The Perks of being Clumsy

10489 Words
Hoy KatherinaThe Perks of being Clumsy   Hoy Katherina! Bumangon ka na dyan!!!"   Huh?! Hala?! Nako!!!   Biglang bangon ako ng kama ko pero sa sobrang usog ko sa uluhan ng kama ko, nauntog ako sa headboard. "Aaargh.."-Tuluyan tuloy nagising ang diwa ko sa lakas ng pagkakauntog ko. Ang sakit!   *Blag! Blag! Blag!* "Hoy Kate! Ano ba?! Kanina pa kita ginigising dyan!"-Bulyaw pa ni mama. Napakabungangera talaga. "Heto na po!"-Sagot ko nalang at bumangon na ako. Sayang naman yung panaginip ko! Palagi nalang hindi natutuloy dahil bunganga kaagad ni mama yung nagwawang-wang!     Palagi akong nananaginip na isa daw akong napakagandang prinsesa sa isang napakagandang pagdiriwang. Lahat ng tao ay nabibighani sa akin at may nag-ayang magsayaw sa akin na napakagwapo at matikas na prinsipe. At nung hahalikan na dapat niya ako, ayun! Bunganga na ni mama ang bumubulabog! Hays.   Diretsong banyo nalang ako at naligo. Ready for school again. "Mama ano pong --waaaah!!!" Medyo nagmamadali kasi akong bumababa ng hagdanan kaya nitong dalawang huling baitang na lamang ay nadulas pa ako. Tsk! Plakda na naman ang pwet ko sa sahig. Suking-suki ako nito ah. "Pambihira ka talagang bata ka. Ang aga-aga, yung sahig ang pinupuntirya mo!"-Bwelta pa ni mama habang naghahain ng almusal. Sanay na kasi siya sa kagaslawan ko. Lumapit ako sa mesa para tulungan siyang maghain pero -- "Ako na 'nak, maupo ka na dun. Baka mabasag mo pa itong mga plato. Kabibili ko lang nito kahapon."-Saad lang ni mama sa akin. "S-sige po.."-Sagot ko naman sabay upo na. Medyo hindi ako pinapakilos ni mama sa bahay, imbes daw na luminis at mawala ang mga kalat, lalo daw nadadagdagan. Kagaya nalang pagbasag ko ng mga plato, baso at tasa sa tuwing maghuhugas ng pinagkainan. Ang ending, si mama din daw ang magliligpit. Kaya siya nalang ang gagawa kaysa makasira pa ako. Hindi ko naman ginusto yun eh. Madulas talaga ang sabon noh! "Alis na po ako ma!"-Pagpapaalam ko na. "Oh ingat ka 'nak! Tatanga-tanga ka pa naman!"-Kahit basag ako palagi dyan kay mama, mahal na mahal ko pa rin yan. "Opo!"-Sagot ko nalang at humarap na ako sa pinto, pero bigla akong bumanga dun kasi sumara kaagad. Hays. Nang makarating ako ng school ay kaagad namin tinapos ng mga group mates ko ang project naming handcrafted medicine cabinet sa Home Economics. Lakas maka-Elementary pa ng peg. Eh forth year high school na po kaya ako noh. "Kate, dito ka na lang ha? Kami ng magdadala nito kay Sir sa loob ng faculty, baka kasi maaksidente pa ito kapag ikaw pa ang naghawak eh."-Saad naman sa akin ng kaklase kong mukhang walang tiwala sa akin. "Ah.. Okay.."-Hindi ko alam kung ayos ba talagang dahil hindi na ako mapapagod o dahil wala na silang tiwala sa akin. Hindi ko naman sinasadyang matabig yun samesa kaya biglang nahulog at nagkalas-kalas. Well, advantage din pala ang pagiging clumsy kung minsan. Hindi ka na nila pagkakatiwalaan magdala o humawak ng mga importanteng bagay sa takot nilang masira mo ito. Was it a compliment at all?   Naiwan nalang ako sa labas ng faculty room mag-isa. Iintayin ko nalang silang makapagpasa, then saka kami magla-lunch. Palakad-lakad ako dito kasi walang katao-tao sa hallway. Para akong tangang may inaabangan pero okay lang. Since puro glass mirrors ang nasa paligid, nanalamin ako at syempre, nagpo-pose. Mga facial reactions at pose na feeling nagmo-model. Medyo pangarap ko rin ito dati pa eh.   Rumampa rampa ako then nag-pose at project sa mga glass mirror. Alam kong hindi naman ito tagusan sa loob kaya keber lang. Ha ha ha.   "Ehem! Ehem!"   "Ah-- excuse me miss? May interrupt you? Is this the faculty room?" Botcha naman oh! Nakapatuwad pa ako na feeling ko nagtu-Twerk it like Miley ako tapos biglang -- Botcha! Hindi ako makagalaw!   "Hindi mo ba nakikita? Ayan di ba? Ang laki-laki! Faculty Room!"-Pag-aangas ko pa kaso-- Kung di ba ako kalahating tanga eh naka-twist pala ang paa ko kaya pagharap ko sana sa kanya ay -- ay nag-dive lang naman ako sa kanya! Mabuti hindi naman lumayo ang loko at nasalo pa ako. Unexpectedly, napatingala ako sa kanya at parang may kung sinong nag-rumble sa dibdib ko. Nakapasimangot lang siya sa akin habang ako'y napapako sa mga titig niya.   "C -- can you get up?"-Saad niya kaya ako natauhan. Hay putragis! Tumayo ako ng diretso at nagayos ng sarili. "Thanks!"-Medyo sarcastic kong saad. "So lousy, clumsy."-He just said then left. Bah? Ang yabang!   "Whaaaaaaah!!! Putris!!!"-Sigaw ko naman sa hiya! Bwisit! May tao na pala sa likuran ko, nagpatuwad-tuwad pa ako! Tapos tumilapon pa ako sa kanya! Susmaryosep! Parang gusto ko ng magpakain sa buwaya sa hiya! Putragis! Sa sobrang hiya ko, tumakbo na ako palayo dun. Takte! Baka lumabas pa siya at makita ulit ako. Baka hindi ko na kayanin! . . . Makalipas ng pangyayaring yun, namuhay naman ako ng normal, kinalimutan ko na nga eh kaso -- "Okay students, since malapit na ang J.S Prom natin, sisimulan na natin ang pagpa-practice ng cotillion. By height ang partners all over in four sections."-Pag-announce nung isang teacher dito sa school. "So fall in line by your height. Kung sino ang matapat sa iniyo, siya ang magiging partner niyo."-Sumunod naman kaming mga third year at fourth year students. Medyo dulo na ako, hindi naman ako ganun kaliit, pero hindi din ganun katangkaran.   "Okay then, face your assigned partners!"-Utos pa sa amin kaya nagsipagsunod naman kami. Kyeme lang naman ako, kahit sino pa ang -- Oh holy carabao, cacao, bakulaw! Napatalikod ulit ako ng makita kung sino ang partner ko! Takte!   "Psst! Pearl? Palit tayo."-Pasimple kong bulong sa katabi ko. Mabuti't kaklase ko ito. "Huh?! Ayoko nga! Si Lester na kaya ang partner ko!"-Pagmamaktol niya. Napatingin ako kay Lester na ka-year lang din namin pero sa kabilang section. Oo nga pala, long time crush niya ito since first year. Pinangangalandakan niya kasi noon pa! Lumipat ako sa kabila at hindi ko naman personal na kilala ang babaeng ito. Third year palang yata at mukhang boyfriend niya pa ang nakatapat niya. Lucky her. So mas wala akong pag-asang makipagpalitan ng partner!   "Kate? May problema ba? Why you're not facing your partner?"-Pagsita na sa akin ng teacher kaya labag man sa kagandahang loob ko, dahan-dahan akong humaharap sa makakapareha ko.   And you know what? Surprise! It's him lang naman! Oo! Yung lalaking tuod na nakakita sa aking nagpe-perform sa labas ng faculty room! Pamaktol man akong lumapit sa kanya ng pinagsasama na kami, wala naman akong magawa! I thought this event would be so magical, but I guess it was all just in my dream. Argh! Hindi pa naman ako nakasama last year dahil -- alam niyo na ang lola niyo, suki ng aksidente. Nahulog ako sa hagdanan ng school at ayun! Two weeks ding nakabenda ang mga paa at isang kamay ko. Pwede sana akong sumama kaso ayoko namang pumunta doong naka-gown tapos may saklay. Hays.   Napa-rolling into the heavenwards nalang ang mata ko sa kaimbyernahan! So I have no choice! I faced him. Our eyes met and I don't know what to do next. His sharp-looking eyes makes him looks more mysterious and -- and -- I just stood in front of him, a meter away but seems too close. Suddenly, I behave myself. I felt something I can't explain.   "Now, boys, take your partner's hand a do a position like this." Napatingin naman ako sa gurong nagsalita at nakita ko kung anong posisyon nila ng isa pang guro kaya –   "Hey? Why are you looking that way? I'm your partner." Oh shoot! Parang may sudden circuit na dumaloy sa buong katawan ko! Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong hilain papalapit at papakapit sa kanya. Nang harapin ko siya ay parang napako ang mga paa ko, pati na rin ang mga mata ko sa kanyang -- Waaah?! Ano ba 'tong pinag-iiisip mo Kate?! Hinigit niyang muli ang kamay ko at this time, humawak na siya sa may beywang ko na tila may kumapit na dikya sa akin! Grr! Nanlalambot na ako hindi pa man kami nagsisimulang sumayaw. Oh no! Hindi ko alam kung saan ako titingin maiwasan lang ang tingin niya. For sure, kilala niya ako! Kaya siguro lakas trip lang itong makatingin sa akin ng masama. Naman oh!   Nag-practice kami na tila lutang ang pag-iisip ko. Nakakasunod naman ako sa mga steps pero -- "Oops! S-sorry.."