Dreams from The Past

2528 Words
"I will love you for the rest of my life.." "You do?" "Always.."   Sweet dreams Or Beautiful Nightmare?   Hindi ako makahinga! Parang hinahabol ko ang hangin na ngayo'y hindi ko maabutan. Nagsisikip ang aking dibdib at namamanhid ang aking buong katawan.   "Match? Match wake up!"   I gasp and when I reach some air to breathe. I felt like dying "What's happening to you? Are you having a bad dreams again?" I look at her as she looks so worried about me. She's my lived in partner for almost a year. She's so beautiful and caring. She loves me more than herself and I can't thank more enough for that. I love her and I chose her to be with me but - how can I have a peaceful and happy life with her, if I'm still in the cage of my past?   "I- I'm fine."-I answered as I woke up. I can feel my sweat all over my body and a shortage of air. Yes. I had this bad dream again. Again and again. I always dreamt her and I can't escape from this. What should I do?   I heard the phone rang and Lea picked it up. "O, Ivan? Hating gabi na ah?!" "Huh? Ah - eto, nagising na rin." She looked at me with confusion. "Si Ivan oh."-Inabot niya ang phone at kinuha ko naman. "O, bakit pare?"-Tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko. Nakakapagtaka naman at napatawag siya ng ganito kagabi. (Pare! Si Mick --) "Anong meron sa gagong yun? Nakabuntis na naman?"- Biro ko pa. (Pre, si Mick -- p-patay na!) Napabaligwas ako sa kama ng marinig ko iyon. Nabibingi na ba ako? "Pre? *smirk* wala namang ganyanan! Hating gabi na eh." (Pre, hindi ako nagbibiro. Nandito kami ni Josh sa condo niya ngayon. Dapat susurpresahin namin siya ngayong gabi para mag-inom pero wala pala siya dito. Paalis na kami ng building nitong condo niya ng makarinig kami ng bumanggang trak pare. Pre, patay na si Mick. Nasagasaan siya nung trak.) Nanginginig pa ang boses ni Ivan habang nagsasalita. Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Papaano ito nangyari? . . . Kinabukasan ay nagkita-kita muli kaming magkakaibigan sa burol na nga lang ng isa sa amin. Nagyakapan kami nila Ivan at Josh. Naroon din sa burol ang pamilya niya at dating girlfriend niyang naanakan niya. Sinilip namin ang bangkay ni Mick pero -- napaatras kaming lahat ng makita ang itsura niya. "Grabe naman pare! Parang wasak na wasak ang itsura niya!"-Parang nandidiri pang saad ni Josh ng mapaatras kami. "L-lasing ba siya? Papaano siya nasagasaan?"-Lea. Kaibigan na rin niya ang mga ito bago pa naging kami. "Hindi ko alam. Pero sigurado akong dapat managot ang gagong driver na yun!"-Galit namang litana ni Ivan. Kahit ako'y nagagalit ngayon sa sinapit ni Mick. Hindi makatarungang aksidente lang ang lahat. Iniwan na muna kaming tatlo si Lea para makiramay din siya sa pamilya ni Mick. Narito lang kami sa may sulok. "Tingin niyo pre, may sinadya kaya iyon?"-Tanong ni Josh. "Ewan pre. Matagal na tayong magkakasama pero wala naman akong maisip na gagawa ng ganung bagay sa kanya."-Sabay buga pa ng usok sa paninigarilyo ni Ivan. "I told you pre, smoking can kill you."-Pagpapaalala pa ni Josh. "Ulol! Nauna pa nga si Mick sa akin! Ikaw! Yang pagiging balidoso mo ang papatay sa'yo!"-Bulyaw naman ni Ivan sa kanya. "Tsk! Huy pre? Tahimik ka?"-Pagsita pa sa akin ni Josh. Napatingin ako sa kanila na tila lutang pa aking pag-iisip. "W-wala.. Hindi lang talaga ako makapaniwalang -- wala na si Mick." "Baka naman iniisip mo pa rin siya?"-Ivan. Tiningnan ko lang siya ng masama. "Chillax.. Nagbibiro lang eh. Wag ka masyadong tense. Kaya ka binabangungot palagi eh." Alam din nila na madalas akong bangungutin these past few days. Sa hindi ko malamang dahilan, paulit-ulit lang ang masamang panaginip ko. Palagi ko siyang napapaniginipang papatayin niya daw ako kaya tumatakbo ako kung saan para makatakas lang. Pero sa tuwing maaabutan niya ako, nagigising pa rin ako. "Alam na ba niya pre?"