THIRD PERSON’S POV Hindi maiwasan ni Xena ang mag-alala sa mga mangyayare gano’ng hindi nya rin alam ang kung anong mararamdaman sa kung sa kaling magkita na sila ni Hana. Habang naglalakad sila ay napahinto si Paxon dahil sa mero’n syang naramdaman at napatingin naman sa paligid sila Xena at Pierson at saka hinanda ang sarili sa kung anong magaganap. “Tingin ko ay hindi ‘yan ‘yong higanteng nakasagupa natin,” sabi ni Paxon sa kanyang kakambal. “Tingin ko rin nga,” sagot naman ni Pierson. “Anong gagawin natin?” tanong nya at saka tumingin kay Pierson na tila hinihintay ang senyas nito. “Stay,” sabi nito. Unti-unting nagpakita ang mga taong nasa likod ng dilim. Nang lumitaw ito ay saka sya nangunot ng noo ng makita si Tania na mero’n pang kasamang iba at hindi ‘yon si Divino. Min

