Nakatulala pa din ako dahil hindi na naman ako makakilos. Mukhang tama si Thyra kailangan ko ng maipatanggal ang mga bubog na yelo sa katawan ko.
Naghihintay lang ako na may pumasok para mautusan ko siya na dalhin ako sa laboratory. Kayalang isang oras ko ng tinitiis ang sakit wala pa ding pumapasok.
Nakaramdam ako ng konting saya ng bumukas ang pintuan. Mabuti naman.
"Iris." Sabi niya. Hindi ko pa rin makilala kung sino siya dahil hindi niya binuksan ang ilaw sa kwarto.
"Dalhin mo ako sa laboratory." Utos ko kahit wala naman akong ideya kung sino siya. Ang importante ay madala na ako doon dahil sobrang sakit na talaga ng mga sugat ko.
"You're too weak." Napatitig ako sa kaniya at pilit na kinikilala ang boses ng lalaking ito. Hindi siya si Ion at hindi din siya si Dr. Willows.
"I didn't expect this." Sabi niya. Sino ba ang nilalang na to? Kung nakakagalaw lang ako malamang sugatan na siya dahil sa mga pinagsasabi niya. Oo, totoo yun, pero kailangan ba nilang sabihin yun sa akin oras oras?
"Look at you, you can't even move. I'm so disappointed, Iris. I thought I can't easily defeat you in the future because based on the book I wrote for you, you're too powerful." Nagulat ako sa sinabi niya. Si-siya ang pa-papatay sa akin?!
Bakit ba kasi hindi ako makakilos! Bakit hindi ako pamilyar sa boses niya. Hindi ko akalain na pati sa personal ay makikilala ko siya. Buong akala ko sa panaginip ko lang siya magpapakita. Masyadong maaga para magpakilala siya sa akin.
Kailangan kong makita ang mukha niya. Kailangan ko siyang mabagsakin bago niya ako patayin.
"Bakit di mo nalang ako patayin ngayon?" Tanong ko sa kaniya. Kayang kaya niyang gawin iyon ng walang kahirap hirap.
"Because it is not written in the book." Sabi niya. Muling kumirot ang mga sugat ko.
Naaninag ko ang pag labas niya sa pinto. Nasa harapan ko na siya pero wala man lang akong nagawa! Bakit ba nagkaka ganito ako?!
"Athena!" Kasabay nito ay ang pagdaloy ng liwanag sa buong kwarto. Pumasok muli si Ion at tumakbo papunta sa akin.
"Dadalhin na kita sa laboratory." Sabi niya. Parang may humihigop ng lakas ko nanlalabo na naman ang paningin ko.
Napasigaw ako ng buhatin ako ni Ion. Sumakit ng sobra ang tagiliran ko kaya napahawak ako sa kaniya ng mahigpit.
"Kailangan kasing gising ka kapag tinanggal yung bubog." Sabi niya. Kaya pala ngayon lang nila ito tatanggalin ito sa akin.
Sumakay kami sa elevator at nagtungo sa laboratory. Mabuti nalang dumating si Ion dahil kung hindi, malamang sumisigaw na ako sa sakit sa kwarto na yun.
"Iris, paano ka nagkaroon ng mga bubog na yelo sa katawan mo? Sinong gumawa nito sayo?" Bungad na tanong sa akin ni Dr. Willows. Napakadaldal talaga ng lalaking ito. Bakit ba hindi nalang niya simulan ang pagtatanggal ng bubog sa katawan ko?
"Proceed." Sabi ko at marahang pumikit. Sariwa pa ang sugat ko kahit na dalawang araw na ang nakalipas ng matamo ko ito. Sigurado akong masakit ang gagawin nila dahil kahit malalim pa ang sugat ko, kailangan nila itong galawin upang matanggal ang lahat ng bubog na yelo na nakatusok sa iba't ibang parte ng katawan ko.
"You know what, I didn't expect this, Iris." Malungkot na sabi ni Dr. Willows sa akin. He didn't expect na gagamutin niya ako dahil kinukuhanan lang naman nila ako ng kung ano ano sa katawan. Psh.
Hindi nalang ako nagsalita dahil nananakit na talaga ang katawan ko. Mukhang malapit na akong mamanhid sa sakit.
"We will start." Mahinang sabi niya. Hindi ko alam kung talagang mahina ang pagkakasabi niya o sadyang hindi na ako makapandinig ng maayos.
Naramdaman ko ang malamig na metal sa sugat balat ko. Himinga ako ng malalim dahil sigurado ako na masasaktan ako sa gagawin nila.
"Ahh!" Sigaw ko ng pumasok ang metal sa loob ng sugat ko.
"Calm down." Sabi niya sa akin.
'Magpalit kaya tayo ng sitwasyon? Moron!' Gusto kong sabihin kay Dr. Willows yung pero wala akong sapat na lakas para magsalita.
Naramdaman ko ang pagtanggal nila ng isang bubog na nakadikit sa laman ko. How can I endure the pain that's killing me right now?! I think, I can't handle this.
"Wi-willows." Tawag ko sa pangalan niya. Baka ikamatay ko kung ipagpapatuloy nila ang ginagawa nila.
Bakit ba ako nagkakaganito ngayon? Anong nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati.
"Iris, anong kailangan mo?" Tanong niya habang nilalapag ang isang piraso ng bubog na yelo sa isang metal tray.
"I-i can't handle this." Binuhos ko ang lakas ko para lang masabi ang apat na salitang iyon?
"Dominic, kunin mo yung syringe!" Sigaw ni Dr. Willows sa isang tauhan niya.
"I can't believe you! Buong akala ko kaya mo. What exactly is happening to you, Iris?!" Nagpapanic niyang tanong sa akin. Nanghihina na ako kaya hindi ko siya masagot. Hindi ko na din alam kung anong nangyayari sa akin.
Flashback
"Iris. Handa ka na ba?" Tumitig ako sa mga mata niya. Bakit ba tuwing gagawin nila ito sa akin, yan ang lagi nilang tinatanong. Hindi ko nalang yun sinagot at dumiretso nalang ako sa laboratory ng gusaling ito.
"Gawin nyo na yung gusto nyong gawin." Sabi ko sa mga scientist na nakapalibot sa pinto upang salubungin ako.
"Patutulugin ka namin, Iris." Sabi ni Dr. Willow. Tumitig ako sa kaniya pero umiwas lang siya ng tingin sakin. Sanay na ako, wala namang nakikipagtitigan sakin.
"Ayoko. Magsimula na kayo. May klase pa ako." Sabi ko sa kanila.
End of flashback
Ano nga bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko na maintindihan ang sarili ko?
"You are acting so frail." Sabi pa ni Dr. Willows. I admit it, I am getting weaker.
Itinurok niya sa akin ang syringe na hawak niya. Unti unti kong naramdaman ang likido sa katawan ko.
Ilang segundo lang, hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Gumagana na ang pampamanhid na itinurok nila sa akin. Hindi na rin ako nakakaramdam ng sakit na mula sa sugat ko.
Ipinagpatuloy na nila ang pagtatanggal ng bubog sa mga sugat ko. Nakamulat lang ako at nakatingin sa kisame. Ayokong tignan ang ginagawa nila dahil maaawa lang ako sa sarili ko.
I never thought that I will pity myself. Akala ko malakas ako. Akala ko kakaiba ako.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nakakaramdam ako ng lungkot?
Nitong nakaraang mga araw, masyadong maraming bagay ang nangyayari sa akin. Mga bagay na hindi ko inakalang mararanasan at mararamdaman ko.
Tumawa ako, nakaramdam ako ng kasiyahan. Hindi ko inakala na magiging masaya ako. Akala ko para lamang sa mga tao ang pagiging masaya. Para pala sa lahat yun.
Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang paglabas ko sa mundo. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Pero mas nangingibabaw sa utak ko ang kasiyahan. Kasiyahan dahil naiba ang ikot ng buhay ko. Dahil sa wakas, nakawala na din ako sa walang hanggang kadiliman na kinalakihan ko.
Pero, tama ba yung desisyon ko?
Bakit simula ng lumabas ako sa kadiliman na iyon, nagsimula na akong maging iba.
Sinabi nila sa akin na iba ako sa mga tao kaya pinaniwalaan ko iyon. Sa kanila lang ako naniniwala noong bata pa ako. Sinabi nila sa akin na hindi dapat ako makisalamuha sa mga tao.
Pero bakit unti unti kong nararamdaman na wala naman akong pinagkaiba sa kanila? Bakit unti unti kong nakikita ang mga pagkakapareho namin?
"Iris. The operation is successful." Napunta ang atensyon ko kay Dr. Willows ng sabihin niya iyon. Is it really successful?
Hahawakan ko sana ang sugat ko ngunit hindi ko maramdaman ang kamay ko. Namamanhid pa din ang buong katawan ko.
"Don't dare to move. You're just wasting your energy. After an hour, you can go to your room. Rest, Iris" Sabi ni Dr. Willows bago siya lumabas sa kwarto na parte ng laboratory kung saan nila ako inoperahan.
I want to sleep pero hindi ko magawa. Nababagot na ako. Naiinis na ako sa sarili ko. Samantalang dati, nakatitig lang naman ako sa dilim pero hindi ko nararamdaman ang pagkabagot. Dalawampung taon ganon lang ang pamumuhay ko.
Maghihintay pa ako ng isang oras para makagalaw? Bakit ba kasi hindi ako inaantok?! I HATE MYSELF.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Ion na bakas pa rin sa mukha ang pag aalala. Mabuti nalang at may makakausap ako.
Napailing ako sa utak ko.
Kailan pa ako nagkaroon ng interes sa pakikipag usap?
"Ayos ka na ba, Athena?" Tanong niya sa akin. Hindi ako makagalaw kaya hindi ko nalang siya tinugunan.
"May masakit ba sayo?" Tanong niyang muli. Kumuha siya ng upuan at ipinuwesto iyon sa tabi ng kama ko para upuan.
"Nasaktan ka ba?" Mahinahon niyang tanong sa akin.
Hindi ko sigurado kung kaya ko bang magsalita. Pero sinubukan ko.
"Why are you acting so strange?" Tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya.
"Anong strange?" Balik tanong niya sa akin.
"You're not you." Sabi ko. Nagmake face naman siya.
"Hindi kita magets." Sabi niya.
"Bakit ganyan ka ngayon, bakit mukha kang nag aalala?" Tanong ko sa kaniya. Napansin kong nagstiff siya. Is there something wrong with my query?
"Be-because I'm your kuya." Sabi niya sabay tingin sa ibang direksyon.
"Pero nasa Mreine tayo, Ion." Sabi ko sa kaniya. Hindi naman sa ayaw kong nag aalala siya sa akin, pero hindi kasi siya ganito. Kung dati, kapag may kinukuha sa akin na kung ano ano, nakaabang siya sa pintuan para tawanan at asarin ako. It looks so new to me. Him, looking so bothered because of my situation.
"I am." Sabi niya ulit.
"You are not." Sabi ko sa kaniya. Tumitig siya sa mga mata ko.
"Why? Wala ba akong karapatang mag alala?" Iniwas ko ang mata ko sa tingin niya. He looks like Zephyr when he's serious.
"Wala." Sagot ko nalang. Wala naman talaga siyang karapatang mag alala lalo na sa akin. Ni hindi nga ako nag aalala sa sarili ko. Naaawa pwede pa pero hindi ko magawang mag alala sa kalagayan ko. If something bad happens, I think, it is my fate.
"I have. It's my rights not yours. Meaning, it is my business. Not yours." Tumitig muli ako sa kaniya. It's my first time hearing that tone from him.
"Pero sa akin ka nag aalala, Ion. I think, that's my business." Bakit ba binibig deal ko ang bagay na to? I am being senseless, again.
"It's not. You know what, you should rest." Sabi niya upang putulin ang walang sense naming usapan.
"I think, you should too." Sagot ko.
Tinignan ko ang orasan sa laboratory. The last time I checked it (bago dumating si Ion), it's 2:34. Ngayon, 3:01 na. Ilang minuto nalang makakagalaw na ako.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Ion. Akala ko pa naman aalis na siya.
"Nagugutom ba ako?" Tanong ko sa sarili ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ion. Hindi ako makalingon kaya hindi ko makita kung nasaan siya ngayon.
"Here. Eat this when you can finally move." Sabi niya sabay lapag ng hiwa hiwa na mansanas na nasa plato sa tiyan ko. Damn him.
"Heck." Mahinang sabi ko.
"Natututo ka ng magmura huh." Natatawang sabi niya.
"Is it bad?" Tanong ko sa kaniya.
"It is bad, Athena. So stop it." Sabi niya sabay kamot sa batok niya.
"I gotta go. Pagkatapos mong kainin yan, uuwi na tayo. Sa bahay ka na magpahinga." Sabi niya. Mabuti nalang uuwi na kami. Siguradong marami na akong hindi napasukan na klase.
Binuksan niya ang pinto pero bago siya umalis sinabi niyang,
"You are my business, Athena."