SUNNY’S POV Nang makapasok ako sa room ay napaupo ako sa upuan ko at saka ako napahilamos ng mukha ko. Sa totoo lang hindi naman bago na laging gano’n ang mga estud’yante dito dahil lahat naman ng mga pumapasok o nagta-transfer ay may mga itsura. Napatingin ako kay Rina na no’n ay nag-aayos ng kanyang sarili na para bang may bagong classmate kami na darating. “Anong ginagawa mo?” takang tanong ko. “Well, girl, there’s a rumor that our new transferee became our new classmate,” sabi nito na akala mo kinukurot ang tinggil sa kilig. Napatingin ako sa labas ng room at saka ako nangunot ng noo ng makita ang babaeng nagtanong sa ‘kin kahapon. Nakasuot na sya ng uniform namin at mas bumagay nga sa kanya at hindi ko alam na may kasama pa sya. Naro’n ang isang lalakeng matangkad at ang isa n

