"Oh?! Anong nangyari sayo?!" Gulat na gulat na tanong ni Ion pagkauwi ko. "Athena. Sagutin mo ako." Seryoso niyang sabi. Huminto ako sa paglalakad. "None of your business." Sabi ko. Matapos kasi ng laban namin ni Dwight, umuwi na ako kaagad. May dugo ang kamay ko dahil sa dumaplis sa akin kanina. Bukod doon, wala na akong sugat. Masyado lang talagang over acting ang Ion na ito. "I've told you, you are my business. Kagagaling mo lang sa operasyon may sugat ka na naman? Saan ka ba nagpupupunta?!" Galit na tanong niya. "The hell you care?" Inis na tanong ko sa kanya. Naiinis ako kay Dwight tapos dadagdagan niya pa! "Tss!" Sabi niya tapos nilampasan ako at binagsak ang pintuan ng kwarto niya. What the hell is his problem?! "Damn this!" Sigaw ko at pumasok sa k

