SUNNY’S POV Isang linggo ang lumipas at naging maayos naman ang lahat at wala pa namang nangyayareng masama kay Zanra. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong background status nya noon pero siguro may kinalaman rin ‘yon sa kung bakit namatay ang nanay nya. Nandito ako ngayon sa park kung saan kami magkikita ni Blaze kasi inaya nya akong lumabas pero dahil wala naman akong gagawin ay sumang-ayon na lang ako. Nang makita ko sya ay saka ko sya nilapitan at nang makita nya ako ay naro’n na naman ang matingkad nitong mga ngiti. “Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko at saka nya hinawakan ang kamay ko at naglakad kami. “Kahit saan basta kasama kita,” sagot naman nya at saka ako napaiwas ng tingin. Ewan ko lang pero nitong mga nakaraan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Ewan ko

