"Zephyr!" nakangiting tawag ng isang babae sa lalaking katabi ko.
Zephyr pala ang pangalan nito. Unti unti lumapit sa ‘min ang babaeng napakaganda ng ngiti.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kaniya ni Zephyr.
"S’yempre hinahanap ka. Bakit hindi ka pumasok sa klase?" tanong ng babae. Mukhang hindi naman ako napapansin ng babaeng ‘to. Nasa lalaking ito lang kasi ang tingin niya.
"Hindi ko obligasyong sagutin ‘yan, Mya," sabi ni Zephyr sabay tayo. Tumitig siya sa ‘kin at sinamaan ako ng tingin. Bigla nalang siyang umalis at iniwan kaming dalawa nitong babae. Aalis na rin sana ako kayalang bigla akong niya akong hinawakan sa kamay.
"Girlfriend ka ba ni Zephyr?" tanong niya. Umiling ako.
"Ah, ako si Mya." Inilahad niya ang kamay niya. Hindi ko nalang pinansin ang kamay niya at tinitigan siya sa mata.
"Wala akong pakialam."
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Sino bang hindi? Maayos ang paraan ng pagpapakilala niya tapos ‘yon ang igaganti ko sa kaniya. Anong magagawa niya? Wala talaga akong pakialam sa kanya.
Umalis na ako, samantalang siya, naestatwa na doon. Gulat na gulat.
"Athena! Saan ka galing? Grabe, akala namin may sakit ka kaya hindi ka pumasok. Hinahanap ka kasi kanina ni Sir Arthur," salubong sa ‘kin ni Daldalita. Bakit ba nabuhay pa sa mundo ang isang ‘to?
"Oo nga pero ayos lang, katabi ko naman si Dwight kanina!" impit na sigaw ni Manok. Kinikilig siya sa lalaking ‘yon?
"Tara sa canteen!" sabi ni daldalita sabay hila sa braso ko. Sasama nalang nga ako sa kanila. Wala naman akong magagawa dahil hawak na nila ang mga braso ko.
"Oy, Lian. Libre mo naman ako oh. Bente lang baon ko ngayon tapos na kasi sa pagkoconstruction si tatay." Nadama ko ang emosyon ni Daldalita. Nakangiti siya at mukhang nagloloko lang ngunit nadama ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Hay, ano pa nga ba? Pasalamat ka rich kid ako!" sigaw ni manok. Iniwan nila ako sa lamesa at bumili na sila ng pagkain. Wala naman akong ganang kumain.
Ilang minuto lang, nakabalik na rin naman agad sila. Masyado na akong naiirita sa nakikita ko. Napakadaming tao ang nandito sa loob ng gusaling ito.
"Oh, ayan binilhan ka na rin namin ng turon. Masarap ‘yan,” wika ni Manok sabay bigay sa ‘kin ng isang pagkain na kulay brown. Bago sa akin ang mga pagkain dito dahil hindi ako nagugutom noong nasa Mreine pa ako dahil sa mga injections na nilalagay nila sa akin.
"Omg!" mahinang sigaw ni Jensen at Lian. Bakit nanaman ba sila sumisigaw?
"Athena, ang pogi tingnan mo!" malakas na bulong sa ‘kin ni Daldalita. Dahil wala akong pakialam sa kanila, hindi ko tiningnan ang sinasabi niya.
"Lumalapit siya." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni manok.
"Athena." Napa angat ang ulo ko at nagsalubong ang dalawang mata namin.
"Mag usap naman tayo," pakiusap niya sa akin. Wala naman kaming dapat pag usapan ng lalaking ‘to.
"Sorry sa nagawa ko kaninang umaga, hindi ko sinasadya. Promise, hindi na talaga kita sisigawan,” nangangakong sabi niya sabay taas ng kaliwa niyang kamay.
"Oo na. Umalis ka na," pinal na sabi ko sa kaniya. Nginitian naman niya ako ng malapad.
"‘Yon oh! Bait mo talaga sa ‘kin. Bye!" nakangiti niyang turan kasabay nito ang kaniyang pag alis.
"Athena, sino ‘yon?" tanong sa ‘kin ni Manok. Kailangan ko bang sagutin ang walang katuturang tanong niya?
"Hoy, akin kaya siya!" sigaw ni Daldalita. Pinag-aagawan ba nila si Ion?
"Nagnanasa kayo kay…" Muntikan ko nang makalimutan na kuya ko nga pala siya ngayon. Nakakairita.
"Kuya Ion?" tanong ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila.
"Kuya mo ‘yon?!" Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses nila.
"Tanggalan ko kaya kayo ng dila?" Bakit ba salita nang salita at sigaw ng sigaw ang mga ‘to? Hindi naman nila kailangan, ginagawa pa rin nila.
"Ay, sorry na," sabi ni manok sabay gumawa ng letrang V sa daliri niya.
"Ion ‘yong pangalan niya? Wow, ang ganda naman,” dagdag pa ni Daldalita.
"Crush ko na siya!" tili ni Manok. Umalis na ako dahil baka tanggalin ko na talaga ang mga dila ng dalawang maingay na ‘to.
Nagpunta nalang ulit ako sa lugar na tinulugan ko kanina. Gusto kong makitang muli yung Zephyr na ‘yon. May kakaiba sa pagkatao niya.
Kayalang, mukhang wala siya rito kaya umalis nalang ako. Papasok na nga lang ako sa klase ko. Bumalik na ako sa department ko. Sa kasamaang palad, nakasalubong ko si Manok. Bigla niya akong hinigit papalayo sa building na ‘yon.
"Samahan mo naman ako sa CR. Ihing ihi na ako!" sabi niya sa ‘kin habang tumatakbo kami. Huminto kami sa isang pintuan at pumasok kami.
Sumalubong sa ‘kin ang repleksyon ng dalawang babae. Teka?
Umalis na si Manok dahil naiihi na raw siya. Lumapit ako sa babae, parehong pareho kami ng galaw.
Ako ba ito?
Hinawakan ko ang mukha ko. Sa wakas, nakita ko na rin kung ano bang itsura ko.
"Ano, Athena? Manghang mangha sa salamin?" Lumabas si manok saka sinabi iyon. Tinitigan kong muli ang itsura ko sa salamin bago kami umalis. Nakakamangha.
"Good morning, class," bati ni Prof. Antonette.
"Okay, our topic for today is not related to Genetics," pagpapatuloy niya. Nakinig nalang ako dahil wala naman akong magawa.
"We're having a discussion." Napaayos naman ng upo ang lahat, including me.
"Were having a discussion regarding fantasy versus reality. Since you're only 14 in this room, you will be divided into two."
Sinabi ni niya kung sino sino ang magkakagrupo. Kagrupo ko si Manok. Siya lang ‘yong narinig ko na kagrupo ko kaya sinundan ko nalang siya.
"Group one, reality," sabi ng prof. sa kabilang grupo.
"And for you, fantasy,” sabi niya sabay turo sa ‘min. Fantasy? Mukhang napakahirap naman noon.
"Start." Wala naman siyang ibang sinabing directions kaya mukhang malaya kaming gawin ang kahit na anong bagay na gusto namin.
"Reality, this is our world," pagsisimula ng kabilang grupo.
"Reality is the thing that we can never escape. Yes, for some people, reality is messy and not cool. But still, it’s our truth," sabi ng isang lalaki. We have the same perception.
Tinuro niya ang grupo namin kaya sumagot na ako.
"Fantasy was created because of the stupidity of reality. Yes, we have different perception about that thing but I know that almost all of the human being wishes to live in the fantasy. We created it. You created your own fantasy to escape from your reality. Then, why are you still here? We don't need you here Mister. You're just fooling yourself,” sabi ko. Ito ang pinakamahabang salita na nasabi ko sa buong buhay ko.
"Because I chose to live in reality even if it's hard for me to understand all the shits in this world,” saagot niya.
"Did you know that you can live in the fantasy? Literally." Napakunot naman ang noo nila kaya pinagpatuloy ko.
"Chaos in our reality is the fruit of our mind. So if you can make the real reality a messy one, why don't you make your reality a fantasy?" tanong ko sa kaniya.
"Athena, how do say so? That our mind created the reality?" tanong ng isang babae na wala akong balak kilalanin.
"Our mind is very powerful, if you wish to see a thing, your mind will automatically create images. So, if you think negative things, everything you do will be negative. Our fate depends on our mind. Everything depends on this," sabi ko sabay turo sa utak ko. Bigla ko tuloy naalala yung pagkuha ng Mreine ng kapiraso sa utak ko. Ano naman kayang ginawa nila roon?
"Going back to our real topic, you're living in the reality and just accept that fact." Sabi ni Daldalita. Nalibang na siguro sila sa konsepto ng utak kaya nakalimutan na nilang reality vs. Fantasy talaga ang dapat naming pag usapan.
"That isn't the fact, Daldalita. The fact here is we can do anything we want to do. We are free to think and make things,” saad ko sa kaniya. Nakita ko namang kumunot ang noo niya.
"Bakit naman Daldalita ang tawag mo sa ‘kin? Jensen kasi!" pasigaw niyang tanong.
"Because I want to,” sagot ko. Napakawalang kuwenta talagang kausap nito.
"I want to ask you a question. Is your life meaningful or just plain example of happiness?" tanong ko sa kabilang grupo.
"I'm happy," sagot niya.
"Then, you're living in the fantasy," sabi ko.
"How do you say so?" tanong nilang lahat.
"Because we created fantasy for us to be happy. So, happiness is in the fantasy. And you're now living in it," sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"The same with having a meaningful life. It's just like living in the fantasy. But if you answered both then congrats, you're living in the reality," sabi ko.
"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ng lahat.
"Find it out yourself," sagot ko. Hindi lahat ng sagot sa mga bagay bagay dapat malaman kaagad ang sagot.
Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Walang nagbalak magsalita.
"But don't worry. I'm in the reality, and it's more amazing than having your life in fantasy. I'm free to do anything if I'll stay here," sagot ko na ikinagulat ng lahat
Tumayo si Prof. Antonette at pumalakpak.
"Take your seat, everyone." Agad siyang sinunod ng lahat.
"I like the way you think. You're all good in defending yourselves," puri niya. Nginitian niya ako ng mapadako ang tingin niya sa ‘kin.
"I like your perception about life," pagpapatuloy niya. Hindi ko nalang siya tiningnan at tumingin nalang ako sa bintana. Mas maganda pang tumingin dito kaysa sa kaniya.
"This is what I'm trying to imply to all of you. I know from the very start that Athena doesn't believe in fantasies. That's why I put her in the fantasy group. That's just the name of your group I never thought you won't get that." sabi niya sabay tawa ng mahina. Well, she's wrong. I believe that fantasies exist but I don't like the idea of that.
"She defended her perception. And I like her for being true to herself. You don't have to change your stand to earn things. Be you, and you'll be perfect," sabi niya.
"I like you, Athena. You're pretty cool,” sabi niya. Tinanggal ko ang tingin ko sa labas ng bintana at tiningnan siya.
"I don't feel the same way, tho."