Chapter 1

1295 Words
Sammy's POV Maaga ako nagising para maghanda ng agahan namin. Madalas ako ang nagigising samen ng maaga. Si Mama kasi mag-uumaga na umuuwi dahil call center ang trabaho nya. Si Papa di ko alam kung asan na sya. Simula ng iwan nya kami di ko na sya hinahanap. Walang rason para hanapin at habulin ang mga taong nang-iwan. Si Ate naman lagi namang tanghali yun gumising. Ang hilig kasi magpuyat kakanuod ng KDRAMA. Never man lang ako nagka-interes manuod ng mga ganun. mas gugustohin ko pang tumambay sa library namin maghapon kesa manuod ng mga ganung palabas. Inayos ko ang mesa namin para ihain ang mga pagkaing niluto ko. Nagluto ako ng sinangag na kanin, itlog at tuyo. Paborito kong umagahan. sigurado ako na tatarayan nanaman ako ni Ate dahil di ako nagluto ng paborito nyang hotdog. "Good morning Nak" bati saken ni Mama habang pababa ng hagdan "Good morning Ma, kain na po tayo" aya ko sa kanya "Sige. puntahan mo na muna yung Ate mo sa kwarto nya at ng makakain na tayo" utos nya saken habang nagtitimpla ng kape "Sige po Ma." sabi ko at agad umakyat para gisingin si Ate. Kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Ate para tawagin sya. "Ate baba ka na daw kakain na tayo" sabi ko. "Okay!" sagot nya. Bumaba ako matapos kong tawagin si Ate at umupo upang umpisahan ng mag-almusal. "Anak, kamusta naman pag-aaral mo? malapit na exam nyo diba?" tanong ni Mama saken. "Opo Ma, nagreview na din po ako kagabi." sagot ko. napatingin kami ni Mama kay Ate na parang Zombie na bumababa sa hagdan. Nang makarating sya sa mesa pinagmasdan nya ang mga pagkaing nakahain. "Wait, Where's my hotdog? di mo ako pinagluto?!" inis na sabi nya. "Sorry naubosan na kasi tayo ng mantika" palusot ko kahit andami pa naman naming mantika. "You're a liar! ayan ohh andaming mantika!" sabi nya at pinakita pa saken yung bote ng mantika na konti pa lang ang nababawas. Hindi na lang ako umimik at alam kong hahaba lang kapag sumagot pa ako. "Ano ka ba Masey! Kainin mo na lang kung anong nakahain sa mesa. kung sana umaga ka ng gising edi nakapagluto ka sana ng gusto mong ulam." sermon ni Mama sa kanya. "Hmp." inis pa ring maktol nya habang umuupo at inumpisahan ng kumain. Bobby's POV "Mommy, I'm going!" paalam ko kena Mommy habang naaagahan sila. "Hey Son! Kumain ka muna ng breakfast bago ka umalis!" tawag saken ni Mommy. "No mommy! sa school na lang po ako kakain nagmamadali ako e." sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi. "Okay, bye Son! keep safe when you're driving!" pahabol pa ni Mommy. Pumunta ako sa garage at kinuha ang kotse ko at agad nag drive papuntang school. Alam nyo ba kung bat ako nagmamadali? Ang walangyang si Melvin e nagtext saken na ipapasa na daw yung assignment namin sa Biology e di ko nagawa kagabi dahil naaliw kami ni Melvin sa paglalaro ng ML ang hinayupak pala kaya ang lakas ng loob mag-aya ng puyatan sa paglalaro e tapos na pala gawin ang homework nya. di man lang ako sinabihan. Kaya ngayon pupunta ako sa library upang mag-research. Pagkaparada ko ng sasakyan ko nakita ko si Melvin na prenteng nakasandal sa sasakyan nya na halatang hinihintay ako. "Ohh Dude! nagawa mo na ba assignment mo sa Biology? ML pa more! HAHAHA" pang-aasar nya saken. "Gago! di ko pa nagagawa! pakopya na lang kaya ako. feeling ko male-late ako kapag pumunta pa akong library e." pagdadahilan ko. Totoo naman kasi Grade 12 na ako at sa loob ng anim na taon ko sa school na to never pa talaga ako nakakapasok ng library namin. Usually kasi kapag may mga homework ako sa bahay lang ako gumagawa at nagreresearch lang ako. Si google ang gumagawa ng mga homework ko or kapag naman tinatamad talaga ako nangongopya lang ako sa mga may crush saken. Di naman sa pagmamayabang pero marami ang may crush saken dito sa campus. Pogi ko e. HAHAHA "Dude, are you out of your mind?! anong pakopya? Si Ma'am Matty ang teacher natin sa biology at alam mo namang alam nya kapag nangongopya lang ang estudyante nya. ayoko gumaya sa mga estudyanteng nahuli nya na nagpakopya tapos ibinilad sa ground buong klase tapos apaka-init pa. duhh! ayoko nga umitim!"pagmamaktol nya. si Ma'am Matty kasi bagong teacher dito sa school marami nagsasabi na sobrang strict daw nun at kamalas-malasan naging teacher pa namin sa biology. pinaka-ayaw kong subject hays! "Hays! bahala ka nga dyan! sige na! alis na ako! Punta na akong library bahala ka na lang magdahilan kay Ma'am Matty kapag na-late ako tutal kasalanan mo naman kung bat di ko nagawa homework ko e. ciao!" sabi ko at tumakbo papuntang library. "Bye Dude! good luck! sana mag-enjoy kang kausapin ang mga libro sa library HAHAHA" rinig ko pang sigaw nya. di ko na lang pinansin at tinahak ko na lang ang daan papuntang library. Nang makapasok ako sa pinto nagulat ako ng pagmasdan ko ang buong library. Napakalaki pala at andaming bookshelves. Saan ko naman hahanapin ang librong pagkukunan ko ng sagot sa homework namin? ni hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga libro ng biology rito. Yan kasi bobby, bumisita ka man lang ng library para alam mo kung saan nakalagay ang mga libro. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ko ang iilang mgs estudyanteng nag-aaral at nagbabasa. yung iba e gumagawa siguro ng reports gamit ang mga laptop nila habang nagre-research. Ngunit may isang estudyante na nakaagaw ng pansin ko. Nag-iisa lang sya sa pinakadulong table sa may tabi ng bintana sa sulok ng library. Naka-airpods sya habang nagbabasa. maganda sya. Matangos ang ilong, mahaba ang mga pilik mata at maliit ang pinkish nyang labi. ohh diba? nakita ko pa ang kabuuan ng mukha nya mula rito sa pinto hanggang sa sulok kung saan sya nakaupo. Nabalik ako sa wisyo ng maalala ko na malelate na nga pala ako kaya kailangan ko ng magawa yung homework ko. Hinanap ko ang librarian at nakita kong wala ito sa table nya. So no choice kailangan kong galugarin ang buong library para mahanap ang librong kailangan ko. nagikot-ikot ako sa library habang binabasa ang ibat-ibang pangalan ng libro ngunit 15 mins. na akong naghahanap wala pa rin akong mahanap na libro ng biology. Siguro kelangan ko ng magtanong-tanong sa mga estudyante na narito. Naghanap ako ng pwedeng pagtanungan ngunit yung babaeng nakaagaw ng atensyon ko kanina na maganda at naka-airpods na lang ang nakita ko na naiwang nagbabasa sa loob ng library. di ko napansin na naka-alis na pala yung mga estudyanteng nadatnan ko rito kanina so sa kanya na lang ako magtatanong. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinawag sya. "Ahh.. M-miss! excuse me?" pag-agaw ko sa atensyon nya. Dahan-dahan syang tumingin sa akin at nakita ko ang bilugan nyang mata na itim na itim. ang ganda nya. Alam nyo yung mukha ni Mama Mary? ganun ko sya made-describe. Tinitigan ko lang sya napakaganda nya talaga. Nabalik ako sa wisyo ng pumalakpak sya sa mismong muka ko. Napakurap-kurap ako at tumikhim. "Ahh.. ehem.. ano, mag-magtatanong sana ako. s-saan dito yung mga l-libro ng b-biology?" s**t Bobby bat ka ba nauutal? Tumayo sya at naglakad paalis. Sinundan ko lang sya ng tingin ng lumapit sya sa isang shelves at may kinuhang libro dun. Inabot nya yun saken ng walang imik. Tinanggap ko naman at nakita kong bumalik sya sa upuan nya at tinuloy basahin ang librong binabasa nya kanina. Umupo ako sa table sa harap nya habang nakatingin sa kanya. Nakita ko na tumingin sya saken at kumunot ang noo nya na parang nagtataka kung bat ako umupo sa harapan nya pero di sya nagsalita at bumalik na lang ulit sa pagbabasa. Nakatitig lang ako sa mukha nya na sobrang ganda at ang amo. Seryoso syang nagbabasa. Buti naiintindihan nya yung binabasa nya kahit naka-airpods sya. "Ehem" tinanggal ko lang ang tingin kong yun sa kanya ng narinig ko syang bahagyang tumingin saken na parang sinasabing wag ko syang titigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD