HABANG abala ako sa opisina ay nagulat ako nang biglang dumating si Sebastian. Hinablot niya ang polo ko, at sinuntok niya ako sa mukha. Gumanti ako nang suntok sa kaniyang mukha at tiyan. Pero sinipa niya ako sa tagiliran. "Hayop ka Harry, sinaktan mo ang kapatid ko! Pinaasa mo siyang darating ka, pero binigo mo siya!" " Ano ba ang problema mo Sebastian? Paano ako makarating sa party, muntik pa nga akong namatay kahapon!" "Tinanong mo ako kung ano ang problema ko Harry? Okay ka lang ba? Hindi mo sinipot ang kapatid ko! Nagmumukha siyang tanga sa suot niyang gown, alam mo ba iyon?! Hindi mo ba naiisip na may sakit sa puso ang kapatid ko?!" "Sebastian, magpaliwanag ako, binaril kami sa gitna ng kalsada meron tama si Natasha, sa tingin mo maalala ko pa ang party na iyon?" seryoson

