Mula sa araw ng nasabi namin sa anak ko kung sino ang ama niya palagi nalang itong nakasmile at kung bibo man siya noon mas bibo siya ngayon. Nasa dinner table kami ng araw na iyon at walang klase dahil sabado sabi ng anak ko sa aming lahat na andito kumakain. “Sabi ni Papa susunduin daw niya kami ni Mommy mag house hunting daw kami at dapat daw malapit lang dito sa bahay ni Lolo Dad para kung gusto bumisita eh malapit lang, payag ka Mommy mag house hunting bukas?” “Oo naman Anak tayong tatlo ang mag house hunting.” “Paano ba yan Mommy need ko ba magdala ng bow and arrow kasi mag hunt tayo hehehe” Tumawa kaming lahat. “Hehehe joke lang yun pinapatawa ko lang kayo.” “Sama ka Ate Engrid dahil sasama kayong dalawa ni Ate Elena pag transfer sa bagong bahay para naman si Lolo Dad at Ma

