"Natatawa talaga ako sa mga sinabi sa ‘yo ni Dwighty. Masyado talagang seryoso ‘yon," natatawang sabi ng babae sa tabi ko. Nandito na naman kami sa lugar kung saan kami laging napupunta tuwing mananaginip ako.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya, apat na beses ko na siyang napapanaginipan ngunit hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
"Thyra,” sabi niya sa wakas. Alam ko na rin ang pangalan ng babae sa panaginip ko.
“Ang epic ng mukha mo, Athena!" Naluluha na kakatawa si Ion. Binitin niya ang panaginip ko. Nagising ako dahil sa lamig ng tubig na binuhos sa ‘kin ni Ion. Hindi naman ako mahirap gisingin, sana tinapik nalang niya ako.
"Umalis ka dito." Sinamaan ko siya ng tingin. Nanginginig ako sa lamig dahil may yelo pa ang tubig na binuhos niya sa ‘kin.
"Oy, Athena. Joke lang ‘yon. Isuot mo ‘yang contact lense!" Bakas sa mukha ni Ion ang pagkatakot. Ang ayoko sa lahat, pinaglalaruan ako.
Naipikit ko bigla ang mga mata ko nang may biglang enerhiya ang lumabas dito.
"Muntik mo na akong patayin, Athena!" humihingal na sigaw ni Ion. Unti unti kong binuksan ang mata ko. Anong nangyari?
Tiningnan ko ang kwarto ko. Tiningnan ko ang lugar kung saan napunta ang enerhiyang iyon. Nagkaroon ito ng isang malaking butas. Ako ba ang gumawa nito?
"Akala ko mamamatay na ako. Isuot mo na nga ‘yang contact lense mo,” sabi niya sa ‘kin. Hawak hawak niya pa rin ang dibdib niya. Maski ako nagulat sa nangyari. Isa ba iyon sa mga bagay na kaya kong gawin?
"‘Wag ka ngang magpadalos dalos sa emosyon mo, Athena!" sinigawan ako ni Ion. Damang dama ko na galit na galit siya sa ‘kin. Hindi ko naman sinasadya ang ginawa ko.
Napayuko naman si Ion nang pumasok sa isipan niya ang kaniyang nagawa.
"Sorry…" Hindi ko na siya pinatapos, lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa banyo. Naiinis ako sa kaniya.
Nang bumalik ako sa kwarto ko, wala na si Ion. Mabuti naman dahil magbibihis na ako. Sinuot ko na ang isa ko pang uniporme at nag ayos ng kaunti. Ayoko siyang sabayan sa pagpasok. Wala siyang karapatang gawin sa ‘kin iyon.
Maaga pa kaya't nagulat sa ‘kin ang guwardiya. Wala naman siyang pakialam sa akin kaya't hindi ko nalang siya pinansin. Wala pang masyadong tao sa eskuwelahan, mabuti nalang.
Dumiretso ako doon sa lugar kung saan ako dinala ni Dwight kahapon. Tahimik kasi dito at paniguradong makakapag isip ako nang maayos. Simula nang tumapak ako sa mundong ito, nagkaroon ng maraming palaisipan ang isip ko. Hindi naman sa sinasabi kong nagsisisi ako, siguro nakatadhana na talaga ang pagpunta ko dito.
Saan ko naman kaya makikita ang librong sinasabi ni Dwight? Mukhang kailangan ko ‘yon, hindi para makita ang hinaharap ko. Kun’di upang makita ang mga sagot sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko.
Napahawak naman ako sa noo ko. Muli ko na namang naalala ang mga nangyari kanina. Mukhang isa sa mga kakayahan ko ‘yon. Ngunit ano namang klase iyon? Nakaramdam ako ng inis kanina, naramdaman ko rin ang medyo pag init ng mata ko, matapos iyon may liwanag nalang na lumabas dito at binutas ang sahig ng kwarto ko.
Hindi din ako nasilaw sa liwanag na ‘yon. Ano pa ba ang kaya kong gawin?
Bakit ba hindi nalang sabihin sa ‘kin ng Mreine kung ano ano ang mga kakayahan ko upang hindi ako mapahamak? Bakit nila nililihim ito sa ‘kin. Ang tanging bagay lang na sinabi nila sa ‘kin ay ang mga katagang pinanghahawakan ko hanggang ngayon.
"Hindi ka tao, Iris. Iba ka sa kanilang lahat."
‘Yan ang sinabi nila sa akin. Ayaw ko sa mga tao dahil hindi naman ako katulad nila. At ayokong gustuhin ang mga bagay na hindi naman nararapat sa ‘kin.
Alam ko na kapag pinakita ko ang mga nagagawa ko sa kanila, paniguradong lalayuan nila ako at aayawan. Kaya't mas mabuti pang hindi nalang ako mapalapit sa kanila habang maaga pa.
Ayoko rin sa mahihina. Ayoko sa mga taong kayang kaya namang gawin ang isang bagay, pero pilit paring humihingi ng tulong sa iba. Bakit ba hindi nalang nila iligtas ang sarili nila?
Kung ako ang tatanungin ayokong may ibang taong magliligtas sa ‘kin at poprotekta sakin. Buhay ko ito at sarili ko lang ang dapat tumulong sa ‘kin. Hindi ko kailangan ng ibang tao upang mabuhay.
Nararamdaman ko ring malapit ko nang makilala ang lalaki na nasa panaginip ko. Kanina, bago namin pag usapan ni Thyra ang tungkol kay Dwighty, napag usapan muna namin kung bakit sa panaginip ko lang siya nakikita.
"Bakit ba hindi ka nalang magpakita sa ‘kin?" tanong ko sa kaniya. Tuwing nananaginip ako, saka ko lamang siya nakakausap.
"Sabihin na nating isa ito sa mga kaya kong gawin. Ang maglakbay sa panaginip,” sagot niya. Ibig sabihin, may kakayahan din ang isang ‘to? Maaari rin na isa siya sa mga mag-aaral na kakaiba sa eskuwelahan namin.
"Hindi lang naman ako ang nakakausap mo sa panaginip ‘di ba? Bakit hindi mo rin kausapin ‘yong isa pang lalaki?" tanong niya. Bakit ko naman kakausapin ang taong magiging dahilan ng kamatayan ko? Mukhang hindi na rin naman siya magpapakita sa ‘kin.
"Ayoko siyang kausap,” saad ko na lang. Mukhang ang lalaking iyon ay nandito lang din sa eskuwelahan na ito. Mukhang may kakayahan din siya katulad ko. Kung kaya iyong gawin ni Thyra, kayang kaya rin iyon ng lalaking ‘yon.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog na bumalot sa paligid ko. Dahil sa kuryusidad, nilapitan ko nalang iyon.
"Sino ka?" tanong ko sa lalaking nakatayo sa gilid. Sino naman ang isang ‘to?
Nakita ko ang bag niya na nasa lapag. Binalingan ko siya ng tingin. Para siyang si Dwight kung tumingin ngunit mas malalim siya kung tumingin.
"What are you doing here?" pagbabalik niya ng tanong sa ‘kin. Hindi ko siya sinagot dahil hindi rin naman niya sinagot ang tanong ko kanina.
Nagkatitigan kami. Matagal na titigan. ‘Yong mata niya, parang hinihigop ang pagkatao ko kaya umiwas na rin ako ng tingin.
"Get lost," sabi niya. Inuutasan ba ako ng taong ‘to?
"Nauna ako rito. Ikaw ang umalis,” matapang na sabi ko. Wala siyang karapatang diktahan ako.
"Just get your ass off here,” dagdag niya. Para akong nakatingin sa repleksyon ko. Parehong pareho kami ng paraan ng pag sasalita. Mukhang hindi magpapatalo ang isang ‘to. Ganoon din naman ako, kaya wala ring mananalo sa ‘ming dalawa.
Nageexist lang naman ang pagkatalo kapag sumuko ka na.
Umalis na ako sa harapan niya at naupo nalang sa lugar medyo malayo sa kaniya. Ayoko nang makipag usap sa walang kwentang tao katulad niya. Nakita ko namang umupo nalang din siya at tumingin sa langit. Akala ko pa naman makakapagsolo na ako dito.
"Why don't you just get lost?" tanong niya sa ‘kin. Hindi naman siya ganoon kalayo kaya't naririnig ko pa rin ang sinasabi niya. Hindi ko siya sinagot at tumitig nalang din ako sa kalangitan.
"Do you have any plan answering my damn questions?" tanong niya. Sa totoo lang, kung isa akong normal na tao, matatakot ako sa boses niya. Hindi ito malaki ngunit napakalamig sa pandinig ng boses niya.
Naramdaman ko nalang na lumapit siya sa akin. Bakit ba ako ginugulo ng isang ‘to?
"This is my place,” may diin na sabi niya. Nakita ko sa lapag ang isang ukit. Nakaukit dito ang 'Z'. Mukhang ito ang kapital ng pangalan niya.
"You are the first person who had the guts to show your f*****g face in my territory. Everybody knows that this is mine." Malamig ang boses niya ngunit madaldal din pala ang isang ‘to. Para siyang si Daldalita, kahit hindi ko naman kinakausap, patuloy pa rin sa pag kausap sa ‘kin.