-Nahihiya ko nalang saad sa tuwing maaapakan ko siya o hindi kaya biglang nanlalambot ang tuhod ko at napapatiklop ito. Tsk! Buo na ang first part ng sayaw, bukas naman daw ang kasunod na part bago mabuo ng tuluyan ang cotillon.   Matapos ng nakaka-intense na pangyayaring yun, nagmamadali na sana akong umuwi kaso -- "Hoy babae!" "Ay putakte!" Napatigil ako sa pagtakbo ng may gumulat sa likuran ko. Hinarap ko naman yung hinayupak kung makasigaw, at talaga nga namang sinuswerte ako!   "Oh? Kailangan mo?"-Pagtataray ko. He just smirk. Ang hangin talaga. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya. Problema nito? "Bukas ng lunch break. Sa rooftop, huwag kang mahuhuli ah?" Straight ahead niya saad habang naglalakad at nilagpasan pa ako! Uhh? "H-hoy?! Pinagsasasabi mo?!"-Singhal ko pa pero hindi na niya ako nilingon. Bwisit na yun ah? Bahala siya! Akala niya susundin ko siya? Nek-nek niya! Bleh! . . . Matapos ang pagkain namin ng mga kaibigan ko ay didiretso kaming library para gumawa ng iba pang assignments. We all know namang -- students who works together, graduates together. Ha-ha-ha! "Huy Kate! Ang swerte-swerte mo talaga!"-Cane. "Oo nga Kate. Para kang naglaro ng Russian Roulette tapos natapat sa'yo yung jackpot!"-Tila pa ni Fibi. "Timang! Wheels of color yun! Pero promise talaga Kate, ang bongga mo nung matapat na si Kyle ang partner mo! Havey!"-Lena. Actually, kagabi pa sa f*******: nila ako binubulabog sa Kyle na yan eh. Ibang dimensyon ba ang napasukan ko at bakit ako lang yata ang hindi nakakakilala sa Kyle na yan ah?! "Oh my gosh girls!"-Halos tili na ni Cane kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. "Oh bak-- Oh mah gahd!"-Tila biglang nagpigil naman ng hiyaw itong si Fibi. "Oh my god talaga girls! He's heading this way!"-Kinikilig namang saad ni Lena. Napairap naman ako sa tatlo kasi lahat sila nakatingin sa likuran ko. Kaya papaharap na sana ako -- "Ano bang ino-Ohmergerd niyo dyang mga babaitang --"-Yamot ko pang saad habang papatingin sana sa likuran ko ng –   Oh my God! Speaking of the Devil!   "I told you to come at the rooftop, didn’t I?!"   Oh Lord? Yung totoo? Nananadya ka po?!   Inayos ko ang sarili ko sa gulatang naganap at hinarap siya ng buong tapang. "Bakit naman ako pupunta dun?!"-Pagtataray ko. "Magpa-practice tayo!" Inirapan ko siya at papatalikod na sa kanya. "Busy ako! Saka mamaya may practice din namang -- waaah!!!" "I said, magpa-practice tayo!" "Put me down!!!"-Sigaw ko. Bitbitin daw ba akong parang baboy na bagong katay sa palengke?! Susme?! "Aaah! Ano ba?! Ibaba mo ako!!!"-Pagsisisigaw ko pa pero patuloy lang siya sa paglalakad na para lang akong bimpong nakasukbit sa balikat niya.   "Huuuy girls!!! Tulong oh!"-Pagmamakaawa ko sa tatlo dahil ang mukha ko ay nasa likuran niya. "Bye Kate! See you later!"-Synchronize pang sagot ng tatlo sa akin habang kumakaway at lahat nakabungisngis! Argh! . . . "Argh! Sira ulo ka ba ha?!"-Singhal ko pa sa kanya pagkababa niya sa akin dito sa rooftop. Oo! Buhat-buhat niya ako mula kanina hanggang makaakyat dito sa rooftop! Pambihira! "Ang ingay mo! Baka akalain ng mga nakakita sa atin gagahasain kita kaya kita binibitbit."-Medyo irita niyang sagot sa akin na lalong nakapagpainit ng butchi ko! "Bah?! Kasalanan mo yun! Ganoon ba ang tamang paraan para sumama sa'yo ang babae? Ang lukduhin siya?!"-Singhal ko pa. Tiningnan niya lang ako ng masama at sa isang iglap, natahimik ako. Shemay scary Pero hindi pwedeng magpatinag! Akala niya ah!   "Napagod ako sa bigat mo. Kaya ayusin mo ang pagpa-practice natin."-Saad niya lang pero sinimangutan ko lang siya. Pinaikot ko ang mga braso ko sa harapan ko at tumingin sa ibang direksyon.   Sasama naman ako sa kanya eh, kung maayos siyang kausap. Kailangan pa bang bitbitin ako ng ganun na parang bata?!   Pinatugtog niya ang ipod niya at may mini speaker. Hindi siya prepared infairness! Pinagbigyan ko nalang ang weirdong ito at baka kung ano pang gawin sa akin. Pambihira talaga! Nakabusangot lang ako in whole practice namin. Halos hindi ko siya sa kausapin. Well, ganun din naman siya pero sa hindi ko rin malamang kadahilanan, napapasulyap ako sa weirdong ito. In fairness, gwapings nga siya. At talagang nakaka-OMG ang features niya kung tutuusin. From his messy hair na parang effortless ang pagaayos. Yung tipong bumangon lang at hinawi ang buhok, ayan! Gwapo na. Yung height niya pang model ng Calvin Klein. At yung eyes niya -- argh! Yeah! I admit. It was so tantalizing.   "Hey?" "Uh--"-Para naman akong natauhan sa pagpapantasya -- I mean, pagde-describe sa kanya -- ay ano ba?! Basta! "Okay ka lang?"-Malumanay naman niyang tanong. Hindi sa iniisip kong ganun talaga siya kasamang tao pero seriously?! "Ah -- a-ako?! Ahhh o-oo naman!"-Nagugulantang ko pa ring saad sabay lihis ng tingin sa kanya habang nagsasayaw kami. After nun, wala na kaming naging conversation.   Matapos lang ang dalawang rounds ng sayaw, umalis na ako. At walang makakapigil sa akin! Hanggang sa pagdating sa mga practice naming pang maramihan, naging tahimik lang kami. Ni hindi nga kami nagbabatian. Nagsasalita lang ako kapag pagod na ako o di kaya kapag natatapakan ko siya.   Nung mga sumunod na araw na sinasabihan niya akong mag-practice muli na kaming dalawa lang, tumanggi ako. Pero syempre hindi siya sumusuko. Palagi ko siyang pinagtataguan at kapag nagkakasalubong kami, tatakbo ako ng mabilis. Bahala na kung saan ako makarating. Kapag kinokompronta niya ako sa practice, hindi ko siya pinapansin. Pasok sa kaliwa, labas sa kanang tainga. Dedma!   "Huy girl, bakit ganun ka? Ang taray-taray mo daw kay Kyle?"-Lena. "Oo nga, Kate. Ang harsh mo kay Kyle. Mukha namang mabait yung tao."-Fibi.   Problema ng mga toh?   "Bakit ako?! Wala naman akong ginagawa ah?!"-Depensa ko pa. "Yun na nga!"-Synchronize pa nila saad. "Alam mo kasi, napapansin naming parang gusto ka niyang kausapin eh. Kaso kapag lalapit siya sa'yo, nakabusangot to the max ka na kaagad, alam mo yun?"-Cane. "Duh?! Yun? Mabait?! Ang weird niya kaya! Nakakatakot na nga siya minsan eh. Kung hindi lang siya gwapo, iisipin kong stalker siya!" Natahimik naman yung tatlo sa harap ko. Mukhang gets na nila ako kaya hindi na sila sumagot.   "Saka, ano bang paki niya kung ayaw kong mag-practice na kaming dalawa lang? Nakakailang kaya! At saka talagang nakakatakot."-Tuloy-tuloy ko pang saad kahit na tinatapik na nila ako at pinagdidilatan ng mata. "Kate, tama na."-Diin na saad ni Lena na parang bumubulong. "Bakit ba?! Alam niyo yung parang pagsimangot nga lang ang alam ng mukha niyang ekspresyon? Tapos para siyang ewan na titingin-tingin sayo tapos wala namang sasabihin. Basta! So weird!"-Pagtataray ko sabay kagat ng sandwich.   "Thanks!" Halos mabilaukan ako ng marinig ko ang napakapamilyar na boses. Kahit yata kilometro ang layo niya, kilala kong boses na yun! Napayukong lahat yung tatlo na tila walang mukhang maiharap. Dahan-dahan kong nililingon ang likuran ko at bumungad sa akin ang isang asal bakulaw. Tiningnan niya ako ng mata sa mata at hindi ko malaman ang emosyon niya. Nakakatakot yung minsan ang suplado niya tingnan pero mas nakakatakot pala ang blanko niyang ekspresyon. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Na-offend ko ba siya?   Matapos niya akong titigan, umalis nalang siya ng walang binitiwan pang salita. Napapakagat labi nalang ako dahil sa inasal ko. Parang nakaramdam ako ng konsensya. "Aray ko beh. Sobra ka naman yata.."-Fibi. "Sige, gatungan mo pa."-Cane. "Pero alam mo, grabe ka sa kanya.. May galit talaga?" "I think he doesn't know that he annoys you that much."-Lena. Hays.. . . . Kinabukasan, hanggang ngayon nangangamba pa rin ako kung papaano ko siya mahaharap dahil sa mga nasabi ko. Pero ang ikinabigla ko ay nang magpa-practice na dapat kami ng sayaw, ay iba na ang kapareha ko! Nilingon-lingon ko ang paligid ko at wala akong natatanaw na Kyle dito..   "Ahh excuse me lang ha.. B-bakit ikaw?"-Pagaalangan ko pang tanong. "Ako? Eh pinalitan ko si Kyle. Umayaw na kasi siya."-Sagot naman ng ka-partner ko na ngayon na hindi ko naman kilala.   Hindi ko alam ang dapat kong ireaksyon. Parang naiinis ako na nanghihinayang at -- Oo na! Guilty na ako! Pambihira naman oh! Ganun ba siya kamaramdamin para mag-quit sa J.S Prom? Ang arti lang ah?   