SUNNY’S POV Pumunta ako ng mall para sana bumili ng book na kakailanganin ko. Nang makarating ako sa mall ay napasinghap ako ng bigla namang lumitaw si Blaze sa harapan ko at nainis ako kaya naman tinulak ko sya ng bahagya. Hindi ko alam kung anong sapak ng lalakeng ito at kahit saan na lang ay sinusundan nya ako. “Ano bang ginagawa mo?” inis na tanong ko at nilagpasan ko sya. “Sunny babes naman? Hindi mo na naman ba ako papansinin?” Nakangusong sabi nya at napapikit ako ng mariin dahil do’n. “Hindi mo ‘ko mauuto sa mga ganyan mo, Blaze,” walang ganang sabi ko at nagpatuloy na naglakad habang sya naman ay patuloy ang panggagambala. Napahinto ako nang makita ko si Lemon na no’n ay tila may tinataguan. Lumapit ako sa kanya at napasinghap sya sa gulat at saka tumingin sa buong palig

