"Alam mong may sakit si daddy iniwan mo nang basta-basta? Meron namang isang katulong 'di ba? Bakit hindi siya ang inuutusan mong mag-grocery. Bakit mo iniwan si daddy?! Kahit kailan ay wala kang kuwenta Andrea!" "Natasha, kasalanan mo rin naman eh, dahil meron sakit ang daddy mo tapos inuuna mo pa rin ang tampo mo! Tingnan mo ngayon maibabalik mo pa ba ang buhay ng ama mo?! Kung tutuusin ikaw ang walang kuwentang anak rito eh. Simula nang bata ka pa ay puro sakit ng ulo ang dinulot mo sa ama mo! Ikaw ang nagbibigay sa kaniya ng sakit sa puso! Kahit kailan ay wala kang kuwentang anak Natasha! Ikaw ang pumatay sa kaniya!" "Ang kapal ng mukha mong sisihin ako Andrea! Kung alam ko lang na wala kang kuwenta, sana hindi na ako umalis, sana buhay pa si daddy ngayon! Lahat nang problema ay