Pero kasalanan ko naman..   Oo na! Oo na! Umaamin naman di ba?! Hays.. Matapos ang practice ay diretso uwi na kami. Medyo nakakapanibagong hindi ako nagtatago na ngayon dahil wala ng Kyle na huma-hunting sa akin. Gusto ko sana siyang makita para makapag-sorry, kaso hindi ko siya mahanap. Ako na ngayon ang naghahabol at naghahanap sa kanya. Ay teka?! Iba ang ibigsabihin ko ah?   Bago pa man ako makalabas ng gate, laking tuwa ko ng matanaw ko si Kyle sa may soccer field. Nanakbo ako papalapit sa kanya. Yun nga lang, sa pagmamadali ko, hindi ko nakita ang under construction na man-hole kaya -- pasok sa banga ang lola niyo! Parang nawala ako sa mapa ng pinas sa pagkakahulog ko. Mababaw lang naman ang man-hole pero putikan. Kapag sinuswerte ka nga naman talaga! Umahon ako mula sa kinasadlakan kong putikan at napadungaw muna kung naroon pa siya. Pero nang lingunin ko ay wala ng Kyle doon. Ang engot ko talaga kahit kailan! Hays.. . . . As I walk to the floor going to the party, malayo palang rinig mo na ang maingay na music mula roon. Marahil magsisimula na ang cotillon namin. Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa may pintuan dahil alam niyo na -- naka-high heels ako. Baka dito palang eh umeksena na. With my head I held high and confident, tinulak ko ang two-door ng sabay. At sa pagbukas nun ay tila natameme ako sa nangyari. “Ohh..” "Wow.. Ang ganda niya.." "She's a stunner!" Rinig kong mga komento kaagad nila. Ang dami kong naririnig na nagbubulungan at lahat sila nakatingin sa akin. Nakahawak pa ako sa magkabilang pinto at tila natigilan nalang. Parang gusto kong mangliit sa hiya pero ang mas nakakahiya ay –   "Sino yan?!" Napatingin ako sa kabuuan ng silid. Tila nakakapgtangkang iba ang ayos nito. Ni walang pamilya na mukha akong nakikitang naroon.   Shit! Wrong party! "Ang ganda pa naman niya, sana dito nalang siya sa atin."   Shemay! Wa-poise ako! Dahan-dahan kong sinara ulit ang pinto at nag-peace sign sa kamay ko bago ko pa man ito isara ng tuluyan. Dali-dali naman akong naglakad pabalik sa hallway ng mapagtanto kong mali kwarto nga ng hotel venue ang napuntahan ko! Kakahiya naman! Saang banda ba yung amin? Nakalagay kasi sa signage 3rd floor daw eh. Pagkatingin ko sa signage, Ballroom B palang pala ito! Ballroom C at D ang amin. Susmeh! "Wow Kate! Halos hindi kita nakilala!"-Cane. "Kanino mo pinatrabaho yan ha? Kay madame Ricky Reyes o Rene Salud?"-Lena. "Ano ba kayo girls, face powder lang toh!"-Biro ko pa. "Com'on girls, assemble na daw!"-Fibi. Nagtungo naman na kami sa mga pwesto namin at tumapat sa kanya-kanyang partner namin. Hindi ko alam pero di ba dapat mas masaya ako ngayo't hindi na si Kyle yabang ang partner ko? Pero parang -- Nagsayaw kami ng cotillion na parang lutang ang isipan ko. Parang wala lang. Walang kabuhay-buhay. Pati yung naka-partner ko parang tuod lang. Hindi gaya ni Kyle na napaka-passionate at caring magsayaw. Teka?! Pinagsasasabi ko?! After niyan, ewan ko ba't gusto ko ng umuwi nalang. Mabuti pa sina Cane, Lena at Fibi, may mga #KiligMoments na kasi ang daming nagsasayaw sa kanila mula sa ibang year level at section samantalang ako -- heto.. #ForeverAlone. Alam mo yung para lang akong malaking display at taga bantay ng mesa namin dahil ako lang yata ang nakaupo. Halos karamihan sa mga estudyante at nagsasayaw, pati mga faculty nag-e-enjoy. Buti pa sila. Kaysa magmukmok sa sulok, tumayo na lamang ako para kumuha ng maiinom. Punch juice lang naman ito at hindi rin alcoholic. Pagsasandok palang ako ng juice ay kamuntik ko ng matapunan ang mga pagkain na katabi. Mabuti napigilan ko pa kaso -- "Ugh!" Tuluyan kong natapunan ang mga pagkain ng juice hindi dahil sa kagaslawan ko, kundi may bumangga mula sa likuran ko! "Ano Kate? Masaya ka na? Kung hindi dahil sa kaartehan mo, eh di sana nandito si Kyle ngayon kaysa sa'yo!" Bulyaw sa akin ng hindi ko kilala masyadong babae but I think sa kabilang section siya. Tiningnan ko siya ng masama habang hawak pa rin ang baso ko. "Oo nga! Sana ikaw nalang ang nag-quit instead of Kyle! Tingnan mo nga? Wala namang pumapansin sa'yo dito!"-Sabay irap pa sa akin ng isang babaeng butiki. "Pero kinakausap niyo ako?"-Medyo sarcastic kong sagot. "Give me that!"-Inagaw nung naunang babae sa akin ang punch ko at -- "That! Go home!"-Then they both laugh evilly. Darn it!   Tinapon lang naman ng babaeng yun sa akin ang punch ko! And I think magmamantsa na ito sa baby pink dress ko! Kulay pula pa naman yung punch.   Tumalikod sana ako para magpunta ng restroom pero –   "OH!"   Napatama ako sa mga mesa ng mga pagkain at juices kaya -- nakalog ito at tuluyang natapon sa akin ang isang timba yatang punch!   May mga nabasag din yatang plato at napatingin na sa akin ang karamihan. Agaw eksena ka na naman Kate!   I kneel down to get the things I've dropped but I heard something I could never imagine.   I ripped my dress!   Kaagad kong hinawakan ang tagilirang parte na nasira yata at tumayong muli pero -- nauntog ako sa mesa at nakalog na naman ito kaya tuluyang tumapon sa akin ang lahat ng pagkain roon. May nakasabit pang spaghetti sa ulo ko.   "BWHAHAHAHAHAHAHAHA!" "Woah! Napaka-clumsy mo talaga Kate!"   Halos gusto kong magpalamon sa lupa sa kahihiyang sinapit ko. Naluluha na ako dahil lahat yata ng tao dito sa party ay nakatingin at pinagtatawanan ako. "Oh my gosh Kate!"-Fibi "Hey Kate, are you alright?!-Lena "Com'on!"-Cane Maybe I should always thank these girls for being my life savers. Tinulungan nila akong makatayo dahil basang-basa ako at puno ng mga pagkain sa buong katawan. This is so embarrassing! Inilayo nila ako sa party at tinakbo sa pinakamalapit na restroom.   Galit na galit naman yung tatlo dahil wala man lang daw tumulong sa akin but I guess that was my fault too. "U-uuwi nalang ako girls."-Saad ko.   "What?! No way! Not yet! Halos kauumpisa palang ng party oh!"-Cane "Ano ba kasing nangyari at bigla ka nalang -- alam mo na.."-Lena "Sasamahan ka namin all the time."-Fibi "Thank you sa inyo, pero uuwi nalang talaga ako. Wala na rin ako sa mood ehh. Kalasanan ko naman."-Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yung ginawa sa akin ng mga babaeng butiki. First of all, tama sila. Kasalanan ko kung bakit wala si Kyle ngayon dito. Which is, kinadismaya talaga ng karamihan especially ng mga fans niya yata.   Alam kong naaawa sila sa akin kaya ngumiti ako ng matipid para hindi na rin sila malungkot. Tinulungan nila akong magbihis at mabuti'y may dala akong pamalit dahil mahal mag-taxi pauwi. "Okay ka lang bang umuwi mag-isa? Gusto mo bang samahan ka na naming umuwi?-Lena Umiling ako bago sumagot. "Hindi na. Okay lang ako.." "Aww Kate, sasama na ako!"-Fibi. Yumakap pa siya sa akin. "Ako rin!"-Cane. At yumakap din sila sa akin ni Lena. "Okay lang ako. Enjoy your night."-I insist. But deep inside, gusto ko ng maiyak dahil ang pinangarap kong magical night ko, nauwi na naman sa disaster.   Pinabalik ko na yung tatlo sa party. Ayoko talagang masira ko ang gabi nila. It's not all about me.   Dahan-dahan pa akong sumisilip sa labas ng restroom para walang makakita sa akin palabas. Dinudungaw ko ang ulo ko at linga-linga sa paligid pero --   "What are you doing there?!"   "Ay kabayo!"   Dahan-dahan akong napalingon sa gilid ng pinto at -- at halos gusto kong humiyaw sa gulat.   "K-K-Kyle?!"- Poker face lang siya sa akin at hindi ko talaga ine-expect ang pagsulpot niya. "Sino pa ba? Anong ginagawa mo ---" Natigilan siya dahil lumabas ako sa pinto ng restroom na naka-shirt at pants nalang. "H-hindi ka--" "Hindi na."-Mahina kong saad. I look at him and surprisingly he's looking at me too. Ngayong nakita ko siya dito, ito na ang pagkakataon ko.   "I -- I'm so sorry, Kyle. I didn't mean what I've just said about you."-Nagsusumamo kong saad. Napayuko nalang ako sa hiya sa kanya. I admit, hindi talaga maganda ang mga sinabi ko tungkol sa kanya. "Hmm.. I won't forgive you."-Napatingala ako sa kanya at ngayon ko lang napansing naka-todo bihis pala siya. Naka-suit and tie at nakataas ang buhok na lalong nakapagpa-gwapo sa kanya! Oh my! I'm drooling over him. "I won't forgive you unless -- unless you would dance with me." "Ha-huh?!" Bago pa ako makareklamo, hinatak na niya ako at wala na akong nagawa. Ang laking tao kaya nito.. Pero -- Bago pa man kami huminto, nasaludsod ako kasi ang bilis niyang maglakad. Good thing hawak niya ang kamay ko kaya hindi ako tuluyang natumba. Dinala niya ako sa -- sa party namin?!   