SUNNY’S POV “Ang uunahin nating hanapin ay ang kakambal ni Hana na si Mana,” sabi ko at saka sila napakunot ng noo sa ‘kin. “Mana?” takang sambit ni Rianna. “Sabi sa ‘kin ay nawawala si Hana at isa rin itong dyosa. Mas naunang nawala si Hana kaysa kila Lili,” ani ko at saka sila napatango. Pinakita ko ang bato na binigay ni Tita Thelia at saka ko ito pinalutang sa ere. Ginawa ko ay pinirapiraso ko ito na para bang mga batong maliit at saka ginawang k’wintas. Ang parehong bato na ‘yon ay magkasama sa k’wintas at bawat isa sa amin ay mero’n. “Ang k’wintas na ‘yan ay isang palatandaan na nand’yan lang ang isa sa mga kambal. Kailangan nating maghiwa-hiwalay ng landas dahil hindi natin makikita si Hana o Mana na magkakasama tayo,” paliwanag ko at saka sila sumang-ayon sa ‘kin. “Saan

