BLAZE’S POV Hindi pa rin kami nakakaisip ng paraan sa kung anong gagawin namin at hindi namin alam kung paanong hanapin ang lagusan na nangyare kanina. Habang nakaupo at nakalagay ang kamay ko sa ulo at nakatingin sa butas kung saan kami nanggaling ay hindi ko maiwasan ang hindi maghinala. Kanina ay nahigop na sila bago pa man kami makalapag sa ibaba at agad akong bumangon at saka ako lumipad. Agad naman na sinundan ako ni Paxon at si Pierson naman ay nakatingin lang sa amin. Habang may kinakapa ako sa gilid ay gano’n na rin ang ginagawa ni Paxon na para bang hinahanap ang buton. Napahinto ako ng may nakita akong kakaibang liwanag at agad kong tinignan kung ano ‘yon. “Ano ‘yan Kuya Blaze?” tanong ni Paxon na no’n ay nasa likuran ko na pala. “Malamang ay may kinalaman ‘to sa kumuha

