SAM'S POV Umalis nako sa lugar na yon, pagkatapos ng ginawa ko. May nararamdaman kasi ako na parang may sumusunod at may mga matang nakatingin sakin. Alas singko na ng hapon at pagabi na din. Pinauna ko na si Cris umuwi dahil dumaan muna ako sa locker room para ilagay ang mga libro ko. Nakuha na din ang katawan nung babaeng impostor at napag alamang myembro sya ng taga Black Society. Ang pumapang sampo sa ranking ng malalakas sa underground. Aside from what happened earlier, nothing more interesting happens after and for me? It'll kill me. Masyadong boring. Papunta na ako ngayon sa parking lot para maka uwi na. Wala pang gumamit ng dorms kasi pinag bawal muna ni lolo 'till next week. Hindi ko alam kung ano ang trip ni lolo sa buhay nya. Huminto ako sa paglalakad para pakiramdaman ang

