"You are late!" Sita sa akin ng handler ko ng makarating ako sa dressing room. Halata sa mga mukha ng team ko na nakahinga sila ng maluwag dahil dumating na ako. Ineexpect ba nilang hindi ako darating?
"S-Sorry po." Hinging-paumanhin ko kasabay ng pagbaba ng shoulder bag kong dala.
"Halika na." Mabilis nila akong in-ayos-an dahil malapit ng mag start ang pageant. Sa katunayan ay maririnig na ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa labas. Sigurado akong napakarami nila dahil halos lahat ng estudyante sa Howell ay naririto. Marami ring mga outsiders dahil sa bawat pamilya ng mga candidates.
Matapos akong ma-ayos-an ay saka naman pumasok sa dressing room ko si Mama.
"Napaka ganda mo,anak." Niyakap niya ako ng mahigpit para iparamdam sa akin na proud na proud siya sa akin.
"Salamat po,Ma." Nakangiti akong bumitaw ng yakap sa kanya. "Nasaan po pala si Je?" Tiningnan ko ang pintuan na pinasukan ni Mama pero walang Jelay na sumunod sa kanya.
"Hindi ko pa nga nakikita ang batang 'yun simula pa kanina." Nagtatakang sagot ni Mama. "Pero sigurado naman na pupunta 'yun.Hindi niya palalampasin ang gabing ito." Pagpapalubag loob niya sa akin. Tipid akong ngumiti kahit pumapasok sa isip ko ang ideya na hindi siya pupunta.
"Basta give your best, anak huh?I love you." Humalik siya sa pisngi ko saka muli akong niyakap.
"Mahal na mahal din po kita,Ma." Matapos ang ilang bilin at pagpapalakas ng loob sa akin ni Mama ay lumabas din siya para manood mula sa audience seats.
"Good evening,Ladies and Gentlemen." Panimula ng emcee na naging dahilan ng pag tambol ng t***k ng puso ko dahil sa kaba.
"Tonight,witness, as ten dazzling candidates present their very best and vie for the covetous crown right here at this stage." Ngayon ko nararamdaman ang sobrang nerbyos. Sigurado akong mas maraming tao ang makakapanood sa amin dahil nasa malaking venue kami ngayon.
"As this night fills with sheers and excitement, we will soon find out who will be the worthy title holder. I'm Karina." Yes,ang title holder na si Karina ang isa sa emcee ng pageant na ito.
"And I'm Rhys.And this is..."
"MISS H.U 2019 THE BIG NIGHT!" Dumagundong ang hiyawan at palakpakan ng mga tao.Base sa ingay nila ay excited na talaga sila sa mga mangyayari ngayong gabi.
Humingi ako ng tubig sa handler ko dahil para bang nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba.
"So, let us not prolong the agony of waiting.Let us formally start tonight's event." Sabi ng lalaking emcee.
"That's right! And to invoke the spirit the God in us tonight, here is the Indak Dance Troupe." Pagpapakilala ni Karina sa pangalan ng grupo ko. Muli ay mag pe-perform na naman sila ng hindi ako kasama.
Sumunod ay ang ilang minutong panalangin.Nag antanda ako at nag dasal habang hindi pa rin nawawala ang malakas na t***k ng puso ko.
"May we invite everyone to stand?" Paanyaya ni Karina ng matapos ang maikling dasal. Nag si tayo-an kami ng mga kasama ko sa dressing room para sumabay sa Glee Club sa pag kanta ng Philippines National Anthem.
Muli akong naupo matapos ang anthem. Pasulyap-sulyap ako sa may pintuan dahil umaasa pa rin akong darating siya para i-good luck man lang ako.
Nakapag bigay na ng mensahe ang mga heads and officials ng H.U pero wala pa rin talagang nagpapakita na Jelay sa akin.
"Kaori,get ready for production number." Approach sa akin ng handler ko. Senyales ito na kailangan ko ng lumabas para i-perform ang production number namin.
Ilang ulit akong bumuntong-hininga bago lumabas sa stage at hinarap ang libo-libong tao na nanonood.
Nag simulang tumugtog ang sasayawin namin. Hey by Matteo Guidicelli.
Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon pero hindi ko hahayaang pumalpak ako sa gabing ito.Hindi pa rin nagbabago ang goal ko. Gusto ko pa ring masungkit ang korona para kay Je.
Nakangiti ako habang sumasayaw.Gumagala naman ang paningin ko at nag babaka sakali na makikita ko sa audience si Je.