-Josh. Napatingin naman kami kay Lea na kausap at dinadamayan ang ina ni Mick. Umiling muna ako bilang pagtugon. "Hindi pre. At hindi na niya kailangan pa sigurong malaman."   Bago pa man maging kami ni Lea, nagkaroon ako ng girlfriend noon. Si Jobelle. Minahal ko siya at alam kong gayun din siya sa akin. Ngunit dumating kami sa puntong humihigpit na siya sa akin, nasasakal na ako at wala nang kalayaan. Naging possessive sa akin si Jobelle na tila wala na kong sariling desisyon sa buhay. Nagkagusto ako kay Lea ngunit hindi niya alam ang tungkol kay Jobelle. Bago ko pa man ligawan si Lea noon, tinapos ko na ang relasyon namin ni Jobelle. Ayaw niyang pumayag ngunit hindi ko na siya mahal. Naging obsessed siya sa akin na humantong sa puntong natatakot na ako sa kanya. Ginawa niya ang lahat para bumalik ako sa kanya pero hindi ko na talaga kaya siyang pakisamahan pa.   Isang araw, pinagtangkaan na niya akong patayin dahil kung hindi man daw ako magiging kanya ulit, wala nang sinong dapat pa. Bilang self-defense ko, at sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. Hindi siya nagtagumpay. Kinidnap niya ako at dinala sa mabundok na lugar. Aktong sasaksakin na dapat niya ako ng dumating sina Josh at Ivan at napigilan siya. Inilayo nila sa akin si Jobelle na tila nababaliw na. At noong tatangkain muli kami ni Jobelle na sugurin, dumating ang rumaragasang sasakyan ni Mick at sinagasaan siya nito. Hindi pa siya doon namatay, ngunit dahil na rin sa takot nila na mabalikan kami ni Jobelle, tuluyan na nilang pinatay ito sa paghampas ng matitigas na bagay sa ulo. Hindi kami mga kriminal, hindi namin gustong patayin si Jobelle sa ganoon paraan. Inilibing namin siya doon din sa lugar na iyon at ipinangako sa bawat isa na itatago namin ito hanggang sa huli naming hininga.   Ilang taon na rin ang nakalipas at nananatili ang sikreto namin tungkol rito. Ngunit nitong mga nakaraang buwan, halos gabi-gabi ko nalang napapaniginipan ang masamang kabanata ng aking buhay. Palagi ko siya napapanaginipang gusto niya akong mabawi, at kung hindi ay dapat nalang daw akong mamatay. Noong una, balewala lang sa akin dahil isa lamang iyon masamang panaginip. Pero ang totoo niyan, pinagbabantaan niya ako sa panaginip na papatayin niya kami. Hindi ko alam kung sino-sinong 'kami' ang tinutukoy niya pero -- nakita ko sa panaginip ko ang mga kaibigan ko at si Lea. Matapos ang ilang araw ng burol ni Mick, nailibing na rin siya. Lubos kaming nalulungkot sa pagkawala niya ng hindi inaasahan. Pero ang mas gumugulo sa aking isipan ay ang pagpapakita sa akin ng madalas ni Jobelle sa mga panaginip ko. Hindi kaya gusto niyang makapaghiganti sa akin? Sa amin? . . . Makalipas ng ilang buwan, nabalitaan ko nalang din ang pagkamatay ni Ivan. Nasabugan daw ng tangke ng gaas. Naiwanang bukas ang kalan sa bahay nila at nung magsindi ng sigarilyo, sumabog ito pati ang buong kabahayan nila ay nasunog. Nang sumunod na linggo ay si Josh naman ang pumanaw. Natapunan ng muriatic acid habang naglilinis ng banyo at hindi na rin makilala sa nalusaw na mukha kagaya ng nasunog na si Ivan. Akala ko sa mga panaginip ko lamang siya nakikita ngunit hindi na ngayon. Isang araw, sa libing ni Josh, may nahagip ang paningin ko sa hindi kalayuan. Napahinto ako at tinitigan iyon ng mabuti ngunit nabitawan ko ang hawak kong susi ng kotse ng maaninag kung sino iyon -- si Jobelle. Nakatayo siya sa isang istatwa at matatalas ang tingin sa akin. Totoo nga sigurong may nakakamatay ng tingin dahil hindi ko man lang magawang kumilos o huminga ng maayos. Ngumiti siya sa akin ng bahagya na tila ikinataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan. "Match?" Natauhan ako ng hawakan ni Lea ang braso ko, napatingin ako sa kanya ngunit ibinalik ko ang tingin ko sa gawi ni Jobelle pero wala na siya. Tila humahangos naman ako at parang nanlalamig ang buong katawan. Kakaibang takot ang nadarama ko ngayon. Hindi pa rin ba siya nananahimik? . . . Hinding-hindi kita pakakawalan!   