AUTHOR'S POV [After 5 years] Sa naka lipas na limang taon. Lahat ay nag bago lalo na si Sam. Naging tahimik na ito at madalas wala sa bahay. Hindi din nya pinapansin ang ina nya at parang walang paki alam sa mundo. "Sam." Tawag ng ina nya, ngunit di nya ito pinansin at dumiretso na lang sa taas at pumasok sa kwarto upang matulog. *** "We can't tell her! You know that!" Nagising si Sam sa ingay na naririnig nya sa baba kaya lumabas sya sa kanyang kwarto at pinanood kung ano ang nangyayari sa baba habang nasa taas lang sya at tinatanaw ang nag papanic nyang ina. May apat na kaibigan itong kausap. Dalawang babaeng nag ngangalang Melinda Hubert—isang doktor sa mata, Felisha Rock—isang scientist, at dalawang lalaking nag ngangalang Adam Kennedy—isang CEO ng sarili nitong kompanya at si J