OO! Dito nga!   "Oh Kyle? I thought --"-Pagsalubong ng isang teacher pero nilagpasan niya lang yun at syempre, hatak-hatak niya ako. "Huy? Ano ba? B-bakit mo ba ako dinala dito?!"-Pasimple kong tanong dahil pinagtitinginan na kami. Ang buong akala ng lahat ay hindi na makakasama si Kyle dito at ako naman ay umalis na dahil sa insidente tapos –   "Gusto mong makabawi di ba? Be my first dance then."-Diretso niyang sabi na halos ikabagsak ng panga ko sa lupa. "A-ako?!" Bago pa man ako makapalag muli, hinatak niya ako at nagtungo ng dance floor. Hindi pa nakutento, gumitna pa talaga kami! Nakita kong gulat na gulat din akong nakita nila Fibi, Lena at Cane pero wala naman akong magawa.   "Ano ba?!"-Pagpumiglas ko pagkadala niya sa akin dito. "Kung gusto mong makaganti sa akin, ayan na! Masaya ka na bang napahiya na naman ako?"-Singhal ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. "Shh.. Why would I do that?"-He sweetly said at biglang nag-play ang panibagong music sa paligid. He holds me like we're the only persons in this dance floor. Our body began to move as we sway to the music.   "I said, I'm sorry na.. Hindi mo naman na siguro ako kailangan ipahiya pa ng ganito sa --" "Shh.. Hindi kita pinapahiya. Gusto ko lang malaman ng lahat na isang katulad mo, hindi dapat ikinakahiya." Bigla akong napatingin sa kanya na halos iluwa ko na ang mga mata ko. Pinagsasasabi nito?   "I-- I'm sorry Kate. Dapat mas naging matapang ako. Sana noon pa, nasabi ko na sa'yo ito."-Natatameme naman ako sa kanya. He looks at me and smiles, and I swear it was so intimidating! "I -- I -- like -- you Kate, since then. But I'm just afraid that you -- that you might not even like me too. The time I've heard all the things you've said about me, I admit I got mad and -- and devastated.."-Halos maluha naman ako sa mga sinabi niya. Parang kahit sinong nasa lugar ko, mararamdaman ang sinseredad niya. "D -- doon ko nalamang w -- wala na siguro talaga akong pag-asa. Ni hindi mo nga ako siguro kilala noon."-Dagdag pa niya. At nakadama naman talaga ako ng pagka-guilty. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, para akong kinukuryente at dumadaloy pa yun mula ulo hanggang paanan ko.. "I -- I'm sorry Kyle. Nung una -- oo totoong hindi kita halos kilala. Akala ko hambog ka at mapresko pero -- pero hindi pala. Sorry dahil hindi ko binigyang pansin ang malasakit mo dahil nahihiya ako."-Napayuko naman ako na parang napahiyang bata nang maalala ko una naming pagkikita. "Shh -- okay lang.." Ang lamig talaga ng boses niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin ulit sa kanya kahit nilalamon pa rin ako ng hiya ko. Alam ko lang ay nakatitig ako sa kanya na parang nahi-hypnotize tapos -- Naramdaman ko na lamang na may napakalambot na dumampi sa labi ko at parang bigla huminto ang nasa buong paligid ko. Ang tugtugin, ang mga tao pati na rin ang oras. Biglang nahinto ang mundo ko sa pangyayaring iyon. Lumayo siya ng bahagya sa akin pero ako'y patuloy pa rin na naguguntang. "I'm sorry Kate.." Nahihiya niyang saad at sabay yuko. Ngayon lang ako nakita ng lalaking ganito ang reaksyon. Ang pula ng mga pisngi niya na lalong nagpagwapo sa kanya. Parang gusto kong i-head bang sa sahig ang bangs ko para matauhan dahil pakiramdam ko'y isa lamang itong napakagandang panaginip. "I -- I like you too, Kyle." . . . "Huy Kate! Aminin mo na kasi!" "A -- anong aaminin ko ha? Eh wala naman talaga akong sinabing ganoon noh!" "Narinig ko kaya! Medyo mahina pero narinig ko pa rin yun!" "Narinig mo pala eh, bakit nangungulit ka pa?!" Nako naman oh! Simula nang gabi ng Prom, hindi na niya ako tinantanan patungkol sa huli kong sinabi. Yes! I admit. I said those words to him, but not that loud and clear. At hindi ko na yun uulitin noh! "Uuy.. Yung lovebirds, nagtutukaan na naman."-Pangaasar ni Cane. Napadaan pala ang tatlong babaitang dito sa pwesto namin.   "Umamin na kasi! Para naman may silbi pa ang pagkukunwari.."-Lena. "Pakipot pa, mahal din naman. Landeeeh!"-Fibi. Hindi ko alam kung mababanas ako, matatawa o kikiligin eh. Parang sabay-sabay din naman. Ever since that night, he became my stalker. Joke! My admirer? Suitor? I guess. Basta! Palagi niya akong kinukulit na may gusto din daw ako sa kanya! "Bakit ganito itong kaibigan niyo? Halata naman na, umaarte pa?"-Tila para siyang nagsusumbong na bata dun sa tatlong gatong. Sabay-sabay kunwari walang alam yung tatlo at ngiting nakakaloko na parang kinikilig pa. "Hmm! Hashtag! Pakipot.com!"-Sigaw nila sa akin. "Sige! Magkampi-kampi pa kayo! Makalayas na nga!"-Sabay walk-out ko. Pero charing lang yun. Kinikilig na kasi ako. Baka nga ang pula-pula ko nga ngayon eh. "Uy Kate!" Pahabol na sigaw ni Kyle pero imbes na huminto ako, nanakbo pa ako lalo. Pero -- "Aaah!" For the mother-father sake! Bakit ba sa tuwing kailangan kong magmadali, tinatamaan ako ng kamalasan?! "Ayan kasi.. Tsk tsk!" Nag-dive lang naman ako sa putikan. Na naman! At ang magaling na Kyle ay tinitingnan lang ako. Argh! "Hmn. *smirk* you know what? You know you can't get away with this."-He mischievously said pointing me. I look at him even knowing that I had mud all over my beautiful face.   "Tss.. You can't get away from this."-I mimicked him. "Whatever Ky--"   Oh my boy!   "Stop acting like you don't, if I know, you're dying to get me."   I froze. Totally! There's a bit mud on his lips because he -- he kissed me! Omergerd! Is it real?!   "It tastes not really good but the kiss are worth the flavor."-He smiles and I still can't move! Tumayo siya at hinaya na ang kamay sa akin. "Get up clumsy! Hindi mo naman siguro gustong mag-stay diyan?" Kahit tulaley pa ako, keber lang. Hindi ko magawang ikilos ang katawan ko matapos ng ginawa niya. Para akong ginulat ng sampung tsonggo at hindi na naka-recover.   Kinuha ko ang kamay niya at pinilit itukod ang mga paa ko pero --   Putikan po ito, madulas at medyo mabaho kaya --   "Oops?! Wooaah ---"   *Splashk!*   Sweet na sana ang momentum kaso -- kaso sa putikan mga ateng ehh. Pagkakuha ko ng kamay niya at tukod ng mga paa ko patayo, nadulas pa rin ako at ang masama nadamay ko pa siya. Malay ko bang lampa pala ang isang ito? Napadulas pa ako at la-landing sana ang likuran ko sa putikan na naman pero nadala ko siya. At ang epic pa, nakapatong pa siya sa akin na parang – "Uyyyyy! Kaya pala nag-walk out para maglambingan sa putikan!"-Rinig ko ng patutsada ni Cane. "Ang sweet na sana, ang dirty nga lang. Hahaha."-Fibi. "Hahaha! Tama na girls, nakakaistorbo na tayo sa trip nilang magtampisaw sa putikan. In fairness kay Kate ah, may originality. Wag ka!"-Lena. Kapag talaga si kamalasan ang dumapo sa'yo, hindi ka na lulubayan!   Kaagad kong itinulak si Kyle para makatayo na pero for the record, nadulas na naman ako at ako naman ang pumalakda sa kanya.   "Hahahaha! Perks of being a clumsy!"-Lena "Luma-love life!"-Cane "Check!"-Fibi "Hahahahaha!"-At nagtawanan ng walang hanggan yata ang tatlong bruha sa buhay ko pero mahal na mahal ko, saka nagsipagalis at iniwan kami rito. Hindi man lang talaga kami tulungan.   "I told you, you will never get away from this."-He smiles and then hugs me. It felts good and -- and totally different. Maybe if this feelings won't go away, I should stop running to this.   "Shut up Kyle! Ayoko sa mayab --" "You shut up Kate."   And then.. The rest is history.. Charing! Oo na! Ito na nga oh, idedetalye ko na. He kissed me again to shut me up. I tasted the mud -- it tastes good savoring it with him. #MedyoDirty but I don't care atall. This is the best kissed I ever experienced, and I guess I will always remember this for the rest of my amazing life.   Maybe this being clumsy thing are not just a bad luck that strikes you in times you aren't prepared. Maybe the destiny used it to become your life more extremely different from the others, and may leads you into an extraordinary experience. ------------------------------------------------   @All Rights Reserve 2015 Irah Punzalan (Koolkaticles)! Bumangon ka na dyan!!!"   