THIRD PERSON’S POV “May kailangan kang malaman, Thelia,” umpisa ni Aldemous. Hindi malaman ni Thelia ang gagawin nya at hindi nya alam kung paanong haharapin ng tama ang dalawa. “S-si… Aldemis,” hindi naman maituloy ni Aldemous ang sasabihin nya dahil na rin sa kaba at pangamba. “Kung hindi mo masabi ng maayos ay ako na lang ang magsasabi,” naiinip na sabi naman ni Ademis sa kanya. “Ikaw at ako ay dating magkarelasyon, Thelia at ang lalakeng ‘yan ay inagaw ka lang sa akin,” sabi nito habang nakaturo kay Aldemous. “A-ano?” nalilitong tanong nito at saka tumingin kay Aldemis. “I-ikaw? A-ako? Ano?” “Dating magkarelasyon,” sagot nitong muli. “Tch. HAHAHAHAHAHAHA.” Nangunot ang noo ng dalawa sa malakas na tawa ni Thelia at napahawak pa ito sa t’yan nya. Hindi alam ng dalawa kung ano

