"IBALIK namin ang kayamanan mo Natasha, bilang kapalit ay iwasan mo na si Harry!" "Nagulat ako Cassandra, tama ba ang naririnig ko? Ibalik mo sa akin ang mga ninanakaw mo? Akala ko ba gusto mong magharap pa tayo sa korte para pareho kayong mabubulok sa kulungan ng anak mo? Natatakot ka bang makulong Cassandra?" "Kayamanan ko ang lahat nang iyan! Ibinalik ko sa 'yo dahil iyon ang usapan namin ni Harry, layuan ka niya at hindi ka na namin guguluhin pa ni Janine. Kapalit ay pakasalan niya si Crizel." seryosong turan ni Cassandra saka nagmamadaling lumabas ng opisina. Hindi ako makapaniwalang ginawa iyon ni Harry para sa akin. "Pero wala akong utang na loob sa kaniya dahil kayamanan ko naman 'to na ninanakaw lang nila sa akin." bulong ko sa sarili. Pero nakaramdam ako ng lungkot sa aking