Huh?! Hala?! Nako!!!   Biglang bangon ako ng kama ko pero sa sobrang usog ko sa uluhan ng kama ko, nauntog ako sa headboard. "Aaargh.."-Tuluyan tuloy nagising ang diwa ko sa lakas ng pagkakauntog ko. Ang sakit!   *Blag! Blag! Blag!* "Hoy Kate! Ano ba?! Kanina pa kita ginigising dyan!"-Bulyaw pa ni mama. Napakabungangera talaga. "Heto na po!"-Sagot ko nalang at bumangon na ako. Sayang naman yung panaginip ko! Palagi nalang hindi natutuloy dahil bunganga kaagad ni mama yung nagwawang-wang!     Palagi akong nananaginip na isa daw akong napakagandang prinsesa sa isang napakagandang pagdiriwang. Lahat ng tao ay nabibighani sa akin at may nag-ayang magsayaw sa akin na napakagwapo at matikas na prinsipe. At nung hahalikan na dapat niya ako, ayun! Bunganga na ni mama ang bumubulabog! Hays.   Diretsong banyo nalang ako at naligo. Ready for school again. "Mama ano pong --waaaah!!!" Medyo nagmamadali kasi akong bumababa ng hagdanan kaya nitong dalawang huling baitang na lamang ay nadulas pa ako. Tsk! Plakda na naman ang pwet ko sa sahig. Suking-suki ako nito ah. "Pambihira ka talagang bata ka. Ang aga-aga, yung sahig ang pinupuntirya mo!"-Bwelta pa ni mama habang naghahain ng almusal. Sanay na kasi siya sa kagaslawan ko. Lumapit ako sa mesa para tulungan siyang maghain pero -- "Ako na 'nak, maupo ka na dun. Baka mabasag mo pa itong mga plato. Kabibili ko lang nito kahapon."-Saad lang ni mama sa akin. "S-sige po.."-Sagot ko naman sabay upo na. Medyo hindi ako pinapakilos ni mama sa bahay, imbes daw na luminis at mawala ang mga kalat, lalo daw nadadagdagan. Kagaya nalang pagbasag ko ng mga plato, baso at tasa sa tuwing maghuhugas ng pinagkainan. Ang ending, si mama din daw ang magliligpit. Kaya siya nalang ang gagawa kaysa makasira pa ako. Hindi ko naman ginusto yun eh. Madulas talaga ang sabon noh! "Alis na po ako ma!"-Pagpapaalam ko na. "Oh ingat ka 'nak! Tatanga-tanga ka pa naman!"-Kahit basag ako palagi dyan kay mama, mahal na mahal ko pa rin yan. "Opo!"-Sagot ko nalang at humarap na ako sa pinto, pero bigla akong bumanga dun kasi sumara kaagad. Hays. Nang makarating ako ng school ay kaagad namin tinapos ng mga group mates ko ang project naming handcrafted medicine cabinet sa Home Economics. Lakas maka-Elementary pa ng peg. Eh forth year high school na po kaya ako noh. "Kate, dito ka na lang ha? Kami ng magdadala nito kay Sir sa loob ng faculty, baka kasi maaksidente pa ito kapag ikaw pa ang naghawak eh."-Saad naman sa akin ng kaklase kong mukhang walang tiwala sa akin. "Ah.. Okay.."-Hindi ko alam kung ayos ba talagang dahil hindi na ako mapapagod o dahil wala na silang tiwala sa akin. Hindi ko naman sinasadyang matabig yun samesa kaya biglang nahulog at nagkalas-kalas. Well, advantage din pala ang pagiging clumsy kung minsan. Hindi ka na nila pagkakatiwalaan magdala o humawak ng mga importanteng bagay sa takot nilang masira mo ito. Was it a compliment at all?   Naiwan nalang ako sa labas ng faculty room mag-isa. Iintayin ko nalang silang makapagpasa, then saka kami magla-lunch. Palakad-lakad ako dito kasi walang katao-tao sa hallway. Para akong tangang may inaabangan pero okay lang. Since puro glass mirrors ang nasa paligid, nanalamin ako at syempre, nagpo-pose. Mga facial reactions at pose na feeling nagmo-model. Medyo pangarap ko rin ito dati pa eh.   Rumampa rampa ako then nag-pose at project sa mga glass mirror. Alam kong hindi naman ito tagusan sa loob kaya keber lang. Ha ha ha.   "Ehem! Ehem!"   "Ah-- excuse me miss? May interrupt you? Is this the faculty room?" Botcha naman oh! Nakapatuwad pa ako na feeling ko nagtu-Twerk it like Miley ako tapos biglang -- Botcha! Hindi ako makagalaw!   "Hindi mo ba nakikita? Ayan di ba? Ang laki-laki! Faculty Room!"-Pag-aangas ko pa kaso-- Kung di ba ako kalahating tanga eh naka-twist pala ang paa ko kaya pagharap ko sana sa kanya ay -- ay nag-dive lang naman ako sa kanya! Mabuti hindi naman lumayo ang loko at nasalo pa ako. Unexpectedly, napatingala ako sa kanya at parang may kung sinong nag-rumble sa dibdib ko. Nakapasimangot lang siya sa akin habang ako'y napapako sa mga titig niya.   "C -- can you get up?"-Saad niya kaya ako natauhan. Hay putragis! Tumayo ako ng diretso at nagayos ng sarili. "Thanks!"-Medyo sarcastic kong saad. "So lousy, clumsy."-He just said then left. Bah? Ang yabang!   "Whaaaaaaah!!! Putris!!!"-Sigaw ko naman sa hiya! Bwisit! May tao na pala sa likuran ko, nagpatuwad-tuwad pa ako! Tapos tumilapon pa ako sa kanya! Susmaryosep! Parang gusto ko ng magpakain sa buwaya sa hiya! Putragis! Sa sobrang hiya ko, tumakbo na ako palayo dun. Takte! Baka lumabas pa siya at makita ulit ako. Baka hindi ko na kayanin! . . . Makalipas ng pangyayaring yun, namuhay naman ako ng normal, kinalimutan ko na nga eh kaso -- "Okay students, since malapit na ang J.S Prom natin, sisimulan na natin ang pagpa-practice ng cotillion. By height ang partners all over in four sections."-Pag-announce nung isang teacher dito sa school. "So fall in line by your height. Kung sino ang matapat sa iniyo, siya ang magiging partner niyo."-Sumunod naman kaming mga third year at fourth year students. Medyo dulo na ako, hindi naman ako ganun kaliit, pero hindi din ganun katangkaran.   "Okay then, face your assigned partners!"-Utos pa sa amin kaya nagsipagsunod naman kami. Kyeme lang naman ako, kahit sino pa ang -- Oh holy carabao, cacao, bakulaw! Napatalikod ulit ako ng makita kung sino ang partner ko! Takte!   "Psst! Pearl? Palit tayo."-Pasimple kong bulong sa katabi ko. Mabuti't kaklase ko ito. "Huh?! Ayoko nga! Si Lester na kaya ang partner ko!"-Pagmamaktol niya. Napatingin ako kay Lester na ka-year lang din namin pero sa kabilang section. Oo nga pala, long time crush niya ito since first year. Pinangangalandakan niya kasi noon pa! Lumipat ako sa kabila at hindi ko naman personal na kilala ang babaeng ito. Third year palang yata at mukhang boyfriend niya pa ang nakatapat niya. Lucky her. So mas wala akong pag-asang makipagpalitan ng partner!   "Kate? May problema ba? Why you're not facing your partner?"-Pagsita na sa akin ng teacher kaya labag man sa kagandahang loob ko, dahan-dahan akong humaharap sa makakapareha ko.   And you know what? Surprise! It's him lang naman! Oo! Yung lalaking tuod na nakakita sa aking nagpe-perform sa labas ng faculty room! Pamaktol man akong lumapit sa kanya ng pinagsasama na kami, wala naman akong magawa! I thought this event would be so magical, but I guess it was all just in my dream. Argh! Hindi pa naman ako nakasama last year dahil -- alam niyo na ang lola niyo, suki ng aksidente. Nahulog ako sa hagdanan ng school at ayun! Two weeks ding nakabenda ang mga paa at isang kamay ko. Pwede sana akong sumama kaso ayoko namang pumunta doong naka-gown tapos may saklay. Hays.   Napa-rolling into the heavenwards nalang ang mata ko sa kaimbyernahan! So I have no choice! I faced him. Our eyes met and I don't know what to do next. His sharp-looking eyes makes him looks more mysterious and -- and -- I just stood in front of him, a meter away but seems too close. Suddenly, I behave myself. I felt something I can't explain.   "Now, boys, take your partner's hand a do a position like this." Napatingin naman ako sa gurong nagsalita at nakita ko kung anong posisyon nila ng isa pang guro kaya –   "Hey? Why are you looking that way? I'm your partner." Oh shoot! Parang may sudden circuit na dumaloy sa buong katawan ko! Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong hilain papalapit at papakapit sa kanya. Nang harapin ko siya ay parang napako ang mga paa ko, pati na rin ang mga mata ko sa kanyang -- Waaah?! Ano ba 'tong pinag-iiisip mo Kate?! Hinigit niyang muli ang kamay ko at this time, humawak na siya sa may beywang ko na tila may kumapit na dikya sa akin! Grr! Nanlalambot na ako hindi pa man kami nagsisimulang sumayaw. Oh no! Hindi ko alam kung saan ako titingin maiwasan lang ang tingin niya. For sure, kilala niya ako! Kaya siguro lakas trip lang itong makatingin sa akin ng masama. Naman oh!   Nag-practice kami na tila lutang ang pag-iisip ko. Nakakasunod naman ako sa mga steps pero -- "Oops! S-sorry.."