Natapos ang production number namin pero bigo akong mahanap si Je. Susunod na ang introduction at presentation ng advocacy namin.
"Absolutely captivating!Am I seeing models here or they are just our co-students?" Magiliw na sabi ng emcee na lalaki pagkatapos ng casual wear competition.
"You are undoubtedly right, Rhys." Masaya ring sagot ni Karina. Samantalang ako,heto malungkot na nakatitig sa naka saradong pintuan ng dressing room ko.Ang isipin na hindi darating si Je ay nagdudulot ng kawalan ko ng gana sa kompetisyong ito. Para saan pa bang lahat ng 'to kung hindi siya darating?
"Kaori, swim wear na ang next. Come'on!" Pumalakpak pa ang handler ko para siguro mahimasmasan ako.Napansin siguro niya na wala ako sa sarili.
Tumayo ako para mag ready sa swim wear competition. Isang two piece army green na swim suit ang isusuot ko para sa gabing ito.
"Hey,girl!Cheer up and relax!" Pumitik pa ito sa harapan ko para kunin ang atensyon ko. "Bagay na bagay sayo 'yang swim suit mo.I-rampa mo ng todo 'yan huh?" Tipid akong ngumiti at tumango. Kao,please focus! Bulong ko sa sarili. Hindi ako pwedeng maging lutang lalo na at rarampa na naman kami para sa swim suit competition. Nanonood na kaya siya? I hope so.
"Moving on, ladies and gentlemen,let's all prepare for the next turn as these ten candidates sizzle on their swim wear. So, fasten your seatbelts, it's going to be a bumpy night!" Napaka lakas ng hiyawan ng mga tao.Hype na hype talaga sila sa mga kaganapan ngayong gabi.Pati mga props ay pabonggahan din sa bawat departments. Para bang walang gustong magpa talo sa kanila. At ganoon din naman kaming mga kalahok.
"Yes you have to because here is our candidates in their swim wear!" Announce ni Karina kaya isa-isa na kaming lumabas ng stage. Walang nagpa kabog.Lahat ay ayaw magpa talo.Lahat ay may gustong patunayan. Lahat kami ay ibinigay ang isang daang porsyento para sa pinapangarap naming korona.
"They're absolutely so lovely and astonishing. I can't believe they have just done it." React ng lalaking emcee matapos ang hot at makalaglag pangang pag rampa namin.
"For all we know they are just simplest and finest students but tonight they set aside that kind of personality to prove that they can also do that things. Congratulations to you are dear candidates!" Magiliw na sabi ni Karina. I can say that she's good at it. Bagay siyang maging host dahil kayang-kaya niyang i-deliver ng maayos ang bawat speech niya.
Ang sumunod ay ang pagpapakilala sa pannel of judges,criteria and prices pati na rin ang mga sponsors.
Nag ready naman ako for talent competition. Ito ang isa sa dalawang twists ng pageant ngayong taon. Sa ordinaryong pageant ay nauunang i-perform ang talent at sa coronation night na lamang i-aanounce ang best in talent. Iniba nila ito at isinama ang talent competition upang mas mapahaba ang oras ng pageant. Ang ikalawang twist? Ang bawat kandidata ay kailangan magsama ng isang tao para mag perform sa stage. Si Je ang napili kong kasama pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Mukhang mag pe-perform ako sa stage ng mag isa.
"We are almost half way to the final moment.Are you guys excited for the talent competition?" Mga hiyawan at sari-saring tunog ng mga props ang tugon ng crowd sa tanong ni Karina.
"Absolutely,Karina. So, give it up for candidate number 1..." Hindi ko na naintindihan ang pinagsasabi ng emcee dahil sa mga oras na ito ay nalulunod ang puso ko sa kalungkutan.
Tumingala ako para pigilan ang pag iyak. Hindi na siya darating. Tuluyan na niya akong isinuko. Sa isiping iyon ay hindi ko na napigilan na mapaiyak.
"Kaori!Bakit ka umiiyak?Naku,tingnan mo at nasira ang make-up mo!" Sita sa akin ng make-up artist ko.
"P-Pasensya na po." Pinunasan ko ng tissue ang mga luha sa mata ko at pinigilan na 'wag ng maiyak. Gustong-gusto ko ng mag quit sa pageant na 'to pero naisip ko bigla si Mama. Isa rin siya sa dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ko 'to. Gusto kong maging proud siya sa akin.
"Hala,halika.A-ayos-an ulit kita." May pagmamadali na muli niya akong nilapatan ng make-up. May oras pa naman dahil pang pito ako sa mga kalahok at si candidate number four pa lamang ang nag pe-perform sa stage.
Matapos ma-ayos-an at makapag bihis ay napanganga ang team ko ng makita nila ako. I am wearing a glittery lilac gown with linings. This Filipiniana gown give me elegance but simple look.
"Jusko kang bata ka!Pakaganda mo!" Tili ng hair stylist ko.
"Sayo na ang korona!Pak na pak!" Natutuwa namang sabi ng handler ko. Ang make-up artist ko naman at nag iintindi sa wardrobe ko ay speechless pa rin. Naiiling na lang akong nag pasalamat sa kanila. Aanhin ko naman ang kagandahan,kung wala naman dito ang gusto kong maka appreciate sa akin?
It's my turn. Lumabas ako ng stage matapos akong tawagin ng emcee. Sa gabing ito ay ipapakita ko naman ang isa ko pang talent. I'll sing while playing the piano. Si Papa ang nagturo sa akin nito noong nag sasama pa sila ni Mama. Ito lang yata ang talent niya na namana ko. Isa rin kasing pintor si Papa, but sad to say,hindi ko iyon namana sa kanya.
In awe ang karamihan ng makita nila ako with my lilac gown. Pinasadahan pa ako ng tingin ni Karina habang nakangiti siya at ang emcee na kasama niya.
"Woaw! Our candidate number 7 is so mesmerizing with her lilac gown." Hindi na napigilan mag komento ni Karina.
"Indeed!" Pag sang-ayon naman ng emcee na lalaki. I forgot his name. Hindi talaga ako madaling makapag memorize ng mga pangalan.
"Around of applause for candidate number 7..." Sobrang hyper ng mga tao sa paligid. Para bang may birthday party, Christmas,New year at isama na rin ang Valentine's day. Ganoon sila kasigla samantalang ang pakiramdam ko naman ay Undas.
Tumayo ako malapit sa piano na nasa kanang bahagi ng stage. Wala ito sa gitna dahil hindi nila makikita at mapapanood ng actual ang pagtugtog ko kung nasa gitna ito.
Pinilit kong ngumiti at inayos ang ear piece na suot ko bago nag salita. "Bago po ako mag simula, gusto ko pong magbigay ng mensahe sa isang tao na napaka lapit sa puso ko. Kaya po ako nandito ngayon ay dahil sa kanya." Panimula ko na ikinatahimik nilang lahat. May pagtataka nila akong tiningnan maging ng mga judges.
"So, to the one I love..." Muling bumalik ang ingay at para bang nadagdagan pa ito dahil sa sinabi ko. "Thank you for everything that you've done for me. Without you, I don't know where I would have been.Your love and support has contributed to my growth and the person I am today." Iginala kong muli ang paningin sa paligid kahit na medyo madilim dahil ang spotlight ay nakatutok sa akin.
"I also want to say sorry." Muling tumahimik ang crowd habang naghihintay ng iba ko pang sasabihin. "Sorry for causing you too much pain. For not being brave enough to fight for you,for us." Sa kadiliman ng paligid ay hinanap pa rin ng paningin ko si Je pero hindi siya natagpuan ng mga mata ko. "Maiintindihan ko kung hindi ka darating ngayon pero gusto kong malaman mo na d-dumating ka man o h-hindi..." Nag ulap ang mga mata ko sa malaking posibilidad na hindi niya binasa ang papel na ibinigay ko sa kanya kahapon. Ang papel na iyon ay ang piece ng kakantahin sana namin ngayong gabi.
"Pipiliin pa rin kita." Sari-sari ang reaksyon ng mga tao sa paligid. May nag hiyawan,may kinilig,may nag bulong-an at meron ding parang walang pakialam.
"Pipiliin pa rin kita kahit mawala 'yang ngiti sa labi mo na sadyang nagpapa ganda ng araw ko. Pipiliin pa rin kita kahit mawala ang kislap sa mga mata mo na siyang nagbibigay liwanag sa buhay ko. Pipiliin kita kahit na ilang beses tayong mag away at magkasakitan." Hindi ko na napigilan ang pag iyak sa samu't-saring emosyon na nararamdaman ko. "I will choose you on the best days,on the worst nights.I will choose you even there are other options. I will choose you even the days when you doubt and do not choose yourself." Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko saka muling nagpatuloy.
"My loves..." Muling nag react ang madla. Marami na rin ang nag vi-video sa akin. Siguradong bukas ay mag t-trending ako. So what? Walang ibang mas mahalaga sa akin ngayon kundi si Je.
"I want you to know that I'm now ready to fight for our love. And I will choose you and keep choosing you kahit na mali. Kahit na ayaw pa sa atin ng mundo." Sincere kong sabi kasabay ng walang tigil pa rin na pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko ito mapigilan.
"Last, I want to say I trust you. I may not be able to trust someone I love but I can always love someone I trust for the rest of my life. So again, I trust you, Je." Sa binanggit kong pangalan ay nag kanya-kanya sila ng reaksyon.Pati ang mga pannel ay nag bulong-an. Marahil may ideya na sila na babae ang tinutukoy ko.
"M-Minsan mong sinabi na unti-unti kang pinapatay ng pagmamahal mo para sa akin. P-Please Je, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para muli kang buhayin ng pagmamahal ko." I may sound so desperate pero hindi ko talaga kayang mawala siya. Hindi ko kaya na pag gising ko sa umaga, walang Jelay na susundo sa akin para pumasok sa eskwela. Mag la-lunch ako ng mag isa sa Kahit Saan. Uuwi akong pagod dahil wala ang mga ngiti at mga benta niyang jokes. Wala ng kakarga sa akin kapag nakakatulog o kapag nalalasing ako. Wala ng babatok sa akin kapag sumasablay ako. Wala ng mag sisinungaling na masarap ang mga luto ko. Wala na akong makakasama para maligo sa ilalim ng ulan at mag tampisaw na parang bata. Hindi ko na maririnig ang mga kanta niyang nagpapagaan sa mga problema ko. Ang boses niya sa'twing tatawag sa akin para sabihin na namimiss na niya ako,para sabihing hindi niya ako kailanman iiwan. Mawawalang lahat 'yon kung hindi ako magiging matapang ngayon upang ipaglaban siya. Oo,nakakatakot sumugal pero na-realized ko na mas nakakatakot palang mawala siya sa akin. I can't afford to lose her!
"Yes, I am lucky because I'm in love with my best friend and I'm so proud of it." Matapang kong pang amin sa lahat ng nandito. Proud akong ipakilala siya sa mundo at alam kong hindi ko ito pagsisisihan because she's worth fighting for.
Sunod-sunod na palakpak ang kumuha ng atensyon naming lahat at nang gagaling ito kay Mama. Napatutop ako ng bibig ng tumayo rin si Tita Shie at si ate Ai at sinabayan na pumalakpak si Mama.Sinundan ito ni Karina na nasa tabi ng pannel. Tumayo rin si Kyzha na may nakakalokong ngiti kasama si Reign at si Ashley. Sa isang iglap ay nag si tayuan ang lahat at walang maririnig kundi ang malalakas nilang palakpakan. Gustong malugod ng puso ko sa nasasaksihan.Ngunit sa kabila ng malalakas nilang palakpakan ay hindi pa rin nabubura ang kirot sa puso ko sa posibilidad na hindi siya darating ngayong gabi.
Je, please come back to me.
..
Pumailanlang ang tunog ng piano habang tinutugtog ko ang simula ng pyesang kakantahin ko ngayong gabi. Muling tumahimik ang mga tao para marinig ng mabuti ang pag tugtog at pag kanta ko. Ako lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumarating.
Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
Malamyos kong panimula sa kantang Ikaw at ako.
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Napangiti ako sa hangin ng maalala ang masasayang araw namin ni Je. Ang kantang ito ang mag lalarawan ng samahan naming dalawa.
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
Ang mga mata niya ang una kong nakita noon at kalaunan ay minahal ko sa kanya. Pinabilis ng mga mata niya ang pag t***k ng puso ko at siya ring nagpa kalma nito. From the start, I already fell in love with her eyes without even knowing it.
At ang takot kung sakali mang
Ika'y mawawala
Ipinapangako ko sa sarili na hindi ko siya hahayaang mawala. Kung kailangan na ligawan ko siya at paulit-ulit na suyuin ay gagawin ko. Bumalik lang ulit siya sa akin.
At ngayon, nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Hindi ko maipapangako na hindi ko siya masasaktan pero gagawin ko ang lahat upang maging masaya lang siya sa piling ko.
