Tahimik lang kaming dalawa ni Ion habang pabalik sa bahay namin. Walang nagbabalak magsalita. Maging ako ay naguguluhan sa mga pangyayari na nagaganap.
Kinuha ko sa bulsa ko ang container kung saan nakalagay ang utak ko. Siguro naman ligtas na ako sa pagiisip ng mga bagay bagay. Hindi ko man alam kung paano nila nalalaman ang mga iniisip ko gamit ang kapiraso ng utak ko, hinahangaan ko pa rin ang ginawa nila.
Inikot ikot ko ito sa mga kamay ko. Naramdaman ko namang tumingin sa akin si Ion.
"Ano yan?" Tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at patuloy ko nalang tinitigan ang container.
"Ang sarap mo talagang kausap." Sabi niya pero hindi ko nalang sinagot. Wala naman siyang kwenta kausap.
Pagkatigil na pagkatigil ng sinasakyan namin, bumaba na kaagad ako at nagtungo sa kwarto upang magbihis ng aking uniporme. Base sa schedule ko, hanggang 6 pa ang pasok ko. Alas dose palang ng tanghali kaya papasok ako.
Lumabas na ako pagkatapos kong mag ayos. Nasalubong ko naman si Ion sa pintuan ko, mukhang papunta siya ngayon sa kwarto niya.
"Oh? papasok ka?" Tanong niya sa akin. Nilampasan ko nalang siya at nagpunta sa gate.
Pumara ako ng tricycle at sumakay dito. Ilang minuto lang, nasa school na ako. Lunch break ngayon kaya madaming tao sa labas. Nakakainis.
"Miss, pwede bang humingi ng number mo?" Lumapit sa akin ang isang lalaki. Maayos naman ang itsura niya ngunit ayoko pa din sa katulad niya. Hindi ko siya pinansin at nagdire diretso nalang sa gate ng school.
"Snobber!" Sigaw niya. Hinarang ako ng guard sa gate dahil wala akong I.D.
"Miss, magpa I.D ka na mamaya huh." Sabi sa akin nung guard habang nakangiti at binuksan yung gate. Tuloy tuloy lang ako sa pagpasok ng may biglang humigit sa kamay ko.
"Acck." Daing ko dahil hawak ng humila sa akin ang hiwa ko sa baba ng braso ko.
"Bakit ngayon ka lang pumasok, Athena?" Tanong sa akin ni manok. Sinamaan ko naman silang dalawa ni daldalita ng tingin.
"Kamay mo." Sabi ko kay manok. Kumunot naman ang noo niya.
"Kamay pa din naman, Athena." Sabi niya. Hinila ko nalang ang kamay ko sa kaniya.
"Huwaaaa! Bakit nagdudugo yan?! Waaaa!" O.A na sigaw ni daldalita. Tinignan ko ang kamay ko, may dugo nga ito.
"O-oy, wala akong alam diyan huh! Wala akong blade sa kamay!" Depensa ni manok sa sarili niya. Psh. Naglakad na ako papalayo sa kanila, naramdaman ko namang sumusunod sila sa akin. Kailan ba nila ako tatantanan?
"Anong nangyari diyan, Thena?" Hinarap ko siya dahil sa tinawag niya sa akin. Bakit ba may sari sarili silang tawag sa akin.
"Athena." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa classroom.
"Oy, tara linisin muna natin yan." Muli na naman akong hinila nila daldalita at manok. Nakalimutan ko na ang pangalan nilang dalawa.
Pumunta kami sa CR. Muli ko na namang nakita ang repleksyon ko kaya napatigil ako sa harap ng salamin.
"Wala bang salamin sa bahay to?" Rinig kong bulong ni Daldalita kay manok. Mahina iyon at malayo sila sa akin ngunit masyado lang talagang malakas ang pandinig ko.
"Tara dito sa lababo, Athena." Sabi ni daldalita, nagpunta nalang ako doon dahil baka marami pa silang sabihin.
"What are you doing?" Tanong ko sa kanila ng itapat nila ang kamay ko sa umaagos na tubig mula sa lababo.
"Nililinis namin ang sugat mo, baka kasi magkainfections yan. Ganito kasi ang tinuturo sa akin ni nanay, katulong kasi siya at lagi niya daw itong ginagawa tuwing nadadapa yung amo niyang bata." Sabi ni manok.
Matapos nilang itapat sa tubig ang sugat ko, tinapalan naman nila ito ng towel na dala nila tapos umalis na kami sa loob ng Cr.
"Athena, ginawan ka nga pala namin ni Jensen ng twitter account, ito yung password at username mo." Sabi niya sabay bigay sa akin ng isang piraso ng papel.
May mga letrang nakasulat doon, binulsa ko nalang ito. Mukhang wala namang pakinabang ang lahat ng ito. Iniwan ko na sila dahil baka mahuli pa ako sa klase ng dahil sa mga yun. Nakakahiya silang idahilan.
"Ammmppk!" May biglang tumakip ng bibig ko at hinila ako. Ganito ba talaga sa mundong ito? Puro hilahan nalang? Kung ganon, hilahin ko kaya ang mga bituka at atay nila?
"What the heck?!" Sigaw ko ng makita ko kung sino ang humihila sa akin. I didn't expect his presence. Ano naman kaya ang kailangan ng taong ito sa akin.
"We need to talk." Sabi niya sabay tingin sa mga mata ko, katulad ng naramdaman ko nung nakipagtitigan ako sa kaniya dati, nakakatakot pa rin talaga ang kaniyang mga mata.
"I don't want." Sabi ko at akmang aalis na. Wala kaming dapat pag usapan dahil alam kong wala naman kaming pakielam sa isa't isa.
Bigla niya akong hinawakan sa braso at iniharap sa kaniya ng pwersahan. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Anong pinag usapan niyo ni Mya?" Tanong niya sa akin. Nakipagtitigan lang ako sa kaniya.
Tinignan ko muna ang nakakatakot niyang mata, kulay asul ito, napadako naman ang tingin ko sa ilong niya na matangos, napatingin ako sa mapupula niyang labi. Masasabi kong maganda ang pagkakalikha sa kaniya.
"Done checking me out? Then, answer my d*mn question." Muli akong napatingin sa kaniyang mga mata ng bigla niyang sabihin iyon.
"Yes." Sagot ko sa tanong niya na 'done checking me out?'. Wala naman kasi akong dapat isagot sa kaunahan niyang tanong.
"I'm serious, what did Mya told you?" May diin ang bawat salita na binitawan niya.
"Nonsense things." Sagot ko, totoo naman diba? Wala naman talagang kakwenta kwentang bagay ang sinabi sa akin nung babae na Mya pala ang pangalan. Kinalimutan ko na. Dapat naman kasing kalimutan ang wala namang katuturang mga bagay.
"Just tell me what exactly she told you. " Sabi niya. Umupo ako sa ilalim ng puno upang magpahinga sana ngunit mukhang hindi ko iyon magagawa dahil masyadong makulit ang lalaking ito.
"She asked me if I'm your girlfriend." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"She introduced herself, end of story." Sabi ko tapos pumikit na. Nawalan tuloy ako ng ganang pumasok dahil sa lalaking ito.
"Napaka talaga ng babaeng yun." Bulong niya pero sapat na para marinig ko iyon. Gusto kong matulog.
Naramdaman ko nalang na umupo siya sa tabi ko kaya minulat ko ang mata ko. Nakita ko namang nakapikit siya. Tinignan kong muli ang kabuuan ng mukha niya. Masasabi kong, mas lamang siya kay Ion. Ewan ko ba. Kailan pa ako natutong magkumpara?
"Kaano ano mo ba siya?" Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero lumabas nalang iyon sa bibig ko. Kailan pa ako nagkaroon ng pakielam? Ito ba ang epekto kapag nalaman mong isang daang taon ka ng nabubuhay?
Sinabi nga pala nila sa akin na baka nagkamali lang daw sila, kaya't uulitin nalang daw nila ito, pero hindi na daw nila kailangang kumuha ng buto ko.
"Girlfriend? Bestfriend? Wala akong ideya." Sagot niya habang nakapikit. Kung girlfriend man niya ang babaeng yun, bakit tinanong niya pa ako kung kasintahan ko ang lalaking ito?
"Bakit pa niya tinanong sa akin yun?" Tanong ko ulit. Hindi maganda ito, nagiging palatanong na ako. Tsk.
"Maybe because," Sabi niya sabay hinto. Dinilat niya ang mata niya kaya sumalubong na naman sa akin ang nakakatakot niyang mata. Kung may isang bagay akong kinakatakutan, siguro ang mata niya iyon. Pero, hindi gaano.
"Aside from her, you're the only girl I'm talking with." Sabi niya sa akin na MEDYO kinabigla ko. Given na yun dahil nakakatakot naman talaga siya, at kung normal man ako, hindi ko babalaking kausapin siya.
But, I'm not normal, I'm Abnormal.
Okay, joke yun actually. I hate myself. The f*ck? Kailan pa ako natutong magjoke? Sh*t hindi pa nakakatawa. I really spite my freakin' self. Uggh.
"It's evident." Sabi ko nalang. Napatingin ako sa baba, may nakita akong isang bond paper, dahil sa kuryusidad, pinulot ko iyon at binasa.
'Zephyr Zeus Crawford'
Ito pala ang buong pangalan ng lalaking to.
"Sayo to?" Tanong ko sa kaniya kahit na alam ko namang sa kaniya to. Am I being senseless? Oh no.
"Saan mo nakuha?" tanong niya pero hindi naman niya kinuha ang papel na hawak ko. Hindi ko nalang siya sinagot at binasa nalang ang nilalaman nito.
'Reality vs. Fantasy'
Nacurious ka agad ako sa title.
If you have to single out reality and fantasy,
what will be your response?
Is it reality alone or fantasy?
But the query is, do you really have to choose?
If you'll catechize me,
my answer will be, TWAIN.
Why would I choose,
if I can acquire both?
You used your chaotic reality to spawn your fantasy.
You build your fantasy to have a liberation in your reality.
Without your theory about reality, fantasy wouldn't be invented.
Without reality, fantasy wouldn't establish.
Fantasy is our triumph, this is our nirvana.
We constitute fantasy for us to be ecstatic.
For us to be serene. But, do we really need to do this?
I mean, constructing something to be contented?
Why don't we just, use our fantasy to have an improved life?
Why don't we use our dreams for us to live in a superior reality?
We can do every single thing we're longing for.
We can make our steps to enhance everyone's reality.
You can use your fantasy to withstand the tribulation of the world.
Your fantasy will help you to subsist.
Fantasies will aid you to thwart your agony.
Fantasies will make you durable enough to face adversity.
So, why do you have to choose,
if both of them will help you coping with your wrestle, misery, tangle and labyrinth.
You just have to think judiciously.
I persuade you, everything will be fine.
Ibinaba ko ang papel matapos ko itong basahin. I admit it, I'am astonished with his work. Nandoon yung mga bagay na nais kong iparating sa buong mundo. Gustong gusto nilang tumakas sa mga bagay na kahit kailan hindi naman nila matatakasan.
Pinipilit nilang gumawa ng mga imposibleng bagay para maging masaya sa panandaliang panahon lamang, hindi na nila naisip na masasaktan din sila kapag narealize nila na hinding hindi maaaring mangyari ang bagay na ginawa nila.
Ito na siguro ang nakatadhana sa mga tao, ang maging mahina, maka sarili, walang silbi, walang kwenta. Hindi ko alam kung bakit ganon sila mag isip. Kahit kailan hindi nila naisip na pagsubok lang ang lahat ng bagay na ito.
Gusto kong paghiwa hiwalayin ang utak nila dahil wala naman silang kwenta. Kayalang, masyado silang marami, nakakapagod yun. -_-
"It's cool. I'm amazed with your perception." Sabi ko sa kaniya sabay bigay nung papel. Tumango lang naman siya at hindi ko naman inaasahang ngingitian ako ng taong to.
"Well, I don't believe in fantasy." Sabi niya.
"There's no such thing as fantasy, just merely illusion." Sabi pa niya. The difference between us is I believe in fantasy existence, and his not.
"Illusion is a hypocrite." Mas lalo akong naging interasado sa pinag uusapan namin ngayon. I never been so interested with such things. There is something with this guy, and it is a big conundrum.
"They make us believe that those things are legitimate. But in the end they will just give us daydream and false hope." Sunod sunod na pagtungo ang sinagot ko sa kaniya bilang pag sang ayon sa kaniya.
"And that's the hardest part, waking up realizing that's everything is just an illusion. Having fake happiness, fake people, fake happenings and fake feelings." Hindi ko alam kung bakit kami napunta sa usapang ito pero nararamdaman ko na may pinagdadaanan siya. Kagaya ni Charlotte, there is something with their tone and their eyes, it's like stating something, something that is very baffling, cryptic and dark. And those are the things that made me so inquisitive, their eyes and what's within it.
Tumayo na ako dahil ayoko na siyang kausap. Mas lalo lang akong maguguluhan sa mga bagay bagay.
"Wait, I'm Zephyr, and you are?" Tanong niya kaya lumingon ako sa kaniya.
Ayoko sa lahat yung may tumatawag sa akin sa hindi ko naman pangalan, gusto ko kung Iris ang pangalan ko, Iris ang itatawag nila. Kung Athena, Athena.
But, I don't know what's gotten into me,
"I'm Ris,"