-Nahihiya ko nalang saad sa tuwing maaapakan ko siya o hindi kaya biglang nanlalambot ang tuhod ko at napapatiklop ito. Tsk! Buo na ang first part ng sayaw, bukas naman daw ang kasunod na part bago mabuo ng tuluyan ang cotillon.   Matapos ng nakaka-intense na pangyayaring yun, nagmamadali na sana akong umuwi kaso -- "Hoy babae!" "Ay putakte!" Napatigil ako sa pagtakbo ng may gumulat sa likuran ko. Hinarap ko naman yung hinayupak kung makasigaw, at talaga nga namang sinuswerte ako!   "Oh? Kailangan mo?"-Pagtataray ko. He just smirk. Ang hangin talaga. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya. Problema nito? "Bukas ng lunch break. Sa rooftop, huwag kang mahuhuli ah?" Straight ahead niya saad habang naglalakad at nilagpasan pa ako! Uhh? "H-hoy?! Pinagsasasabi mo?!"-Singhal ko pa pero hindi na niya ako nilingon. Bwisit na yun ah? Bahala siya! Akala niya susundin ko siya? Nek-nek niya! Bleh! . . . Matapos ang pagkain namin ng mga kaibigan ko ay didiretso kaming library para gumawa ng iba pang assignments. We all know namang -- students who works together, graduates together. Ha-ha-ha! "Huy Kate! Ang swerte-swerte mo talaga!"-Cane. "Oo nga Kate. Para kang naglaro ng Russian Roulette tapos natapat sa'yo yung jackpot!"-Tila pa ni Fibi. "Timang! Wheels of color yun! Pero promise talaga Kate, ang bongga mo nung matapat na si Kyle ang partner mo! Havey!"-Lena. Actually, kagabi pa sa f*******: nila ako binubulabog sa Kyle na yan eh. Ibang dimensyon ba ang napasukan ko at bakit ako lang yata ang hindi nakakakilala sa Kyle na yan ah?! "Oh my gosh girls!"-Halos tili na ni Cane kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. "Oh bak-- Oh mah gahd!"-Tila biglang nagpigil naman ng hiyaw itong si Fibi. "Oh my god talaga girls! He's heading this way!"-Kinikilig namang saad ni Lena. Napairap naman ako sa tatlo kasi lahat sila nakatingin sa likuran ko. Kaya papaharap na sana ako -- "Ano bang ino-Ohmergerd niyo dyang mga babaitang --"-Yamot ko pang saad habang papatingin sana sa likuran ko ng –   Oh my God! Speaking of the Devil!   "I told you to come at the rooftop, didn’t I?!"   Oh Lord? Yung totoo? Nananadya ka po?!   Inayos ko ang sarili ko sa gulatang naganap at hinarap siya ng buong tapang. "Bakit naman ako pupunta dun?!"-Pagtataray ko. "Magpa-practice tayo!" Inirapan ko siya at papatalikod na sa kanya. "Busy ako! Saka mamaya may practice din namang -- waaah!!!" "I said, magpa-practice tayo!" "Put me down!!!"-Sigaw ko. Bitbitin daw ba akong parang baboy na bagong katay sa palengke?! Susme?! "Aaah! Ano ba?! Ibaba mo ako!!!"-Pagsisisigaw ko pa pero patuloy lang siya sa paglalakad na para lang akong bimpong nakasukbit sa balikat niya.   "Huuuy girls!!! Tulong oh!"-Pagmamakaawa ko sa tatlo dahil ang mukha ko ay nasa likuran niya. "Bye Kate! See you later!"-Synchronize pang sagot ng tatlo sa akin habang kumakaway at lahat nakabungisngis! Argh! . . . "Argh! Sira ulo ka ba ha?!"-Singhal ko pa sa kanya pagkababa niya sa akin dito sa rooftop. Oo! Buhat-buhat niya ako mula kanina hanggang makaakyat dito sa rooftop! Pambihira! "Ang ingay mo! Baka akalain ng mga nakakita sa atin gagahasain kita kaya kita binibitbit."-Medyo irita niyang sagot sa akin na lalong nakapagpainit ng butchi ko! "Bah?! Kasalanan mo yun! Ganoon ba ang tamang paraan para sumama sa'yo ang babae? Ang lukduhin siya?!"-Singhal ko pa. Tiningnan niya lang ako ng masama at sa isang iglap, natahimik ako. Shemay scary Pero hindi pwedeng magpatinag! Akala niya ah!   "Napagod ako sa bigat mo. Kaya ayusin mo ang pagpa-practice natin."-Saad niya lang pero sinimangutan ko lang siya. Pinaikot ko ang mga braso ko sa harapan ko at tumingin sa ibang direksyon.   Sasama naman ako sa kanya eh, kung maayos siyang kausap. Kailangan pa bang bitbitin ako ng ganun na parang bata?!   Pinatugtog niya ang ipod niya at may mini speaker. Hindi siya prepared infairness! Pinagbigyan ko nalang ang weirdong ito at baka kung ano pang gawin sa akin. Pambihira talaga! Nakabusangot lang ako in whole practice namin. Halos hindi ko siya sa kausapin. Well, ganun din naman siya pero sa hindi ko rin malamang kadahilanan, napapasulyap ako sa weirdong ito. In fairness, gwapings nga siya. At talagang nakaka-OMG ang features niya kung tutuusin. From his messy hair na parang effortless ang pagaayos. Yung tipong bumangon lang at hinawi ang buhok, ayan! Gwapo na. Yung height niya pang model ng Calvin Klein. At yung eyes niya -- argh! Yeah! I admit. It was so tantalizing.   "Hey?" "Uh--"-Para naman akong natauhan sa pagpapantasya -- I mean, pagde-describe sa kanya -- ay ano ba?! Basta! "Okay ka lang?"-Malumanay naman niyang tanong. Hindi sa iniisip kong ganun talaga siya kasamang tao pero seriously?! "Ah -- a-ako?! Ahhh o-oo naman!"-Nagugulantang ko pa ring saad sabay lihis ng tingin sa kanya habang nagsasayaw kami. After nun, wala na kaming naging conversation.   Matapos lang ang dalawang rounds ng sayaw, umalis na ako. At walang makakapigil sa akin! Hanggang sa pagdating sa mga practice naming pang maramihan, naging tahimik lang kami. Ni hindi nga kami nagbabatian. Nagsasalita lang ako kapag pagod na ako o di kaya kapag natatapakan ko siya.   Nung mga sumunod na araw na sinasabihan niya akong mag-practice muli na kaming dalawa lang, tumanggi ako. Pero syempre hindi siya sumusuko. Palagi ko siyang pinagtataguan at kapag nagkakasalubong kami, tatakbo ako ng mabilis. Bahala na kung saan ako makarating. Kapag kinokompronta niya ako sa practice, hindi ko siya pinapansin. Pasok sa kaliwa, labas sa kanang tainga. Dedma!   "Huy girl, bakit ganun ka? Ang taray-taray mo daw kay Kyle?"-Lena. "Oo nga, Kate. Ang harsh mo kay Kyle. Mukha namang mabait yung tao."-Fibi.   Problema ng mga toh?   "Bakit ako?! Wala naman akong ginagawa ah?!"-Depensa ko pa. "Yun na nga!"-Synchronize pa nila saad. "Alam mo kasi, napapansin naming parang gusto ka niyang kausapin eh. Kaso kapag lalapit siya sa'yo, nakabusangot to the max ka na kaagad, alam mo yun?"-Cane. "Duh?! Yun? Mabait?! Ang weird niya kaya! Nakakatakot na nga siya minsan eh. Kung hindi lang siya gwapo, iisipin kong stalker siya!" Natahimik naman yung tatlo sa harap ko. Mukhang gets na nila ako kaya hindi na sila sumagot.   "Saka, ano bang paki niya kung ayaw kong mag-practice na kaming dalawa lang? Nakakailang kaya! At saka talagang nakakatakot."-Tuloy-tuloy ko pang saad kahit na tinatapik na nila ako at pinagdidilatan ng mata. "Kate, tama na."-Diin na saad ni Lena na parang bumubulong. "Bakit ba?! Alam niyo yung parang pagsimangot nga lang ang alam ng mukha niyang ekspresyon? Tapos para siyang ewan na titingin-tingin sayo tapos wala namang sasabihin. Basta! So weird!"-Pagtataray ko sabay kagat ng sandwich.   "Thanks!" Halos mabilaukan ako ng marinig ko ang napakapamilyar na boses. Kahit yata kilometro ang layo niya, kilala kong boses na yun! Napayukong lahat yung tatlo na tila walang mukhang maiharap. Dahan-dahan kong nililingon ang likuran ko at bumungad sa akin ang isang asal bakulaw. Tiningnan niya ako ng mata sa mata at hindi ko malaman ang emosyon niya. Nakakatakot yung minsan ang suplado niya tingnan pero mas nakakatakot pala ang blanko niyang ekspresyon. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Na-offend ko ba siya?   Matapos niya akong titigan, umalis nalang siya ng walang binitiwan pang salita. Napapakagat labi nalang ako dahil sa inasal ko. Parang nakaramdam ako ng konsensya. "Aray ko beh. Sobra ka naman yata.."-Fibi. "Sige, gatungan mo pa."-Cane. "Pero alam mo, grabe ka sa kanya.. May galit talaga?" "I think he doesn't know that he annoys you that much."-Lena. Hays.. . . . Kinabukasan, hanggang ngayon nangangamba pa rin ako kung papaano ko siya mahaharap dahil sa mga nasabi ko. Pero ang ikinabigla ko ay nang magpa-practice na dapat kami ng sayaw, ay iba na ang kapareha ko! Nilingon-lingon ko ang paligid ko at wala akong natatanaw na Kyle dito..   "Ahh excuse me lang ha.. B-bakit ikaw?"-Pagaalangan ko pang tanong. "Ako? Eh pinalitan ko si Kyle. Umayaw na kasi siya."-Sagot naman ng ka-partner ko na ngayon na hindi ko naman kilala.   Hindi ko alam ang dapat kong ireaksyon. Parang naiinis ako na nanghihinayang at -- Oo na! Guilty na ako! Pambihira naman oh! Ganun ba siya kamaramdamin para mag-quit sa J.S Prom? Ang arti lang ah?   Pero kasalanan ko naman..   