Ang pinagkaiba lang nila ni Daldalita, ay mas gusto ko ang lalaking ‘to. Matatakot ka talaga sa tingin niya. Ang presensya niya, masyadong malakas. ‘Yong tipong parang mawawalan ka ng karapatan na lumapit sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla siyang humiga sa hita ko. Napatulala ako sa ginawa niya. Anong ginagawa ng nilalang na ‘to?
"I want to sleep,” sabi niya. Ilang minuto lang, naramdaman ko na na tulog na siya. Bigla siyang humarap sa ‘kin. Ang ganda ng mukha niya kapag tulog. Nakakatakot kasi siya tuwing mumulat siya at titingin sa mata ng isang tao.
Hindi ko namalayan na hinahaplos ko na pala ang buhok niya. Ganito kasi ang ginagawa sa ‘kin ni Ion tuwing hindi ako makatulog.
Inaantok na naman ako. Ang aga kasi akong ginising ni Ion.
Nagulat ako sa nakita ko. Nandito na naman ako sa panaginip ko, kaharap ko ang likod ng lalaki sa panaginip ko. Gusto kong tawagin si Thyra ngunit mukhang wala siya rito.
Tuwing mananaginip kasi ako, si Thyra lagi ang bumubungad sa ‘kin. Kaya mukhang hindi siya nananaginip ngayon.
"Is it beautiful?" Biglang nagsalita ang lalaki. Ako lang naman ang nandito kaya mukhang ako nga ang kinakausap niya.
"Oo," sagot ko. Marami parin namang magagandang bagay sa realidad. Sadyang nakatago lang ang mga ito.
"Then, why do almost all people want to escape this?"
"People always thought that reality is a big mess. But actually, it isn't," sagot ko. Katulad ng lagi kong sinasabi, ang mga tao ay laging nakafocus sa mga negatibong bagay.
"It's a mess, Iris,” dugtong niya. Hindi magulo ang mundo. Sa pananaw ng tao, oo. Pero para sa akin, hindi. At kahit kailan, hindi naging magulo ang mundo.
"It is not,” sagot ko. Wala naman akong pakialam kung ‘yon man ang pananaw niya sa realidad. Iba iba ang nasa isip ng tao. Dito nila nasasabi na magulo ang mundo. Ngunit sa katunayan, ang utak ng tao ang nagpapagulo sa mga bagay bagay.
Kung hindi nila iisipin na negatibo ang mundo. Walang magiging negatibo. Bunga ng utak natin ang lahat ng bagay.
Bakit ko ba kasi sila kailangan pang isipin? Sana kasi nagkaroon nalang ako ng sarili kong planeta.
"Listen to me, Iris," sabi niya, akala ko haharap na siya ngunit hindi pa pala. Gusto mang makita ang mukha niya ngayon, may nagsasabi sa akin na huwag muna dahil hindi ito dapat mangyari ngayon.
"When the time comes, you're going to regret that you once believe the illusion of this world. In the future, you're going to see this in its negative side,” wika pa niya.
"Changes are the only permanent thing in this world. So don't expect that your perception won't change," pagpapatuloy niya. Alam ko.
"Kailan kita makikilala?" pagbabago ko ng tanong. Ayoko nang pag usapan ang mga bagay na mangyayari sa ‘kin. Siya ang sumulat ng libro tungkol sa hinaharap ko kaya alam kong mangyayari nga ang sinasabi niya.
"It's for you to find out,” wika niya. Oo na, ako na ang dapat umalam.
"Just remember our conversation." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Wala akong kakalimutan ni isa doon dahil importante iyon.
"Nasaan nga pala ang libro?" Tinutukoy ko ay ang librong sinulat niya para sa akin.
"Obviously, it's in my hands, that book has only one copy," sabi niya. Mukhang mahihirapan ako sa paghahanap ng librong ‘yon. Kailangan ko munang makilala kung sino ang lalaking ‘to bago ko makuha ang librong ‘yon.
Nakakatawa namang isipin na kausap ko ngayon ang lalaking papatay sa akin.
Gusto ko nang dumating ang araw ng pagkikita namin.
Nagising na ako, muntik ko nang makalimutan na may lalaki nga palang nakahiga sa hita ko. Unti unti namang bumukas ang mga mata niya kaya umiwas ako ng tingin.
Tiningnan ko ang oras, tapos na pala ang klase ko kay sir Arthur.
Bumangon na ang lalaking lapastangang ginawang unan ang hita ko. Sumandal ‘yong lalaki sa dingding na pinagsasandalan ko rin. Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa damuhan. Tiningnan ko siya at nagulat nang nakatingin rin siya sa akin. Matapos nito ay ngumisi siya sa akin.
"Zephyr!"