SUNNY’S POV Napabuntong hininga na lang ako dahil sa reaksyon ni Xena. Ang tagal no’n mag-loading sa kanya. Hindi ko na alam kung anong ganap ngayon at kung paanong si Xena ay isang dyosa gayong noong nasa mundo kami nila Divino ay hindi rin naman gumana ang kapangyarihan nya. “Wala na akong naiintindihan,” sabi ni Rianna. “Kahit na ako ay wala rin,” sabi naman ni Xena at saka sya umupo at napahilamos ng mukha nya. Tinignan ko ang k’wintas at umilaw ito kanina noong dumating sya. Humarap ako sa kanya at saka ko hinawakan ang kamay nya at hinubad ko ang k’wintas at saka ko nilagay ang bato sa palad nya. Tinignan ko kung mero’ng mangyayare pero wala namang nangyareng kakaiba. Napabuntong hininga ako at saka ako nag-isip ulit ng kung anong plano. “Hindi ‘to gagana kung wala ang isa,

