sa bahay ng mga Santos noon? Bestfriend niyo po pala si Tita Sanya. But what happened, Mom? Bakit parang hindi na kayo close ngayon? Ni hindi ko po kayo nakikitang nag-uusap sa telepono?" "Ayaw ng daddy mo na nakikipagmabutihan ako sa mga Santos. Ang madalas nating pagbisita sa kanila ang naging dahilan kung bakit ka niya ginustong ilayo. Tuwing nalalapit ka sa mga Santos para siyang naparaning." Mom smiled at nag-ipit ng ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko, "Mahal na mahal ka kasi ng Daddy mo. Noong bata ka siya ang madalas na may buhat sayo kaysa sa akin. Halos ayaw ka na nga niyang bitiwan noon. Lumaki ka rin na spoiled brat dahil lahat ng gusto mo binibigay niya. Hindi ka niya kayang tiisin." Gusto kong mapangiti sa sinabi ni Mom pero ang dmai paring tanong sa isip ko. "Kung ayaw ni dad na malapit tayo sa mga Santos, bakit niya sinuportahan ang relationship ni Kier and Zen at the very first place, Mom? You two even invited them at home, and dad even helped Kier with his plans." "Gusto ng daddy mo na makaganti ang kapatid mo kay Aine that's why he helped him out." Napaawang ang mga labi ko at hindi makalaniwalang tumingin kay Mom. "How did he know na Aine is a Santos that time? That was a very deep secret, Mom." "Your dad has his own ways of knowing everything, you know that." "Yeah, I know, Mom, but what I mean is kailan pa naging interesado si dad kay Aine at sa relationship nila ni Kier for him to investigate that deep?" "You just thought that your dad never cared, anak. The fact is, he always cares. Alam niya lahat ng nangyayari sa inyong lahat. Nakita niya kung paano nahirapan at nasaktan ang kapatid mo, nakita niya kung paano nito sirain ang buhay niya just because of Aine. Ginusto ng daddy mo na makaganti rin sa kanya for hurting your brother kaya pina-imbestigahan niya ito. Worst, nalaman niyang Santos si Aine kaya lalo niyang ginustong gumanti." Hanggang ngayon kumikirot ang dibdib ko para kay Aine. "What about Zen? Bakit ayaw ni dad pumayag na maghiwalay sila ni Kier? Hindi ba dapat magalit din siya kay Zen because she's also a Santos?" Bumuntong hininga si Mom, "Mahal ni Kier si Zen, iyon lang ang importante sa daddy mo. Hindi gusto ng daddy mo na isuko niya si Zen dahil sa kanya isang malaki iyong pagkatalo. And he hated to lose. Pakiramdam niya ang pagkatalo ng anak niya ay siya ring pagkatalo niya. Gusto niyang ma-realize ng kapatid mo na he has a power. He has the power to make her stay sa kahit ano pang paraan." Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko. Siguro naging bad timing lang talaga ang lahat ng bagay, lahat ng nangyari. "What about Keizel Mom? B-Bakit hindi niya po nalaman ang tungkol kay Keizel?" She sighed. "Liam hide it from him. Si Liam ang nag-iisang look out niya sa'yo sa London, kahit kailan hindi niya sinabi sa daddy mo na nagkikita kayo ni Aine. Your dad trusted him kaya hindi na siya nagpadala pa ng ibang tao para mag-report sa kanya ng mga bagay tungkol sa'yo." "Did dad ever got mad at him after knowing that he lied?" hindi makapaniwalang tanong ko. "He was disappointed but I don't think he got mad at him. Dahil kung galit siya kay Liam siguradong siya mismo ang humila kay Liam palabas ng bahay noon. Hindi sana nabuo si Klein, anak." Napingiti ako at tumingin sa direksyon ni dad. Nakapaligid pa rin dito ang mga apo. "Grandpa, carry!" Sigaw ng anak ko. Tumingin ako sa ibaba. "Naku, Kikiam. May rayuma na 'yang si tito!" Si Russ. Nakahawak na nga sa tuhod si dad at hinihingal na kahahabol sa kanila ni Keizel. Ginulo ni dad ang buhok nito bago ito yumukod at buhatin si Klein. "I told you to eat vegetables, apo." Said dad. "But I don't like vegetables, Granpa. I only love bahay kubo but not the vegetables in there." Tumawa nang bahagya si dad pati na rin kami ni Mom. "Kung paano niya alagan si Keizel at Klein ganu'n niya kayo inalagaan noong mga bata pa kayo. Noong wala pa kayong kamuwang- muwang." Sabi ni Mom habang magiliw na nakatingin sa mga ito. Bumaling ako kay Mom, "Mom, bakit pati kayo galit kay Kier noon?" Sandali itong tumahimik. Nang lingunin ko ay nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Noong araw ng aksidente nag-aalala ako para sa kanila ni Kian. Parehas silang hindi marunong lumangoy pero mas malakas ang pakiramdam ko na mas kakayanin ni Kier na magtagal pa sa ilalim ng tubig. He's brave unlike Kian. Sabi nila isa lang muna ang kaya nilang kuhanin. Nahirapan ako magdesisyon, god knows that." Hindi ko alam kung bakit nahahawa na rin ako sa luhang namumuo mula sa mga mata ni Mom. I really miss Kian so much. "I had to choose one... your dad told me to choose Kian dahil naniniwala rin siya na kakayanin pa ni Kier na magtagal sa ilalim ng tubig... but I didn't choose. Hindi ko kayang mamili sa kanilang dalawa. I told them to try to get them both. Kung pwedeng silang dalawa, silang dalawa ang kuhanin sa ilalim ng tubig at kung kailangan na talagang mamili... just get whoever they can get..." Umagos ang luha mula sa mga mata ni Mom. Kita ko ang sakit sa mga mata niya. Ang aksidenteng iyon ay para talagang isang malaking bangungot sa aming lahat. Sa tuwing sasagi sa mga isip namin parang hindi iyon naluluma. It was still fresh, still painful. "They got Kier... I was so happy, so happy that he's alive pero nag focus ako sa kung sinong wala. Ilang oras... ilang oras bago nila nakuha si Kian sa ilalim ng tubig. It was so..." Humawak si Mom sa dibdib niya like she can't really handle the pain in her chest. Napaluha na rin ako. "They had to cut your brother's foot para lang matanggal siya sa loob ng sasakyan. Ang sakit sakit no'n para sa akin... I wanted to hug him, I wanted to tell him that he'll be fine but he's dead.. anak." "Mom..." I hugged her. "Nagalit ako sa daddy mo, nagalit ako sa sarili ko dahil wala siyang nagawa at wala akong nagawa. Hindi ako nakatulog sa bawat gabi hanggang sa hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Napuno ng galit ang puso. Wala akong inisip kung hindi si Kian. Sa tuwing nakikita ko ang bangkay niyang walang buhay sa isip ko, gustong gusto kong magalit sa mundo. Gustong gusto kong itaboy lahat ng tao sa paligid ko at gusto kong ito lang ang makita ko. Hindi ko alam na naging katulad na pala ako ng daddy mo. Naging selfish ako. " Humiwalay sa akin si Mom at pinunasan ang luha niya. "Aaminin ko, nagkamali kami ng daddy mo. Nasaktan namin ng higit si Kier noon. Hindi naging matatag ang kapatid mo sa lahat ng bintang, sa lahat ng masasakit na salitang natanggap niya sa amin ng daddy mo. Nadurog lang siya. He blamed himself more. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ito sa dibdib ko. Ang frustration na wala akong ginawa para sa kanya sa tuwing sasakyan siya ng daddy mo. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na buong buhay niya wala akong ginawa para sa kanya." Tuluyan nang naiyak si Mom. Hinaplos ko ang likod niya. "Mom, ang mahalaga tinatatama niyo na 'yung mga maling 'yon ngayon. Ang mahalaga bumabawi po kayo sa mga panahon na nawala." Mom looked so hurt and disappointed on herself. It was enough for me na alam nila na nagkamali sila at ngayon na nararamdaman kong ginagawa nila lahat para sa pamilyang binuo nila ni dad. "Sana bumalik na ang alaala ng kapatid mo para makahingi na kami ng tawad sa kanya ng daddy mo. Sana... sana mapatawad niya kami, anak, at kung hindi... susubukan kong nakiusap sa kanya. Hindi ako mapapagod punan ang mga pagkukulang ko." Hindi ko alam kung dapat pa bang bumalik. Ayoko ng makitang masaktan ulit siya ng sobra sobra dahil sa mga alaalang pwedeng humabol at sumugat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD