Kabanata 8

2134 Words
"Hindi ka muna papasok ngayong umaga, Athena. Pinapatawag ka sa Mreine," sabi niya. Nakabihis na ako ng uniporme tapos ngayon niya lang ito sinabi sa akin. Napilitan akong magpalit ng damit. Lumabas na ako, nakita ko naman sa harapan ng gate namin ang isang kulay pulang sasakyan. "Tara na, Athena,” sabi ni Ion. Mabuti nalang, hindi ko makikita ‘yung dalawang maingay.               Sumakay na ako sa kotse katabi si Ion. Pareho kaming nasa likod. Mahaba habang byahe na naman ito.             Natulog nalang muna ako, gusto kong makita si Thyra. Hindi ko alam ngunit simula nang mapanaginipan ko siya, lagi ko na siyang hinahanap-hanap. "Thyra?" Nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat. "Oh?" malungkot na sagot niya. Anong nangyari sa babaeng ito? "Natutulog ka ba ngayon? Sa totoong buhay?" tanong ko sa kaniya. "Ah? Oo. Mananaginip ba ako kung hindi?" sagot niya sabay ngiti. Hindi pa rin nawawala sa mga mata niya ang kalungkutan. "Nakita na ba kita? Saan?" tanong ko. Simula nang mangyari ang discussion na ‘yon kahapon, napapahaba na rin ang mga nilalabas kong salita. "Oo, sa CR sa school,” alanganing sabi niya. Sa CR? Kahapon lang naman ako nagpunta roon. Saka wala namang tao sa loob no’n maliban sa amin ni manok. "Huh? Sigurado ka?" tanong ko. Imposible naman kasi ang sinasabi niya. "Oo naman,” sagot niya sa ‘kin. Mamaya ko na nga lang iisipin ang tungkol kay Thyra. Mabuti nalang at sinabi niya kung saan, dahil isa nga siya sa mga taong may kakayahan sa school. "Anong department mo?" tanong ko, bahagya naman siyang napaisip. "Biology!" Inaamin kong hindi ko inaasahan ang isasagot niya. Mukhang makikilala ko na rin siya.             Tinitigan ko ang kulay orange niyang mata. Mukhang madali ko siyang makikilala dahil sa mga mata niya. Maliban nalang kung pareho kaming gumagamit ng contact lense. "Bakit natutulog ka ngayon? ‘Di ba may klase?" tanong ko sa kaniya. Mukhang pasaway ang isang ‘to. "Hindi naman kasi ako pumasok ‘no,” natatawa niyang sabi, nakita ko naman na nag iba na ang emosyon niya. Mukhang napapawi na ang kalungkutan niya. "May nakilala akong isang lalaki, Zephyr ang pangalan niya. At aaminin kong hindi ako nakaramdam ng pagka-ayaw sa kaniya kahit tao siya,” sabi ko. Oo, ayaw ko sa mga tao. Ngunit ang lalaking iyon, may kung ano sa kaniya. Gusto ko siya bilang tao dahil magkatulad kami ng emosyon at pagkatao. "Oh? Pogi naman?" Kinunutan ko siya ng noo. "Anong klaseng tanong ‘yan?" Napaka walang kwentang tanong naman ‘yong tinanong niya sa ‘kin. "Sagutin mo nalang,” sabi niya. "Walang ganoon sa akin, para sa akin, pantay-pantay lang silang lahat,” sagot ko. Wala naman kasing pinagkaiba ang mga mukha ng kababaihan at ng mga kalalakihan. Lahat sila mukhang tao. "Wow naman!" Kung ikukumpara ko sa iba naming pag uusap ni Thyra, masasabi kong maituturing ko na siyang kaibigan. Bakit ba hindi ko nalang pagkwentohin  si Thyra tungkol sa buhay niya upang mas madali ko siyang mahanap? "Ikaw? Anong kwento ng buhay mo?" takang tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako. Katahimikan na naman ang bumalot sa paligid. Ilang sandali lang, nagsalita na rin siya. "Parang sa ‘yo lang din,” saad niya. Imposibleng magkapareho kami ng buhay. Iba-iba ang kwento ng bawat isa. "Pumapasok ako sa school, kumakain, inaalagaan ako ng kuya ko, at naweweirdan sa mga bagay bagay,” sagot niya. "Ang boring ng buhay ko,” dagdag pa niya. "Well, my life's not,” sabi ko sa kaniya. Para sa akin, exciting lahat ng bagay na nangyayari sa akin ngayon. "Bakit mo naman nasabi?" nakangiti niyang tanong sa ‘kin. "‘Cause I said so,” tanging sagot ko. Ang haba naman ‘ata ng panaginip ko. Mukhang hindi ako iniistorbo ni Ion. Mabuti naman. "Oo nga pala, nabalitaan ko, napuri ka daw ni Antonette. Wow. Anong nangyari? Kwento ka naman,” namamangha niyang sabi. Walang galang talaga ‘to, Antonette lang ang tawag sa nakatatanda. "Wala. Sinabi ko lang ang dapat sabihin,” saad ko. Pumitas ako ng isang bulaklak at inamoy ito. Mabango.        "Nako, idol na talaga kita. Ang hirap kayang kausapin no’ng Antonette na ‘yon,” turan niya bago ngumuso. Nandiri naman ako sa nguso niya kaya hinampas ko siya sa braso. "Bakit mo ko hinampas?!" pasigaw na tanong niya. "Nakakadiri ang nguso mo,” natatawang sagot ko kaya napahawak siya sa labi niya. "Sama nito,” nagtatampo niyang sabi. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa ‘kin. "Tara, gala naman tayo,” saad niya at sinabayan pa ‘yon ng maliliit na tawa. Seriously? Mag gagala sa panaginip? Tumayo nalang ako at sumunod sa kaniya. Sa isang parke kami nagpunta. Dito din kami nagpunta noong una ko siyang makita. "Bakit mo naman ako dinala rito?" kunot noong tanong ko sa kaniya. "Wala lang.” Bahagya siyang tumawa bago magpatuloy. “May ibibigay lang ako,” dugtong niya pagkatapos ay tumingin siya sa lupa at waring may hinahanap. "Nandito lang ‘yon, e,” naniniguradong sabi niya habang naghahanap. Hinayaan ko nalang siya at tumingin sa paligid. Wala na ang mga tao ngayon dito, hindi katulad noong unang punta namin ni Thyra. "Ayon!" sigaw niya kaya napadako sa kaniya ang tingin ko. Masaya niyang pinulot ang isang bagay at patalon-talon na lumapit sa akin. "Para sa ‘yo,” sambit niya sabay lahad ng isang kwintas. Kinuha ko iyon at tinitigan. May isang pink na pendant sa gitna nito. Kinuha niya ito muli sa akin at isinuot sa leeg ko. "Ayan, bagay sa ‘yo,” nakangiting sabi niya. Muli kong hinawakan ang pendant nito at tiningnan. "Salamat." Kasabay  nito ang pagmulat ng mga mata ko pabalik sa realidad.  "Mabuti naman nagising ka na, nandito na tayo,” sabi ni Ion, tiningnan ko ang paligid, nasa gate kami ngayon ng Mreine. Pumasok na kami sa loob nang bumukas ang pinto. Ano kayang kailangan ng mga ito sa akin? Bumaba na kami ni Ion sa sasakyan at pumasok sa loob ng gusaling ito. Kaya pala napakadilim sa kwarto ko, maging ang kabuuang kulay ng gusaling ito ay itim din. "Para saan ba ito?" takang tanong ko kay Ion. Imposible namang kamustahin lang nila ang kalagayan ko sa mundo. Hindi sila ganoon. Paniguradong may kailangan ang mga ito sa akin. Lagi naman. "Baka kakamustahin ka lang,” hindi siguradong sagot niya. Napailing nalang ako. Imposible. Tuloy-tuloy kaming pumanhik sa itaas. Nasa pinakataas na bahagi ng gusaling ito ang kwarto ko. Ang buong bahagdan ay para sa kwarto ko lamang. Sa ibaba ng kwarto ko ay ang laboratoryo nila Dr. Willows. Ilang araw palang ang nakalilipas simula ng umalis ako dito ngunit hindi ko maitatanggi na lubha akong nangulila sa lugar na ito. "Pumunta muna tayo sa kwarto ko,” utos ko kay Ion kaya pinindot niya ang button papunta roon. Bumungad sa amin ang isang pinto pagkalabas namin ng elevator. Pinindot ko ang mga numero upang bumukas ang pintuan. Nang bumukas ito, bumungad sa amin ang walang hanggang kadiliman at nakamamatay na katahimikan. Nakaka-miss ito. Pumasok ako samantalang naiwan naman si Ion sa labas. Sinara niya ang pinto kaya, kagaya noon, wala na naman akong makita. Ngunit masyado na akong sanay sa dilim kaya lumakad nalang ako patungo sa higaan ko. Kabisado ko ang kinaroroonan no’n dahil dito ako lumaki. Humiga ako dito at pumikit. Gusto ko muling bumalik dito ngunit mas maganda pa rin ang mamuhay sa labas. Kahit na naging komplikado ang nilalaman ng utak ko nang tumira ako sa mundo, hindi ko maipagkakaila na mas gusto ko sa tunay na mundo kaysa sa kwartong ito. Muling bumukas ang pintuan kaya nagkaroon ng kaunting liwanag. Lumiwanag ang buong kwarto nang buksan nila ang ilaw. Hindi na ako nasilaw dahil sanay na ako sa liwanag.  "Mukhang hindi ka na takot sa liwanag, Iris." Nakangiting pumasok si Dr. Willows, sabi ko na nga ba, may kailangan na naman sila sa akin. "Iris, may kailangan lang kaming kunin sa ‘yo." Wala talaga silang kupas. Tatawagin lang nila ako kapag kailangan nila ako. Laruan nga talaga ang turing nila sa akin. "Paano kung ayaw ko?" tanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil kahit kailan, hindi ako nagreklamo tuwing pag-eeksperementuhan nila ako. "Nakaranas ka lang tumira sa mundo, nagiging suwail ka na, Iris. ‘Yan ba ang itinuturo ng mga nilalang na ‘yon sa iyo?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Mukhang nakakalimutan mong tao ka rin Willows,” sabi ko, nahahawa na ako kay Thyra, hindi na din ako marunong gumalang. "Pero hindi ako katulad ng mga mahihinang ‘yon." Bakas ang galit sa kaniyang mga mata. Katulad ko, ayaw niya rin sa mga tao. Ayaw ko sa mga tao, at tao siya. Kaya ayaw ko sa kaniya. "Tao ka pa rin,” nakangising pang-aasar ko. Mukhang nahahawa na ako sa mga bagay na ginagawa ng mga tao. "‘Wag na nga nating pag-usapan ang bagay na ‘yan, Iris. Napakawalang kwenta niyan,” nanggagalaiting sabi niya sabay ngiti muli. "Bakit ka galit sa kapwa mo, Willows?" Nakikitang kong galit siya sa mga tao. Galit na galit. "Mukhang dumadaldal ka ata ngayon, Iris. Samantalang dati, hindi ka namin makausap. ‘Yan ba ang tinuturo sa ‘yo sa mundo?" tanong niya, tumango naman ako para lalo siyang maasar. "Kailangan ka naming kunan ng buto at dugo." Buto? Mukhang masasaktan na naman ako nito. "Bilisan niyo, may klase pa ako,” utos ko sa kanila. Lumabas na ako at naramdaman ko namang sumunod sila sa akin. Sumakay na ako sa elevator. Bago man sila makapasok, sumara na ang pintuan. Ayoko silang kasabay. Nang bumukas ang pintuan, dire-diretso akong nagpunta sa laboratory at nilagay ang password nito. Gulat namang napatingin sa akin ang ibang mga scientist doon, hanggang ngayon, masyado pa rin silang natatakot sa presensya ko.  