Chapter 6

1365 Words
"Ava! Oh, my God!!" malakas na tili mula sa loob ng dining area. Dinig ko ang sunud-sunod na takbuhan patungo sa kinatatayuan ko. Nagulat pa ako nang may yumakap sa akin. Dinamba nila ako ng yakap habang dinig ko ang kanilang tuwa at hagikhikan. "I missed you a lot, Ava! God! Bakit ngayon ka lang bumalik?" anang isang babae na tingin ko ay kaedad ko lamang. Hinanap ng mga mata ko si Fabian at para akong nalulunod sa pagkakayakap nila sa akin. Nakita ko naman siya, nasa gilid at nakatanaw sa akin. Blanko ang mukha niya, pero may multo ng ngiti sa kaniyang labi. Ilang sandali nang kumawala iyong babae at hinarap ako. Nanggigigil niyang pinisil ang kamay kong hawak niya. Napansin kong magkamukha sila ni Fabian kaya natanto kong baka kapatid niya ito. Ngunit hindi ko naman siya literal na kilala, paano pa ang kaniyang pamilya? Ano ngayon ang gagawin ko? "Faith, stop doing that," suway ni Fabian. Oh, siya si Faith Iverson. "Girl, wait!" pigil ng isa pang babae na ngayon ay nangungunot ang noo, mariin niya akong tinitigan, tipong pinag-aaralan ang mukha ko dahilan para malakas na kumalabog ang puso ko. "What is it, Faye?" pukaw ni Fabian, binibigyan din ako ng hint sa mga pangalan ng kaniyang mga kapatid. Ngunit hindi ko mawari kung dapat na ba akong kabahan dahil sa inaakto nitong si Faye. Buong pagkatao ko yata ay sinusuri niya kaya para na akong mahihimatay. Alam ko na magkamukha kami ni Ava, pero alam ko rin sa sarili ko na malaki ang pagkakaiba naming dalawa. "You look good in tanned skin, Ava," dugtong ni Faye at saka pa lamang siya ngumiti. "Kaunti lang naman ang initim, pero ang laki ng naging impact sa itsura mo." "Woah! Oo nga! Ang dry din ng balat mo, ganoon ka ba nagbabad sa araw sa Boracay, Ava?" sambit naman ng isang babae. "Cut it off, Frankie!" Boracay? Tuluyan na akong nalito. Hindi ba nila alam na patay na si Ava? Saglit kong inalala kung may nakaligtaan ba ako sa nagdaang araw. Sa pagkakaalam ko ay sa isang Memorial Homes pinaglamayan si Ava, naging pribado iyon at itinago sa lahat, kaya rin ay walang napapabalita sa mga TV na patay na nga si Ava Constanse. Maging noong araw ng libing niya, pagkakatanda ko ay sina Mommy at Daddy lang ang naroon, pati na rin si Fabian. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Ibig sabihin ay sila-sila lang din ang nakakaalam sa pagkamatay ng kapatid ko. Umawang ang labi ko. Hindi ko inakala na talagang hahamakin nina Mommy at Daddy ang lahat para sa paborito nilang anak. Bakit? Kasama rin ba iyon sa plano? O nagkataon lang din itong mga nangyayari? Nagkataon lang at umayon lahat sa plano nila. At dahil hindi naman alam ng mga tao na patay na nga si Ava, madali lang para sa kanila na pagmukhain akong si Ava. Total ay wala naman silang nakilalang Ada. Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko na mawari ang itsura ko. Nakita ko pa ang pag-aalala sa mukha ni Fabian nang magtagpo ang mga mata namin. Ngunit hindi iyon nakatulong para kumalma ako. "Hey, Ava!" sambit pa ng isang lalaki at mahigpit akong niyakap. "Whoa! Isang buwan ka lang nasa bakasyon, you've gotten thinner! Kumakain ka pa ba?" "Stop it, Fabio," giit ni Fabian at pumagitna na siya upang kunin ako. "But you still look stunning though," dagdag no'ng Fabio na naging mitsa para samaan siya ng tingin ni Fabian. All this time, pagkakaalam nila ay nasa Boracay si Ava sa loob ng isang buwan. May mumunting galit ang namuo sa puso ko at kahit nawala na rin ako sa huwisyo na makisalamuha sa kanila ay hindi ko ipinakita iyon. Tahimik lang akong kumakain. Naroon na rin pala ang Mommy at Daddy ni Fabian. Nakita ko na sila noon sa bahay, ganoon din sila sa akin. Ewan ko lang kung namumukhaan nga nila ako noong gabing hinabol ko si Cali. At para makaiwas sa maraming tanong ay nakayuko lang ako. "Ang tahimik ni Ava! Hindi ako sanay. Ano bang nangyari sa 'yo sa Boracay? Na-engkanto ka ba?" Rinig kong palatak ni Faith