" Sigura kanaba talaga jan sa desisyon mo dinaba mag babago yan ? " Nagsusumao na sabi ni inay .
" Inay alam kong alam mo na para satin lang din to, alam kong alam mo gusto kung makatapos para makatulong sa inyo ni itay . " Saad ko kay inay at tiningnan ang aking kapatid na umiiyak din .
" Anica ikaw muna ang bahala kila inay at Anica mag aral ka muna wag mo muna isipin ang boyfriend , boyfriend na yan, ang gusto ko sana unahin mo muna ang pag aaral mo gusto ko makamit mo Ang pangarap mo kaya makinig ka Anica . " Habilin ko kay Anica na ngayon ay ngumingiwi .
" Ehh ate aanihin ko po ba yung boyfriend , boyfriend na yan makakatapos ba ako nyan ? at tska ate wag kang mag alala andito lang ako para alagaan sila inay . " Pag hahambog nito .
" Talaga lang huh , baka nga mabalitaan ko nalang may boyfriend kana pala , nako , nako ikaw Anica huh . " Pag bibiro ko sa kanya .
" Ay nako kayo talaga , oh ikaw Alica may plano ka pa bang umalis naiinip na yung traysikel driver kaka intay sayo oh . " Saad ni itay at tinuro ang traysikel driver gamit ang nguso nya .
" Ay sorry po manong pinag antay ko po kayo ng matagal hehe . " Saad ko sabay kamot sa ulo ko pero wala akong kuto no .
" Okay lang yun iha . " Sagot naman ni manong .
" Ahh so pwede kapang mag antay ng matagal manong ? " Birong tanong ni Anica kay manong driver .
" Ahh ehh ma'am dinaman ata yun pwede kasi mamasada pa po ako ehh . " Kamot ulo na sagot ni manong na ikinatawa namin .
" Hahahahaha ! ano kaba manong syempre jokey jokey lang yun . " Natatawang paliwanag ni Anica, Jusko luko , luko talaga kahit kailan .
" Sige Nay , Tay , Anica alis nako mag iingat kayo dito ok ? " Paalam ko at tumango naman sila..
" Magingat ka don anak huh ? " Bilin ni itay .
" Opo naman Tay . " Sagot ko naman tska ni yakap sila isa , isa at sumakay na .
" Bye ate ! " Rinig ko na sigaw ni Anica, kahit kailan talaga . Sana maging mabuti Yung mga tao na makakasalmoha ko at sana hindi ako pag laroan ng tadhana , kasi alam naman natin minsan mapaglaro ang tadhana , kaya nga ika nila kay Jesus ikaw ay manalangin para ikaw ay pagpalain , kaya nga tayo ay manalangin para tayo ay pagpalain ni Jesus kristo .
(Hours passed . . . . . . . . .)
" Manong bayad ko po . " Saad ko sabay abot ng pamasahi ko kay manong .
" Salamt iha . " Pagpapasalamat ni manong sabay alis .
" San punta mo iha ? " Tanong ng isang lalake tansya ko kundoktor to .
" Ahh sa manila po sana ." Sagot ko naman sa kanya .
" Ahh yun iha yung bus nayon pa manila ang larga non . " Saad nito sabay turo sa bus .
" Ahh sige kuya salamat po . " Pagpapasalamat ko sabay lakad pa punta sa bus .
" May bakante pa po ba manong ? " Tanong ko Kay manong driver .
" Meron pa iha . " Sagot naman nito kaya tumango ako at nag hanap ng bakanteng upoan at sakto naman may nakita akong bakante sa may binta , kaya umopo nako at inintay na umandar ang sinasakya ko , kaya umidlip nalang nalang muna ako .
(Hours passed . . . . . .)
" Iha andito na tayo . " Pag gising ni manong sakin.
"Kanina pa manong ? " Tanong ko.
"Ayy hindi iha kararateng lang naten . " Sagot ni manong kaya tumango ako at bumaba na , sana nga lang maging payapa yung pag-aaral ko dito .
(Hours passed . . . . . )
Dingdong ~ ~
Dingdong ~ ~
Dingdong ~ ~
" Sino po kayo ? " Tanong sakin nung ginang kalalabas lang .
"Ahh manang Ito po ba yung mansion ng mga Mendez ? , Kasi ho ako po yung binigyan nila ng scholarship kapalit po ng pag tatarabaho ko bilang yaya sa kanilang anak . " Sagot ko naman kay manang .
" Aba ehh ikaw pala Yun iha , sige pasok , pasok , ako pala Ang madyora dito iha , pwede mo rin akong tawaging nay Celya . " Nakangiting Saad nito .
" Ahh ako pala si Alicia Saint nay , Taga Cavite . " Ani ko naman kay nay Celya.
"Ahh iha Ito napala yung kwarto mo , dito kana tutulog simula ngayon . " Saad ni nanay Celya at pagtingin ko sa kwarto malaki naman siya pero di gaano sakto lang kasya ang tatlong tao sa kama .
" Dito sa baba tutulog ang mga kasambahay at sa itaas naman ang pamilyang Mendez at kung may kaylanagan kapa iha nasa kusina lang ako para mag luto ng hapunan natin . " Saad ni nanay kaya sinimulan konang ayusin ang mga dala ko at mga damit ko at nilagay sa tamang pag lalagyan nito .
" Nay ilan po ba ang anak ng mag asawang Mendez ? " Tanong kay manang .
" Ayy Jusko ! Aatakihin ata ako sa puso sayo iha . " Gulat na saad ni manang kaya ngumiwi na lamang ako .
" Sorry naman po manang . " Ani ko sabay kamot ng ulo .
" Ouh sya , apat ang anak nila Sir. tatlong lalaki at isang babae , kaso ngalang namatay ang anak nilang babae nang dahil sa hinoldap ito at akala nila nag bibiro lang ito nung tumawag ito , kasi naman ang hilig mag prank , prank ng Batang iyon kaya anyon di nila tinulongan , Ang kaso naman hindi naman pala nag bibiro ang batang iyon at tunay naman talagang na hinoldap siya , kaya nga ayaw na nilang tumawa o sumaya o kahit ngumiti man lang . " Pagkukuwento ni manang na ikina bigla ko , Ang hirap Naman pala ng buhay nila ang lungok at ang hirap di ko akalain na namatay ang kaisang isang anak o kapatid na babae pait ng Tadhana sa kanila , Sana nga ehh sumaya Naman sila kahit minsan man lang .
" Huy Alicia ! Ano ba yang iniisip , kanina ka pa tulala at kanina pa kita tinatawag , iha san ba pumopunta yang isip mo ? " Problemadong saad ni manang na ikinatawa ko .
" Hahaha ! manang Celia may iniisip lang po ako at tska po , ano po ba yung utos nyo ? " Takang Tanong ko kay manang na ngayon ay hindi ma pinta ang mukha .
" Ihanda na natin tong luto ko . " Sagot naman nito kaya tumango nalamang ako at sinimulan na ang paghahanda ng pag kain.
" Ay matanong ko po manang san po ba yung ibang mga kasambahay dito bat wala akong nakitang ibang tao dito ? " Nagtatakang tanong ko kay manang , kasi naman kanina pa kami dito wala akong nakitang ibang tao maliban samin ni manang .
" Iha nasa labas lang yun , tara ihain mo muna natin ito . " Sagot ni manang sa sagot ko .