Episode 22 Ann Liza Montesclaros THE plan is saglit ko lang na kakausapin itong si Zero. I have to review my notes and memorize few formulas, pero ayaw ibaba ng lalaki na ito 'yung tawag. Palaging may kwento. Bakit kapag sa tawag sa cellphone, ang daldal pala ng lalaki na ito? Serious question. "Magre-review pa ako," sabi ko sa kanya. Narinig ko pa kung papaano siya mag-sigh. "Okay, study well and good luck for your examination." At pinatayan na niya ako agad ng tawag. Napakabastos pa rin niya! Dapat ang babae ang papatay sa tawag! Tiningnan ko naman ang digital clock na nasa tabi ng night lamp ko. Malapit ng mag-12, at ni isa ay wala pa akong review. I need to double time! SIGURO AY halos apat na oras lang ang tulog ko. Akala ko nga ay kakapikit ko pa lang, the puyat is real, at