dahilan para magtawanan silang lahat. "Oo nga! Kapag nagbabakasyon ka, marami kang baon na kwento. Pero himala na hindi ka umiimik ngayon," dugtong ni Frankie. "Nag-away ba kayo nitong si Fabian?" "Frankie," suway ni Fabian ngunit tinawanan lang siya nito. "Para kang ibang tao," wala sa sariling wika ni Faye, rason para lingunin ko siya. Nagkatitigan kami. Seryoso siyang nakatanaw sa akin, ganoon pa rin ang mga mata niyang sinusuri ako. "You used to be loud. Nagbabagong buhay ka na ba?" dagdag niya, kapagkuwan ay ngumisi. "C'mon, hindi bagay sa 'yo!" Ano bang ikukwento ko gayong hindi naman ako galing sa Boracay? Napalunok ako. Dahan-dahan nang balingan ko si Fabian. Nanghihingi ng tulong ang mga mata ko at pinagpasalamat ko na madali niyang nakuha iyon. Patapos na rin naman na kaming kumain kaya tumayo na siya. "Pagod lang si Ava, let her rest. Sa taas na muna kami," anang Fabian, kinuha niya ang kamay ko at hinila palabas ng dining. Naiwan silang tahimik. Hindi ko na rin sila nilingon at totoo naman na pagod ako, hindi sa physical kung 'di sa pag-iisip ng mga nangyayari. Napagdugtong-dugtong ko na lahat, pero ang hirap pa rin paniwalaan. Ang hirap pa ring tanggapin sa sarili ko na tinanggap ko ito para sa kaligayaan ko. Napaka-selfish ko nga siguro at hindi ko na inisip si Ava. Kung kaya lang niya marahil na saktan ako mula sa kabilang buhay ay baka nagawa na niya. Wala ako sa tamang huwisyo na hindi ko na nasundan kung saan ako dinala ni Fabian. Narinig ko na lamang ang pagsarado nito ng pinto sa likod namin, doon lang ako natauhan at nabalik sa mundo. Kaagad kong pinasadahan ng tingin ang paligid, masasabi kong kwarto ito ni Fabian. Hinila niya ulit ako at pinaupo sa dulo ng kama. May kinuha siyang isang pares ng tsinelas at itinabi sa gilid ko. Nagulat pa ako nang lumuhod siya sa harapan ko at walang sabi-sabing kinalas nito ang strap ng suot kong stiletto. Malamyos ang galaw niya, ang gaan ng bawat haplos niya sa paa ko, tila ba natatakot na masaktan ako. Tinitigan ko siya, naramdaman ko ang kirot sa puso ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung nararapat ba ito, pero sa kaisipang ginagawa lang niya ito dahil ako si Ava ay hindi ko kayang maging masaya. "You can rest here, Ava. Pwede ka ring matulog. Gigisingin na lang kita mamaya para ihatid ka sa bahay ninyo," sambit niya, kapagkuwan ay tumayo rin matapos niyang ipasuot sa akin iyong tsinelas. Natulala ako sa mga paa ko. Ang daming bumabagabag sa akin na gustung-gusto kong ilabas ngunit ganoon na lamang din ba ako kaduwag para hindi ko iyon magawa? Bakit ba kailangan kong maging ganito? Kailan ko kayang ipaglaban ang sarili ko? Namuo ang luha sa gilid ng dalawang mata ko at sa pagpipigil kong huwag iyon tumulo ay mabilis akong tumingala. Kaagad nga lang akong nagsisisi nang maabutan ang matamang paninitig ni Fabian. Lumalaki ang butas ng ilong ko sa sobrang pagkontrol ko sa sariling emosyon. Lalo ko lang gustong pigilan ang sarili dahil nasa harapan ko si Fabian, nakaantabay at animo'y inaabangan ang luha ko. "Ayokong makita na umiiyak ka, but all right, cry it out. Just cry, Ava," aniya na tipong pinapaunlakan ako. "Hindi ako si Ava..." Tuluyang bumuhos ang luha ko, minumura ko na ang sarili ko sa pagiging iyakin ko. "Hindi ko kaya na magpanggap bilang si Ava, hi—hindi ko kaya. Hindi ako kagaya niya, ayoko siyang gayahin... hindi ko na kaya." Umimpis ang labi ni Fabian habang pinapanood ako. Mayamaya nang daluhan niya ako at tinabihan. Napapitlag pa ako nang punasan ni Fabian ang pisngi ko. "Just like what I told you, Ada Clementine, this is the only way to set you free." "Mas gusto ko pang magkulong na lang ulit sa basement kaysa ganito." "Hindi mo gusto na makalaya sa mga magulang mo?" takang tanong niya. "Gusto... pero hindi iyong ganito..." "Marry me, Ada, so you can run away from your parents. That's the only way."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD