"f**k!" Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. It's already 3 in the dawn but I can't sleep! Magkausap na dapat kami ni Thyra sa mga oras na to! May kailangan akong itanong sa babaeng yun.
"Athena, I can't sleep. Sigaw ka ng sigaw diyan." Nagulat ako ng biglang pumasok si 'kuya' Ion sa kwarto ko.
"What the hell are you doing here?" Napaupo tuloy ako.
"You're disturbing my sleep, Athena. Kailan ka pa natutong sumigaw?" Sumisigaw ba ako? I hate that damn guy. I'll kill him tomorrow! Nah, I'll kill him later!
"Get lost, Ion." Sabi ko tapos nahiga na.
"Okay, but please, wag mo naman istorbuhin ang tulog ko. Sleep now." Sabi niya tapos ginulo yung buhok ko.
"Get out." Sabi ko tapos nahiga na. He's nonsense.
"Fine. Good morning, by the way." Sabi niya bago niya tuluyang isara ang pintuan.
Finally, wala na ding istorbo. Napahawak ako sa leeg ko. Wait, ano ang bagay na to. Madilim pero sapat na ang liwanag ng buwan upang makita ko kung ano ang bagay na nasa leeg ko.
Isang kwintas?
Teka, ito yung kwintas na binigay sa akin ni Thyra. Paano ito napunta sa leeg ko?!
Tumayo ako upang buksan ang ilaw. Gusto kong makita ang itsura ng kwintas na ito.
Sigurado ako na panaginip lang yun. Pero bakit nandito sa akin ang bagay na ibinigay sa akin ng tao sa panaginip ko. Nakakapagtaka. Nadagdagan na naman ang iniisip ko.
Uggh! I really have to sleep right now. I need to ask Thyra about this necklace!
*Boogsh*
Napaupo ako sa kama ko ng may lumagabog sa terrace ko. What the hell is that?
Dahil sa kuryusidad, tumayo ako sa kama ko upang tignan ang lumikha ng ingay na yun.
Hinawi ko ang kurtina, nakita ko ang isang pigura ng lalaki. Sino naman to? Binuksan ko ang pintuan, lumingon siya sa akin.
"Dwight?" Nagtatakhang tawag ko sa pangalan niya. Anong ginagawa ng lalaking ito sa bahay ko? Paano siya nakapunta dito?
"Athena." Tawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko siya ng masama, tumingin din siya sa akin, sumalubong sa akin ang napakalamig niyang titig.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Hininaan ko lang ang boses ko dahil baka marinig kami ni Ion.
"Magkakilala na pala kayo ni Zeus." Kumunot ang noo ko. Sinong Zeus? Inisip kong mabuti kung may nakilala ba akong Zeus. Hindi ko kasi inaalala ang mga pangalan na wala namang maitutulong sa buhay ko. Kaya nga nakalimutan ko na ang pangalan nila manok at daldalita, dahil wala naman silang kwenta.
"Answer my question first." Utos ko sa kaniya. Inaalala ko pa kasi kung may kilala ba akong Zeus.
"I'm visiting you." Sagot niya. Napasmirk naman ako ng maalala ko kung sinong Zeus ang sinasabi niya. Zeus nga pala ang totoong pangalan nun.
"Sa ganitong oras?" Nakasmirk kong tanong sa kaniya.
"Bakit? Hindi ba pwede?" Nagkibit balikat nalang ako. Sigurado akong may iba pa siyang balak. Sinong matinong tao ang bibisita sa ganitong oras? Buti nalang pala at gising pa ako.
"It's my hour." Kumunot ang noo ko. Oras niya ang alas tres ng madaling araw? What the f*ck is he talking about?
"Now, answer my question." Sabi niya pa ulit.
"Yes."
"Papaano mo naman nakilala ang taong yun?" Tanong niya ulit. Inisip ko kung papaano ko siya nakilala. As usual, nakalimutan ko na. Wala naman kasi siyang kwenta dati, kanina lang talaga siya nagkaroon ng kwenta para sa akin.
"Nakalimutan ko na." Sagot ko.
"Pwede ba akong pumasok sa loob?" Tanong niya. Tama nga ako, may balak nga siya. Mukhang nakatulong pa ang Zephyr na yun sa akin. Kung hindi dahil sa ginawa niya, tulog na sana ako.
Dahil gusto kong malaman ang kailangan at balak niya, pinapasok ko siya sa loob. Binuksan ko ang pintuan.