Oo na! Oo na! Umaamin naman di ba?! Hays.. Matapos ang practice ay diretso uwi na kami. Medyo nakakapanibagong hindi ako nagtatago na ngayon dahil wala ng Kyle na huma-hunting sa akin. Gusto ko sana siyang makita para makapag-sorry, kaso hindi ko siya mahanap. Ako na ngayon ang naghahabol at naghahanap sa kanya. Ay teka?! Iba ang ibigsabihin ko ah?   Bago pa man ako makalabas ng gate, laking tuwa ko ng matanaw ko si Kyle sa may soccer field. Nanakbo ako papalapit sa kanya. Yun nga lang, sa pagmamadali ko, hindi ko nakita ang under construction na man-hole kaya -- pasok sa banga ang lola niyo! Parang nawala ako sa mapa ng pinas sa pagkakahulog ko. Mababaw lang naman ang man-hole pero putikan. Kapag sinuswerte ka nga naman talaga! Umahon ako mula sa kinasadlakan kong putikan at napadungaw muna kung naroon pa siya. Pero nang lingunin ko ay wala ng Kyle doon. Ang engot ko talaga kahit kailan! Hays.. . . . As I walk to the floor going to the party, malayo palang rinig mo na ang maingay na music mula roon. Marahil magsisimula na ang cotillon namin. Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa may pintuan dahil alam niyo na -- naka-high heels ako. Baka dito palang eh umeksena na. With my head I held high and confident, tinulak ko ang two-door ng sabay. At sa pagbukas nun ay tila natameme ako sa nangyari. “Ohh..” "Wow.. Ang ganda niya.." "She's a stunner!" Rinig kong mga komento kaagad nila. Ang dami kong naririnig na nagbubulungan at lahat sila nakatingin sa akin. Nakahawak pa ako sa magkabilang pinto at tila natigilan nalang. Parang gusto kong mangliit sa hiya pero ang mas nakakahiya ay –   "Sino yan?!" Napatingin ako sa kabuuan ng silid. Tila nakakapgtangkang iba ang ayos nito. Ni walang pamilya na mukha akong nakikitang naroon.   Shit! Wrong party! "Ang ganda pa naman niya, sana dito nalang siya sa atin."   Shemay! Wa-poise ako! Dahan-dahan kong sinara ulit ang pinto at nag-peace sign sa kamay ko bago ko pa man ito isara ng tuluyan. Dali-dali naman akong naglakad pabalik sa hallway ng mapagtanto kong mali kwarto nga ng hotel venue ang napuntahan ko! Kakahiya naman! Saang banda ba yung amin? Nakalagay kasi sa signage 3rd floor daw eh. Pagkatingin ko sa signage, Ballroom B palang pala ito! Ballroom C at D ang amin. Susmeh! "Wow Kate! Halos hindi kita nakilala!"-Cane. "Kanino mo pinatrabaho yan ha? Kay madame Ricky Reyes o Rene Salud?"-Lena. "Ano ba kayo girls, face powder lang toh!"-Biro ko pa. "Com'on girls, assemble na daw!"-Fibi. Nagtungo naman na kami sa mga pwesto namin at tumapat sa kanya-kanyang partner namin. Hindi ko alam pero di ba dapat mas masaya ako ngayo't hindi na si Kyle yabang ang partner ko? Pero parang -- Nagsayaw kami ng cotillion na parang lutang ang isipan ko. Parang wala lang. Walang kabuhay-buhay. Pati yung naka-partner ko parang tuod lang. Hindi gaya ni Kyle na napaka-passionate at caring magsayaw. Teka?! Pinagsasasabi ko?! After niyan, ewan ko ba't gusto ko ng umuwi nalang. Mabuti pa sina Cane, Lena at Fibi, may mga #KiligMoments na kasi ang daming nagsasayaw sa kanila mula sa ibang year level at section samantalang ako -- heto.. #ForeverAlone. Alam mo yung para lang akong malaking display at taga bantay ng mesa namin dahil ako lang yata ang nakaupo. Halos karamihan sa mga estudyante at nagsasayaw, pati mga faculty nag-e-enjoy. Buti pa sila. Kaysa magmukmok sa sulok, tumayo na lamang ako para kumuha ng maiinom. Punch juice lang naman ito at hindi rin alcoholic. Pagsasandok palang ako ng juice ay kamuntik ko ng matapunan ang mga pagkain na katabi. Mabuti napigilan ko pa kaso -- "Ugh!" Tuluyan kong natapunan ang mga pagkain ng juice hindi dahil sa kagaslawan ko, kundi may bumangga mula sa likuran ko! "Ano Kate? Masaya ka na? Kung hindi dahil sa kaartehan mo, eh di sana nandito si Kyle ngayon kaysa sa'yo!" Bulyaw sa akin ng hindi ko kilala masyadong babae but I think sa kabilang section siya. Tiningnan ko siya ng masama habang hawak pa rin ang baso ko. "Oo nga! Sana ikaw nalang ang nag-quit instead of Kyle! Tingnan mo nga? Wala namang pumapansin sa'yo dito!"-Sabay irap pa sa akin ng isang babaeng butiki. "Pero kinakausap niyo ako?"-Medyo sarcastic kong sagot. "Give me that!"-Inagaw nung naunang babae sa akin ang punch ko at -- "That! Go home!"-Then they both laugh evilly. Darn it!   Tinapon lang naman ng babaeng yun sa akin ang punch ko! And I think magmamantsa na ito sa baby pink dress ko! Kulay pula pa naman yung punch.   Tumalikod sana ako para magpunta ng restroom pero –   "OH!"   Napatama ako sa mga mesa ng mga pagkain at juices kaya -- nakalog ito at tuluyang natapon sa akin ang isang timba yatang punch!   May mga nabasag din yatang plato at napatingin na sa akin ang karamihan. Agaw eksena ka na naman Kate!   I kneel down to get the things I've dropped but I heard something I could never imagine.   I ripped my dress!   Kaagad kong hinawakan ang tagilirang parte na nasira yata at tumayong muli pero -- nauntog ako sa mesa at nakalog na naman ito kaya tuluyang tumapon sa akin ang lahat ng pagkain roon. May nakasabit pang spaghetti sa ulo ko.   "BWHAHAHAHAHAHAHAHA!" "Woah! Napaka-clumsy mo talaga Kate!"   Halos gusto kong magpalamon sa lupa sa kahihiyang sinapit ko. Naluluha na ako dahil lahat yata ng tao dito sa party ay nakatingin at pinagtatawanan ako. "Oh my gosh Kate!"-Fibi "Hey Kate, are you alright?!-Lena "Com'on!"-Cane Maybe I should always thank these girls for being my life savers. Tinulungan nila akong makatayo dahil basang-basa ako at puno ng mga pagkain sa buong katawan. This is so embarrassing! Inilayo nila ako sa party at tinakbo sa pinakamalapit na restroom.   Galit na galit naman yung tatlo dahil wala man lang daw tumulong sa akin but I guess that was my fault too. "U-uuwi nalang ako girls."-Saad ko.   "What?! No way! Not yet! Halos kauumpisa palang ng party oh!"-Cane "Ano ba kasing nangyari at bigla ka nalang -- alam mo na.."-Lena "Sasamahan ka namin all the time."-Fibi "Thank you sa inyo, pero uuwi nalang talaga ako. Wala na rin ako sa mood ehh. Kalasanan ko naman."-Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yung ginawa sa akin ng mga babaeng butiki. First of all, tama sila. Kasalanan ko kung bakit wala si Kyle ngayon dito. Which is, kinadismaya talaga ng karamihan especially ng mga fans niya yata.   Alam kong naaawa sila sa akin kaya ngumiti ako ng matipid para hindi na rin sila malungkot. Tinulungan nila akong magbihis at mabuti'y may dala akong pamalit dahil mahal mag-taxi pauwi. "Okay ka lang bang umuwi mag-isa? Gusto mo bang samahan ka na naming umuwi?-Lena Umiling ako bago sumagot. "Hindi na. Okay lang ako.." "Aww Kate, sasama na ako!"-Fibi. Yumakap pa siya sa akin. "Ako rin!"-Cane. At yumakap din sila sa akin ni Lena. "Okay lang ako. Enjoy your night."-I insist. But deep inside, gusto ko ng maiyak dahil ang pinangarap kong magical night ko, nauwi na naman sa disaster.   Pinabalik ko na yung tatlo sa party. Ayoko talagang masira ko ang gabi nila. It's not all about me.   Dahan-dahan pa akong sumisilip sa labas ng restroom para walang makakita sa akin palabas. Dinudungaw ko ang ulo ko at linga-linga sa paligid pero --   "What are you doing there?!"   "Ay kabayo!"   Dahan-dahan akong napalingon sa gilid ng pinto at -- at halos gusto kong humiyaw sa gulat.   "K-K-Kyle?!"- Poker face lang siya sa akin at hindi ko talaga ine-expect ang pagsulpot niya. "Sino pa ba? Anong ginagawa mo ---" Natigilan siya dahil lumabas ako sa pinto ng restroom na naka-shirt at pants nalang. "H-hindi ka--" "Hindi na."-Mahina kong saad. I look at him and surprisingly he's looking at me too. Ngayong nakita ko siya dito, ito na ang pagkakataon ko.   "I -- I'm so sorry, Kyle. I didn't mean what I've just said about you."-Nagsusumamo kong saad. Napayuko nalang ako sa hiya sa kanya. I admit, hindi talaga maganda ang mga sinabi ko tungkol sa kanya. "Hmm.. I won't forgive you."-Napatingala ako sa kanya at ngayon ko lang napansing naka-todo bihis pala siya. Naka-suit and tie at nakataas ang buhok na lalong nakapagpa-gwapo sa kanya! Oh my! I'm drooling over him. "I won't forgive you unless -- unless you would dance with me." "Ha-huh?!" Bago pa ako makareklamo, hinatak na niya ako at wala na akong nagawa. Ang laking tao kaya nito.. Pero -- Bago pa man kami huminto, nasaludsod ako kasi ang bilis niyang maglakad. Good thing hawak niya ang kamay ko kaya hindi ako tuluyang natumba. Dinala niya ako sa -- sa party namin?!   OO! Dito nga!   "Oh Kyle? I thought --"-Pagsalubong ng isang teacher pero nilagpasan niya lang yun at syempre, hatak-hatak niya ako. "Huy? Ano ba? B-bakit mo ba ako dinala dito?!"-Pasimple kong tanong dahil pinagtitinginan na kami. Ang buong akala ng lahat ay hindi na makakasama si Kyle dito at ako naman ay umalis na dahil sa insidente tapos –   "Gusto mong makabawi di ba? Be my first dance then."-Diretso niyang sabi na halos ikabagsak ng panga ko sa lupa. "A-ako?!" Bago pa man ako makapalag muli, hinatak niya ako at nagtungo ng dance floor. Hindi pa nakutento, gumitna pa talaga kami! Nakita kong gulat na gulat din akong nakita nila Fibi, Lena at Cane pero wala naman akong magawa.   "Ano ba?!"-Pagpumiglas ko pagkadala niya sa akin dito. "Kung gusto mong makaganti sa akin, ayan na! Masaya ka na bang napahiya na naman ako?"-Singhal ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. "Shh.. Why would I do that?"-He sweetly said at biglang nag-play ang panibagong music sa paligid. He holds me like we're the only persons in this dance floor. Our body began to move as we sway to the music.   "I said, I'm sorry na.. Hindi mo naman na siguro ako kailangan ipahiya pa ng ganito sa --" "Shh.. Hindi kita pinapahiya. Gusto ko lang malaman ng lahat na isang katulad mo, hindi dapat ikinakahiya." Bigla akong napatingin sa kanya na halos iluwa ko na ang mga mata ko. Pinagsasasabi nito?   "I-- I'm sorry Kate. Dapat mas naging matapang ako. Sana noon pa, nasabi ko na sa'yo ito."-Natatameme naman ako sa kanya. He looks at me and smiles, and I swear it was so intimidating! "I -- I -- like -- you Kate, since then. But I'm just afraid that you -- that you might not even like me too. The time I've heard all the things you've said about me, I admit I got mad and -- and devastated.."-Halos maluha naman ako sa mga sinabi niya. Parang kahit sinong nasa lugar ko, mararamdaman ang sinseredad niya. "D -- doon ko nalamang w -- wala na siguro talaga akong pag-asa. Ni hindi mo nga ako siguro kilala noon."-Dagdag pa niya. At nakadama naman talaga ako ng pagka-guilty. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, para akong kinukuryente at dumadaloy pa yun mula ulo hanggang paanan ko.. "I -- I'm sorry Kyle. Nung una -- oo totoong hindi kita halos kilala. Akala ko hambog ka at mapresko pero -- pero hindi pala. Sorry dahil hindi ko binigyang pansin ang malasakit mo dahil nahihiya ako."-Napayuko naman ako na parang napahiyang bata nang maalala ko una naming pagkikita. "Shh -- okay lang.." Ang lamig talaga ng boses niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin ulit sa kanya kahit nilalamon pa rin ako ng hiya ko. Alam ko lang ay nakatitig ako sa kanya na parang nahi-hypnotize tapos -- Naramdaman ko na lamang na may napakalambot na dumampi sa labi ko at parang bigla huminto ang nasa buong paligid ko. Ang tugtugin, ang mga tao pati na rin ang oras. Biglang nahinto ang mundo ko sa pangyayaring iyon. Lumayo siya ng bahagya sa akin pero ako'y patuloy pa rin na naguguntang. "I'm sorry Kate.." Nahihiya niyang saad at sabay yuko. Ngayon lang ako nakita ng lalaking ganito ang reaksyon. Ang pula ng mga pisngi niya na lalong nagpagwapo sa kanya. Parang gusto kong i-head bang sa sahig ang bangs ko para matauhan dahil pakiramdam ko'y isa lamang itong napakagandang panaginip. "I -- I like you too, Kyle." . . . "Huy Kate! Aminin mo na kasi!" "A -- anong aaminin ko ha? Eh wala naman talaga akong sinabing ganoon noh!" "Narinig ko kaya! Medyo mahina pero narinig ko pa rin yun!" "Narinig mo pala eh, bakit nangungulit ka pa?!" Nako naman oh! Simula nang gabi ng Prom, hindi na niya ako tinantanan patungkol sa huli kong sinabi. Yes! I admit. I said those words to him, but not that loud and clear. At hindi ko na yun uulitin noh! "Uuy.. Yung lovebirds, nagtutukaan na naman."-Pangaasar ni Cane. Napadaan pala ang tatlong babaitang dito sa pwesto namin.   "Umamin na kasi! Para naman may silbi pa ang pagkukunwari.."-Lena. "Pakipot pa, mahal din naman. Landeeeh!"-Fibi. Hindi ko alam kung mababanas ako, matatawa o kikiligin eh. Parang sabay-sabay din naman. Ever since that night, he became my stalker. Joke! My admirer? Suitor? I guess. Basta! Palagi niya akong kinukulit na may gusto din daw ako sa kanya! "Bakit ganito itong kaibigan niyo? Halata naman na, umaarte pa?"-Tila para siyang nagsusumbong na bata dun sa tatlong gatong. Sabay-sabay kunwari walang alam yung tatlo at ngiting nakakaloko na parang kinikilig pa. "Hmm! Hashtag! Pakipot.com!"-Sigaw nila sa akin. "Sige! Magkampi-kampi pa kayo! Makalayas na nga!"-Sabay walk-out ko. Pero charing lang yun. Kinikilig na kasi ako. Baka nga ang pula-pula ko nga ngayon eh. "Uy Kate!" Pahabol na sigaw ni Kyle pero imbes na huminto ako, nanakbo pa ako lalo. Pero -- "Aaah!" For the mother-father sake! Bakit ba sa tuwing kailangan kong magmadali, tinatamaan ako ng kamalasan?! "Ayan kasi.. Tsk tsk!" Nag-dive lang naman ako sa putikan. Na naman! At ang magaling na Kyle ay tinitingnan lang ako. Argh! "Hmn. *smirk* you know what? You know you can't get away with this."-He mischievously said pointing me. I look at him even knowing that I had mud all over my beautiful face.   "Tss.. You can't get away from this."-I mimicked him. "Whatever Ky--"   Oh my boy!   "Stop acting like you don't, if I know, you're dying to get me."   I froze. Totally! There's a bit mud on his lips because he -- he kissed me! Omergerd! Is it real?!   "It tastes not really good but the kiss are worth the flavor."-He smiles and I still can't move! Tumayo siya at hinaya na ang kamay sa akin. "Get up clumsy! Hindi mo naman siguro gustong mag-stay diyan?" Kahit tulaley pa ako, keber lang. Hindi ko magawang ikilos ang katawan ko matapos ng ginawa niya. Para akong ginulat ng sampung tsonggo at hindi na naka-recover.   Kinuha ko ang kamay niya at pinilit itukod ang mga paa ko pero --   Putikan po ito, madulas at medyo mabaho kaya --   "Oops?! Wooaah ---"   *Splashk!*   Sweet na sana ang momentum kaso -- kaso sa putikan mga ateng ehh. Pagkakuha ko ng kamay niya at tukod ng mga paa ko patayo, nadulas pa rin ako at ang masama nadamay ko pa siya. Malay ko bang lampa pala ang isang ito? Napadulas pa ako at la-landing sana ang likuran ko sa putikan na naman pero nadala ko siya. At ang epic pa, nakapatong pa siya sa akin na parang – "Uyyyyy! Kaya pala nag-walk out para maglambingan sa putikan!"-Rinig ko ng patutsada ni Cane. "Ang sweet na sana, ang dirty nga lang. Hahaha."-Fibi. "Hahaha! Tama na girls, nakakaistorbo na tayo sa trip nilang magtampisaw sa putikan. In fairness kay Kate ah, may originality. Wag ka!"-Lena. Kapag talaga si kamalasan ang dumapo sa'yo, hindi ka na lulubayan!   Kaagad kong itinulak si Kyle para makatayo na pero for the record, nadulas na naman ako at ako naman ang pumalakda sa kanya.   "Hahahaha! Perks of being a clumsy!"-Lena "Luma-love life!"-Cane "Check!"-Fibi "Hahahahaha!"-At nagtawanan ng walang hanggan yata ang tatlong bruha sa buhay ko pero mahal na mahal ko, saka nagsipagalis at iniwan kami rito. Hindi man lang talaga kami tulungan.   "I told you, you will never get away from this."-He smiles and then hugs me. It felts good and -- and totally different. Maybe if this feelings won't go away, I should stop running to this.   "Shut up Kyle! Ayoko sa mayab --" "You shut up Kate."   And then.. The rest is history.. Charing! Oo na! Ito na nga oh, idedetalye ko na. He kissed me again to shut me up. I tasted the mud -- it tastes good savoring it with him. #MedyoDirty but I don't care atall. This is the best kissed I ever experienced, and I guess I will always remember this for the rest of my amazing life.   Maybe this being clumsy thing are not just a bad luck that strikes you in times you aren't prepared. Maybe the destiny used it to become your life more extremely different from the others, and may leads you into an extraordinary experience. ------------------------------------------------   @All Rights Reserve 2015 Irah Punzalan (Koolkaticles)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD