"Janine, bantayan mo si Harry, ayokong magpakita pa siya kay Natasha. Ayokong magpatuloy ang kahibangan niya sa babaeng iyon!" wika ko kay Janine, saka umiinom ng wine. "Madam, alam mo namang madulas si Harry sa akin eh, ni ayaw niya akong makita. Alam kong mahal niya ang babaeng iyon, at iyon ang ayokong mangyayari, ako lang ang para kay Harry. Alam mo namang mahal ko siya madam, at sana lang tulungan mo akong mapasakin siya." turan sa akin ni Janine. Ang totoo ay ayoko sa kaniya para sa anak ko, pero alam kong safe si Harry sa kaniya. Ang mahalaga ay hindi siya mapunta sa Natasha na iyon. "Janine, huwag kang mag-aalala. Basta tungkol kay Harry ay walang problema. Huwag mo lang siyang traydurin, at baka ipabugbog mo siya sa mga tauhan mo, alam mo namang kahit hindi dugo ko ang dumadaloy