Hindi ko nalang sila pinansin at nagtungo na lang ako sa silyang lagi kong inuupuan. "We're going to get a little piece of your bone, something is wrong with your brain and we can't see your dreams,” saad ng isang scientist doon. Napangiti ako sa sinabi niya. Kaya pala hindi ako mapakali. Mukhang may kailangan akong nakawin mamaya. "We've decided to do the radiocarbon dating or carbon-14 dating, today,” sabi naman ni Willows. "Carbon dating was developed by my grandmother's brother, Willard Libby,” pagmamayabang niya. Napairap na lang ako dahil doon. Ano naman ngayon? "Radiocarbon dating is a method for determining an object's age,” dagdag niya. Bakit naman nila gagawin sa akin ang bagay na ‘yon? I'm twenty years old, is there something wrong with that? "I don't need your explanation. Just do it,” walang buhay na utos ko kaya napakibit balikat nalang sila at nagsuot na ng face mask. "We will start,” sabi ng isa. Pumikit na lang ako dahil inaantok pa ako, bitin iyong tulog ko kanina sa byahe. Naramdaman ko isang malamig na bakal na dumampi sa baba ng braso ko. Isang kutsilyo na pang-opera. Napapikit ako nang mariin nang bigla nilang hiwain ang balat ko. "Ah,” sambit ko kaya napahinto sila. Bakit parang ang sakit ng ginawa nila? Samantalang sanay na sanay na ako rito noon. Nagawa na nga nilang kumuha ng piraso ng utak ko, ngunit bakit nasasaktan ako sa simpleng paghiwa nila? Oo, hindi ito ganoon kasakit ngunit, hindi ito ang dapat maramdaman ko. "Nakihalubilo ka lang sa tao, naging mahina ka na rin?" panglalait ni Willows. Hindi ako mahina. Saksakin ko kaya siya ngayon? "Ituloy niyo na,” saad ko at pumikit nalang. Pasakit nang pasakit ang ginagawa nila habang bumabaon ang kutsilyo sa balat ko. Kaya ko ‘to. Hindi ako mahina. Napakagat labi ako nang naramdaman ko ang lamig ng bakal sa buto ko. Madali kong maramdaman ang mga bagay. Kahit ang pag ikot ng mundo, nararamdaman ko. "I'll get it now,” sabi ni Willows. Hinanda ko ang sarili ko. Pinigilan ko ang pagsigaw ng kumuha sila ng piraso ng buto ko. Ayokong masabihan ng mahina. "Tahiin niyo na ang hiwa,” utos sa kanila ni Willows. Naramdaman kong tinatahi  na nila ang balat ko ngunit hindi na iyon masakit. Nakahinga naman ako nang maluwag. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang nakararamdam na ako ng sakit? Tumayo na ako at umalis sa harapan nila. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong bakas na nasaktan ako. Malakas ako, at iyon ang pinaniniwalaan nila. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Kailangan ko nang makuha ang bagay na ‘yon sa lalo't madaling panahon. Pumasok ako sa isang pintuan. Hindi ko alam ang password kaya ginamit ko ang kakayahan na alam kong gamitin. Tinignan ko ang pader, nakita ko ang nasa loob nito. Mga kable na magkakakonekta. Pinalutang ko ang isang kable at ikinabit iyon sa isa pang kable. Ilang sandali lang, nabuksan na ang pintuan. Samot saring amoy ang bumungad sa ‘kin. Dito nila dinadala ang mga bagay na kinuha nila sa akin at ang mga bagay na pinag-eksperementuhan nila. Malamang nandito din ang bagay na ‘yon. Hinanap ko ang nakabukod na kwarto kung saan nilalagay ang mga parte ng katawan ko. Pumasok ako dito dahil wala namang password ang pintuan nito.  Tiningnan ko ang mga nakalagay dito, ang ngipin ko, ang dugo ko, ang buhok ko, ang mga tissues sa katawan ko at marami pang iba. Lahat ng bahagi ng katawan ko, mayroon sila. Sa loob ng kwartong ito, mayroon pang isang kwarto. Mukhang dito na nga nakalagay ‘yon. Pumasok ako dito at hindi naman ako nagkamali. Nakita ko na rin ang hinahanap ko. “Something is wrong with your brain and we can't see your dreams.” Wrong move, Mreine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD