Chapter 25

1496 Words

Kung kailan din ay bumigay na ako, saka siya muling huminto at dinungaw ako. Malaki ang naging ngiti ni Fabian bago nanggigigil na isinubsob ang mukha sa aking leeg. Dama ko roon ang mainit niyang paghinga. "Sleepwell, Ada," bulong niya na halos ikakiliti ko, pero imbes mangiti ay nayayamot na nangunot ang noo ko. Naitikom ko ang bibig ko sa antipasyon na baka magpatuloy pa siya ngunit hindi na talaga ito gumalaw. Ang sunod ko na lang na namalayan ay ang inaantok niyang paghikab. Iyon na 'yon? Ganoon lang 'yon? Napakurap-kurap ako. Hindi naman sa nasasaktan ako o ano, pero may parte sa puso ko na animo'y nadismaya. Bakit? Akala ko ba ay ayaw mo, Ada? Hindi rin naman talaga sa ayaw ko. Syempre ay may iniiangatan lang ako, na bukod sa pagkabàbae ko ay gusto ko ring alagaan ang puso ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD