Pumasok sa isip ko si Cassandra, ang lahat na kinuha niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ni peso ay walang iniwan sa akin si daddy. Pati sasakyan ko kinuha niya. Mahal ako ni daddy, at alam kong ako lang buhay niya, pero bakit wala siyang tinira kahit konti sa akin. Hindi ako naniniwala kay Cassandra, kailangang malaman ko kung ano ang ginagawa nila ni Harry. Kailangang kong makontak si attorney Navalez. Pero paano ko gagawin iyon, wala sa akin ang cell phone ko. Mabuti na lang naiwan ito sa hotel, kung nagkataong dala ko, baka kinuha na ni Janine sa akin. "Ang lakas ng loob mong kidnapin ako Janine, duwag ka. Meron ka lang baril at mga asong ulol na kasama kaya matapang ka. "Dad, kung mamatay man ako ngayon, masaya na rin ako para matapos na rin ang paghihirap ko. Pero kung

