RIANNA’S POV Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa mga nangyayare ngayon at hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayare kay Xena mula ng malaman nya ang totoo. Nanay nya pa mismo ang nagsinungaling sa kanya at sa totoo lang ay galit ako sa nanay nya dahil sa pagiging makasarili nito. Hindi man lang nya naisip ang mararamdaman ni Xena. Tumingin ako kay Sunny at saka sya huminga ng malalim at saka sya naunang pumasok at agad naman akong sumunod at saka napamulat at agad na hinila ni Sunny ang kamay ko at saka kami nagtago sa isang malaking bato. Napatingin ako sa buong paligid at hindi ko inaasahan na may ganitong lugar. “Iba ‘to sa kaharian na napupuntahan natin kaya kailangan nyong mag-ingat,” bulong ni Sunny sa ‘min. Nang makapasok na ang lahat ay saka naman na kami tumayo at na

