Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at malakas na binatukan siya. “Ouch!” reklmo niya at sinamaan ako ng tingin. “Sumusobra ka na oinky. Inaano ka ba?” aniya. “Ano ba naman kasi ‘yang lumalabas sa bibig mo ha?” asik ko. “Bakit? Nakatingin naman talaga ako sa mundo ko ah. Sa ‘yo ba ‘tong paligid? Pagmamay-ari mo ba ha?” Natahimik naman ako sa sinabi niya. “Hirap sa ‘yo ginagawa mong big deal lahat. Porket kinaibigan kita eh sasaktan mo na lang ako palagi. Sumusobra ka na, Mench. Hindi na kita maintindihan, patayin mo na lang kaya ako. Parang gigil na gigil ka sa ‘kin eh,” saad niya. Napapikit naman ako at nakonsensiya tuloy ako. “Sorry na, ikaw naman kasi eh,” sagot ko. “See? Magso-sorry ka pero ako ang sinisisi mo. Tama ba ‘yun?” “Eh ano ba ang gusto mong gawin ko? Baka nak

