Abot-abot ang panginginig ng tuhod ko nang marinig iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sinapawan ng kaba ang kirot na nararamdaman ko sa pagitan ng aking hita. Hindi ko inakala na darating ang araw na ito pero hindi ko maipagkakaila na malaki ang posibilidad dahil nasa iisang isla lang naman kami. Ilang kilometro lang ang layo ng bahay namin ngunit ang tanging alam nila’y nasa bakasyunan ako sa kasalukuyan. Paano nila ngayon nalaman na nandito ako? Sino ang nag-inform sa kanila? Hindi ko maiwasang matakot. Nanginginig ako. “You okay? Masakit pa ba?” tanong ni Trino sa gilid ko. Kapwa na kami naglalakad ngayon patungo sa mansion dahil si Kairo ay inutusan upang linisin ang maruming parte ng kwadra. Tumango ako nang dahan-dahan. “Medyo lang.” “Did I rip y