Napahangos ako ng isigaw niya sa akin yan. Masamang panaginip na naman. Napahawak pa ako sa leeg ko dahil ang nasa panaginip ko ay sinasakal niya ako at hindi ako makahinga. Pabalik na sana ako sa pagkakatulog ng maramdaman kong wala sa tabi ko si Lea. Hinanap siya ng paningin ko ngunit wala talaga siya. Tinawag ko siya pero walang sumasagot. Nilibot ko ang condo ngunit wala si Lea rito. Lumabas ako ng unit at hinanap si Lea sa buong gusali. Nakarating ako ng roof top at laking gulat ko ng nakatayo si Lea sa ibabaw ng batong harang. "Lea! Lea!"- Sigaw ko at nanakbo papalapit sa kanya. "Bumaba ka na diyan, pakiusap!" "Napakaganda ng langit, Match. Nakikita mo ba?" Ngunit napakadilim ng langit, tila walang mga bituin. Natatakpan ng maitim na ulap ang buwan. "Lea? What are you doing? Please, get down!" - Halos sigaw ko na kay Lea dahil nanlalamig na ang buong katawan ko sa takot. Sobra akong kinakabahan ngayon sa ginagawa ni Lea. "I will be free, Match." Bigla na lamang nagpakahulog si Lea sa building at hindi ko na siya naabutan pa! "Leaaaaaa!!! " "Leaaaaa!!!"   Humahangos kong sigaw at napabaligwas ako ng kama. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko pero may mga pawis ako sa buong katawan. "Match? Match, what happened?"-Tila nagulat naman na bangon ni Lea sa tabi ko. Agad ko siyang niyakap ng mapagtanto kong panaginip na naman pala iyon. Isang masamang panaginip na naman. "Shh, nightmares again, isn't it?" - Pagpapakalma pa sakin ni Lea habang kayakap ko siya. Hinaplos ko rin ang likod niya pero napansin kong bakit mahaba ang buhok nito? Naka-bob cut si Lea. Dahan-dahan kong inilayo ang sarili ko sa pagkakayakap sa kanya at laking gulat ko ng makita kung sino ito. "Jo -- Jobelle? Pero patay ka na!"-Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko. Nasaan si Lea? "Oo, Match. Yan mamamatay ka na rin!" Bigla niya akong sinugod para masakal. Sinubukan kong magpumiglas pero malakas siya. Halos hindi na ko makahinga sa higpit ng pagkakasakal niya sakin. "Mamatay ka na, Match! Gaya ng pagpatay niyo sakin! Mamatay ka na!" "Ahhhhhg!"   Napabalikwas na naman ako ng bangon sa kama at humahangos na tila hinahabol na naman ang bawat paghinga ko. "Match?" Napaiwas naman agad ako kay Lea at hindi ko maiwasang hindi matakot sa kanya. "What's wrong?" Napatingin ako ulit sa kanya at tila nagaalala naman siya sa akin. "I'm sorry." Yumakap na ko sa kanya at hindi ko mapigilang hindi maiyak. Dahil na rin sa takot na nadarama ko. Tama nga ang hinala ko, gustong makaganti ni Jobelle sa pagpatay namin sa kanya. Una si Mick, sunod si Ivan at si Josh. Mukhang hindi nga aksidente lang ang mga pagkamatay nila. May kinalaman si Jobelle rito. Baka nagpaparamdam na rin siya sa mga ito pero hindi lang nila masabi kaagad dahil napakaimposibleng bagay nga na isang patay na ang papatay pa sa kanila. Pero ngayon ay sigurado na ako, gustong maghiganti ni Jobelle sa amin, sa akin.   "What's wrong Match? What happened?" - Pagaalala pa ni Lea. Siguro panahon na para malaman niya ang totoong nangyari noon. Mahal ko siya kaya ayaw kong kamuhian niya ako. Sigurado akong magagalit siya sakin kapag nasabi ko ang totoong tungkol kay Jobelle at sa pagkamatay ng mga kaibigan ko. "You -- need to know something Lea."   Kinuwento ko kay Lea ang tungkol kay Jobelle. Mula nung una naming pagkakilala hanggang sa kung paano kami nauwi sa hiwalayan at pagpatay namin sa kanya. Umiyak si Lea dahil sa hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Hindi rin siya makapaniwalang si Jobelle ang dahilan ng pagkamatay ng mga kaibigan ko at siya rin ang matagal ng bumabagabag sa mga panaginip ko. Nasa panganib na ang buhay ko, or worse, pati ang buhay ni Lea. Tumayo si Lea at nag-walkout. Naintindihan ko kung anong nararamdaman niya. Hinayaan ko lamang siyang umalis ng condo. Alam kong malaking nagawa kong kasalanan, pero hindi ko rin naman ginusto yun. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Hindi ko rin gustong saktan si Jobelle, pero hindi ko na rin mapipilit ang puso ko kung hindi na siya ang mahal ko. Napagtanto kong dapat ko ng itama ang mga maling nagawa ko, kailangan na siguro akong sumuko sa mga pulis at ipaalam sa kanila ang nagawa namin. Para na rin siguro sa ikakatahimik ng kaluluwa ni Jobelle.   Papalabas na sana ako ng kwarto ng biglang pumasok ulit si Lea. Napatingin siya sakin na tila gustong maluha. "Lea, baby." Lumapit ako at niyakap ko siya at ganun rin siya sakin. "I'm so sorry. But I will make it all right. Susuko nalang ako sa mga pulis." "Are you sure about it, Match?" "I am." Lumabas kami ng kwarto pero bago kami bumaba ng hagdan ay tumigil si Lea at kumalas sa pagkakahawak sakin. Napatingin naman ako sa kanya dahil nakababa na ko ng dalawang baitang. Tila nagaalangan siya at hindi makatingin sakin ng diretso. "What's wrong baby? I know this is so hard for you dahil makukulong ako for sure but I gotta ---" "That's the thing! Makukulong ka lang? You think it will be enough?" Naguguluhan ako sa sinasbai niya. "You killed her, and you think you can all just get away from it?" "What do you mean?" "Siguro nga nilalamon na kayo ng konsensya niyo sa pagpatay sa kanya. And maybe that was my time to do vengeance for her death!" Dahan-dahan naglalakad papalapit sakin si Lea at napapaatras naman ako ng baitang pababa. "I was there Match. I was with her on that day! I've seen it all! Nagpasama siya sakin sa plano niya sayo, alam kong masama ang ginawa ni ate pero hindi yun dahilan para patayin niyo siya!" - Sigaw naman na sakin ni Lea. Nalilito ako? Ate? Kapatid siya ni Jobelle? "Oo, Match. Nakakatanda kong kapatid si ate Jobelle. Laking America ako kaya noong nakauwi ako ay hindi ko matanggap na sa muli naming pagsasama ng kapatid ko ay ganun kaagad ang sinapit niya sa inyo." - Tumutulo ang luha niya, pero kitang kita sa mga mata niya ang galit. Hindi ko na rin maiwasang maiyak. "Sinenyasan niya akong huwag lalapit noong sinagasaan siya ni Mick. Halos madurog ang puso ko ng makita ko siyang naghirap, Match! At noong hinambalos niyo siya ng bato sa ulo, gusto kong mamatay sa sakit dahil pinatay niyo ang walang laban kong kapatid!" "Nalaman din ni ate na pinopormahan mo na ako noon kaya halos isumpa niya ako pero bilang ganti na malinis ang konsensya ko, tinulungan ko siya sa balakin niya noon." "Hindi, hindi totoo yan! "-Sigaw ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Lea sakin. Ngayon ko lang din napagtantong Jollea Dominguez Colton nga pala ang totoong pangalan niya. Jobelle Dominguez naman ang ate niya dahil anak lamang siya ng nanay niya sa pagkadalaga. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. "Tingin mo talaga aksidente ang lahat ng pagkamatay ng mga kaibigan mo? Pero dapat lang sa kanila yun sa lahat ng nagawa niyo. At ngayon, ikaw naman, Match." Napatingin ako sa kanya at hindi ko malaman ang gagawin ko pa. Napako na yata ako sa kinakatayuan ko sa mga nalaman ko. All this time, akala ko mahal ako ni Lea. Hindi ko malaman ang gagawin o sasabihin ko pa. "Patawarin --" "Enough! " Bigla akong tinulak ni Lea at nawalan ng balanse. Nahulog na lamang ako sa hagdan at nakaramdam ng malakas na pagkahampas ng ulo ko kung saan at tila namanhid na ko. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang mukha ni Lea na matalim pa rin ang tingin sakin hanggang sa tuluyan ko ng naipikit ang mga mata ko. Siguro nga ito rin ang nararapat sa akin. Sa kabila ng mga kasalanan na nagawa ko, siguro deserve ko nga ito. Kung sa ganitong paraan mapagbabayaran ko ang mga kasalanan ko, tatanggapin ko ang kapalaran ko. ------------------------------------------  All rights reserved 2018 Irah Punzalan (Koolkaticles)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD