SUNNY’S POV Agad kong pinuntahan si Xena at saka ko tinignan kung ayos lang ba sya. Sa pagkakataon na ‘yon ay nakahinga naman ako ng maluwag. Tinignan ko rin ang iba at hindi naman sila masyadong napuruhan at saka ako tumingin kay Tania na no’n ay katatayo lang mula sa pagkakatalsik ko. “Ano ang ginagawa ng babae na ‘yan dito? Saglit lang ako nawala may bisita na tayo?” inis na sabi ko. “Maghihiganti daw sya dahil sa nangyare sa Hou Mountain at pagkakatapon mo sa kanya sa underword kingdom.” “Pusang gala. Paanong nakatakas sya sa underworld?” “Aba malay ko? Baka naman hindi masyadong secure ang mundo na ‘yon?” sabi naman ni Rianna at saka ako masamang tumingin sa kanya. Nakita ko ang taas noong pagkakatingin sa ‘kin ni Tania na para bang sinasabi nitong mas nakakaangat sya sa ‘