"Wag kang maingay." Sabi ko sa kaniya. Sigurado akong papagalitan na naman ako ni Ion kapag nalaman niya ang ginagawa ko.
Umupo siya sa kama ko at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko.
"Too dark." Sabi niya. Malamang gabi na. -_- Pero alam ko naman na hindi iyon ang tinutukoy niya. I can't read him. Damn.
"What's wrong with darkness, Dwight?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin.
"It's bothering me. Your darkness is bothering me, Athena." Kung simpleng tao siguro ako, malamang hindi ko maiintindihan ang sinabi niya. I'm aware na walang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Dahil kahit ako, wala akong ideya sa kung sino ako.
"Sino ka ba talaga?" Tumingin ako sa mga mata niya. Sino nga ba ako?
"Hindi ko alam." Sagot ko, napatungo ako.
"Pwede ko bang malaman kung, ano lang yung alam mo?" Naging malumanay ang boses niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nakita kong nakatingin siya sa ibang direksyon kaya tinignan ko ang tinitignan niya.
Yung pinto.
Lumapit siya sa akin at binulong sa akin na,
"Nasa pintuan si Ion, nakikinig. Kadadating niya lang." Paano niya naman iyon nalaman?
"I'll hide, talk to him." Sabi niya, sumunod naman ako at binuksan ang pintuan, mukha namang nakapagtago na si Dwight.
Bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Ion.
"I told you, get lost." Sabi ko sa kaniya. Bigla siyang nagngumuso. Nandiri naman ako bigla sa inasal niya. Is he pouting? Nakakasulasok.
"Stop that." Utos ko sa kaniya pero naka nguso pa din siya.
"Kasi naman, para kasing may kausap ka diyan. Baka baliw ka na." Napapikit ako dahil sa inis. Nandidiri talaga ako sa ginagawa niya.
"Ion, I'll cut your shitty lips if you won't quit pouting." Sabi ko sa kaniya kaya bigla siyang umayos. Napailing nalang ako.
"Find your grave." Sabi ko sa kaniya.
"Huh?" Nagtatakhang tanong niya.
"I'll kill you, now, get lost." Sabi ko sabay sarado ng pinto. Bakit ba nagiging makulit si Ion?
"He's gone." Sabi ko kaya biglang lumabas si Dwight. Nakita kong tumingin siya sa pinto hanggang ding ding.
"Back to the topic." Sabi niya. Umupo ako sa kama katabi niya,
"Ako si Athena Iris, tumira ako sa Mreine for twenty long years, I'm 20 years old. Yun lang ang alam ko." Now, I pity myself, yun lang ang alam ko.
Mukhang mas maswerte pa sa akin ang mga tao sa mundong ito. Ang tanging mali lang na nakikita ko sa kanila ay ang pananaw nila sa buhay. Samantalang kung ang buhay ko ang pag uusapan? Masyadong maraming mali.
"I want to know you, Athena. I want to erase the darkness around you so I can see the real you. But, I can't and I know that I'll never." Sabi niya. Dwight is up for something. Mukhang alam ko na ang pinunta niya dito.
"I want to help you." Sabi niya.
"I don't need you." Matigas na sabi ko. I don't need anybody. I can solve my own problem with the help of no one. I can do all things by myself. I lived like this, and I'll die doing it.
"I know you do. Athena, doesn't mean that I'll help you, you'll going to be like them. No, I'm helping you for you to be brave enough to face the dilemma you'll be facing in the future. If you think that you can do everything, I'll tell you, you are weakest human that I ever seen. You're too frail and nothing. If you'll be like this forever, then, you should start counting your days, freak." Sabi niya. Naiyukom ko ang palad ko. I'm not weak. Darn him.
The next thing I know, I'm in the middle of a forest. Nakita ko si Dwight na nasa harapan ko at di kalayuan sa akin. Papaano niya nagawa ito?
"Now, prove to me that you're not." Sabi niya. Nananaginip ba ako?
"This is not a dream, so don't expect that you can endure the pain and you can get through this." Sabi niya sa akin. What the heck is happening?
Bigla may liwanag na bumalot kay Dwight kaya napatingin ako sa ibang direksyon. I don't get it!
"Uggh!" Daing ko ng may tumama sa balikat ko dahilan para magdugo ito. Tumingin ako sa bagay na nakatusok ngayon sa puno sa likod ko. It's an ice. A very razor-sharp one. Saan nanggaling ang bagay na to?!
Tumingin ako kay Dwight. I'm shock ng makita ko ang mga piraso ng yelo sa ibaba niya. Papaano niya nagawa iyon?
"Sino ka ba?!" Galit na tanong ko sa kaniya. s**t. Is that his Dexterity?! I won't let him kill me!
"I know that you're receptive, Athena. You thought that you're the only one carrying those 'powerful' dexterity? Nah, you're wrong. I've told you, you're the weakest." Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin noong una kaming nag usap. Sinabi niya sa akin na hindi lang ako ang nag iisang may ganitong kakayahan. Pero hindi ko akalain na kaya nilang lampasan ang bagay na kaya kong gawin. all this time, pinaniniwalaan ko na ako ang pinakamakapangyarihan sa lahat. I'm erroneous! Darnit!
Biglang kumirot ang sugat ko sa braso.
"Die Dwight!" Sigaw ko dahil sa sakit. Ano bang pwede kong gawin?! I'm frustrated!
Inisa isa ko ang kaya kong gawin. Kaya kong magpalutang ng bagay at kaya ko ding tunawin ang isang bagay gamit ang mata ko. Kayalang, gumagana lang yun kapag galit ako. But, I'm not feeling any anger right now, I feel so fragile and disappointed. Paano ko malalaban si Dwight?
"I won't die kung tititigan mo lang ako ng masama. Ano bang kaya mong gawin?" Natatawa niyang tanong sa akin. s**t! He's making fun of me! What should I do?
Sinubukan kong palutangin ang isang dahon. Tinignan ko muna kung kaya ko yun. Nagtagumpay naman ako sa pagpapalutang nito. Tumingin ako sa paligid at nakakita ng isang putol na sangga ng puno. Malaki ito. Tinitigan ko ito napangiti ako ng mabuhat ko. I feel happiness right now.
Hinampas ko ito kay Dwight. Unti unting naglaho ang kasiyahan ko ng makita kong parang wala namang nangyari. Hindi man lang siya nasaktan.
"Yun na yun? I pity you." Pang aasar niya. I want to kill him, seriously!
Nakaramdam na ako ng galit sa kaniya. I know that he's just testing me but f*ck I pity myself too. The next thing I know, may liwanag na namang lumabas sa mga mata, hindi katulad ng dati mas matagal ang liwanag na ito.
Nang mawala ang liwanag, nakita ko si Dwight na nakatingin sa kamay niya, more like, sa kuko niya.
"Nasugatan mo ang kuko ko dun." Napapikit ako sa inis.
Nagulat ako ng makita ko ang dalawang matutulis na yelo na papunta sa direksyon ko. Umiwas ako pero nahagip na din ng isa ang balikat ko.
"Ah." Daing ko dahil dalawang parte na ng katawan ko ang dumudugo.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lagpas sa sampung yelo na mabilis na papunta sa direksyon ko. Sinubukan kong kontrolin ang mga ito, napangiti ako ng tumigil ito sa gitna. Yes! I did it!
Ngunit matapos ang tatlong segundo mabilis na namang bumulusok papalapit sa akin ang mga ito. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umilag. Ngunit, napasigaw ako sa sakit ng tumusok sa kamay ko ang isa sa mga ito. Samantalang ang isa naman ay tumusok sa tagiliran ko. Unti unti akong napaupo dahil sa sakit. Tinignan ko ang kamay ko na nakadikit sa puno dahil sa nakatusok na yelo dito. Dumudugo ito kasabay ng usok na nanggagaling sa lamig ng yelo. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Dwight sa direksyon ko.
"I know that the pain your up to is obstructing and blocking you to understand me." Sabi niya. Napasigaw akong muli ng tanggalin niya ang yelo sa kamay ko. Nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko na din masyadong marinig si Dwight.
"I-I did my b-best." Sinubukan kong magsalita.
"Best? Hindi mo best yun." Sabi niya sa akin. Sinubukan kong umiling pero hindi ko nakayanan. Nagawa ko na yung best ko.
"If you really did your best, you should have won." Sabi niya. Sinubukan kong tumingin sa kaniya. Sobrang malabo na yung paningin ko. Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napapikit ako ng sunod naman niyang tanggalin ang nasa tagiliran ko. Ito na ba ang katapusan ko?
"If you won against me, then, you did your best, but, look at you Athena. You're now in process of your death. Ginawa mo ang makakaya mo, pero hindi mo nagawa ang best mo. You deserve to die because of that." Mukhang tama siya.
I'm too frail.