"Ako ang naaawa sa 'yo Andrea, ang lakas ng loob mong sabihin sa akin 'yan, kailan ba nagkaroon ng mana ang isang parausan at paanakan? Ang tulad mong maruming babae ay dapat nasa kalye, namamalimos para makakain!" mabuti na lang ay nagsasalita na si attorney at tumahimik na silang dalawa. "Kung maaari lang ay tahimik muna tayong lahat maupo na kayo madam." utos ng abogado. Saka bumaling kay Andrea. "Ang nasa last will ni Don Philip ay nasa pangalan lahat kay Cassandra, dahil siya ang legal na asawa, ang company, ang mansion, mga sasakyan, at ang mga pera sa bangko ay lahat nang iyon ay nasa pangalan ni Cassandra. Lumaki ang mga mata ni Andrea, at halos sapakin niya si mommy Cassandra. Binagsak niya ang kaniyang kamay sa mesa at dinuro niya ang abogado. "Anong ginagawa mo attorney? Sigu

