Sumapit na ang gabi ngunit iritado pa rin ako. Hindi ko naman masisisi si Steisha kung totoo ngang may pagtingin siya kay Trino. But the mere fact na gusto niyang pakasalan ito, para bang naging threat sa akin iyon. May kung ano sa akin na tumutulak upang paglayuin pa ang dalawa ngunit pilit ding isinisigaw ng isipan ko ang plano. Itutuloy ko po ba ang balak namin ni Trivo o hindi na? Ilang oras ko ring pinag-isip-isip ang lahat. ‘Di kaya nagkakagusto na ako kay Trino? I mean, naroon na ang takot ko na makuha siya ng iba. Kung ikukumpara ko ito sa naglalahong damdamin ko para kay Trivo, batid kong lumalayo na ang agwat. Kung natutupok ang nararamdaman ko sa isa, nagniningas naman sa isa. God. “I’m sorry…” Trivo whispered. Nanatili akong tulala nang pinaupo niya ako rito sa tabl