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at ako
Muli kong ipinakita ang husay ko sa pag tugtog ng piano habang hindi na mapigilang sumulyap sa back stage. Aaminin kong kahit konti ay umaasa pa rin ako na darating siya.
A-At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Garalgal ang boses ko sa pag kanta ng unang parte ng stanza na dapat si Je ang kakanta. Hindi na siya darating,Kao. Bulong ko sa sarili kasabay ng pagpatak ng mga luha sa pisngi ko.
P-Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin
At hindi na itatanggi
Pati ang mga kamay ko ay nanginginig na rin.Nangyayari lang ito kapag natatakot at sobra akong nasasaktan na siyang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sobrang sakit na hindi siya dumating at takot na takot ako sa isipin na baka kaya hindi siya dumating ay dahil tuluyan na niyang isinuko ang pagmamahal niya para sa akin.
Ang tadhanang nahanap ko
Napahinto ako sa pag tugtog sa boses na pumailanlang kasabay ng mayuming hangin.
Sa'yong pagmamahal
Mabilis akong bumaling sa pinang gagalingan ng boses at nakita kong lumabas ng back stage ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Ang babaeng hihintayin ko kahit na ano pa ang mangyari at kahit gaano pa katagal.
Ang nag dulot sa pag ibig
Natin na magtatagal
Tumayo ako para salubungin siya.Naririnig ko pa ang malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid namin. Marahil katulad ko ay masaya rin sila sa pagdating niya.
At ngayon, nandyan ka na
Nag pang abot kami sa gitna ng stage at napatigil ako sa kinatatayuan ng makita ko sa mga mata niya ang sobrang pagmamahal para sa akin. Pakiramdam ko'y panalo na ako sa kompetisyong ito.Hindi ko na kailangan ng kahit anumang korona dahil nasa harapan ko na ang aking premyo.
'Di mapaliwanag ang nadarama
Tumigil din siya isang dipa ang pagitan sa akin.Naka ngiti siya habang kumakanta kahit walang tugtog mula sa piano.
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Hindi ko na napigilan ang sarili at mabilis ko siyang sinugod ng yakap.
"T-Thank you for coming,my loves." Bulong ko kasabay ng 'di mapigilang paghagulhol sa balikat niya.
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at ako
Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang pag yakap na para bang sinasabi ng mga yakap niya na palagi siyang darating para sa akin, na hindi niya ako kailanman bibitawan pa.
"Mahal na mahal kita,Je. I love you." Buong pag suyo kong bulong sa kanya.
Kumalas siya ng yakap at pabulong din na sumagot sa sinabi ko. "Thank you for choosing me,my loves.Mahal na mahal din kita." Umiiyak na rin siya habang mahigpit na hawak ang dalawa kong kamay.
At ngayon nandito ka
Palaging hahawakan
Iyong mga kamay
Matamis akong ngumiti habang hilam pa rin ng mga luha ang
mga mata ko.
'Di ka na mag-iisa
Pag kanta ko sa sunod na stanza habang nakatitig sa magaganda niyang mga mata. Sa mga mata niya ay nakita ko ang kinabukasan ko. She's my now,my is and never my was.
Sa hirap at ginhawa
Ay iibigin ka
Hinila ko siya sa unahan ng stage habang mag ka-intertwined ang mga kamay namin. Hinigpitan ko ang kapit ko sa kaliwa niyang kamay upang iparamdam na hindi ko siya bibitawan,na palagi kong pipiliin na dito ang pwesto niya. Wala sa likod, wala sa harap kundi dito sa tabi ko. At mag kahawak-kamay naming matapang na haharapin ang mundo.
Mula noon
Hanggang ngayon
Tumitig siya sa akin habang kinakanta ang linya ng awitin. Umangat ang kanan niyang kamay upang punasan ang nag landas na mga luha sa pisngi ko.
Mula ngayon
Walang dulo
Pag iiba ko ng isang line sa kanta na naging dahilan ng malakas na palakpakan ng mga tao at ng isang matamis na ngiti galing sa babaeng pinakamamahal ko.
Nag sabay kaming kantahin ang huling line ng awitin kalakip ng isang pangako.
Ikaw At Ako
Pangako, walang dulo.
DULO
..
Gusto ko lang magpa salamat sa lahat ng nagbasa at magbabasa pa.At sana katulad ng pagmamahal ng JelRi sa isa't-isa, wala ring dulo ang maging suporta natin sa kanila.
Lovelots!
A.❤