"Love is like a candy
sometimes it's sour, and sometimes it's sweet." yan ang Sabi ng lalaking kagrupo ko. Napa taas ang kaliwang kilay ko ng marinig ko ang sinabi ng lalaki.
Bakit ba kinokonnect nito ang candy sa love?? Haist ang layo sa topic na pinapasagutan samin ng aming leader.
Ang tanong kasi na dapat namin sagutin ay " What is the painful thing you have experienced in your life?".
"okay Jhin your next" Sabi ng aming leader. Wait? ako na ? wala pa akong naiisip.
" The most painful thing I've ever experienced is not being acknowledge from my love ones" Sabi ko.
Haist bakit ba kasi required sumagot ng English. nakaka nosebleed tuloy.
Honestly hindi po ako fun ng English, yan po ang subject na number one enemy ko.
After an hour of answering questions, ay nag break time muna kami, Pero kahit break time ay kami kami pa rin mag kasama. By the way meron School Camp na naganap sa school namin, which is 5 schools ang nag attend. Grinupo kami sa other school kaya hindi kami mag kakasama ng mga friends ko, Pero syempre during may activity lang.
Medyo nalulungkot ako at first Lalo na wala man lang akong kaklase na kagrupo or kaya ka school mates, Pero after ng time na makapagkwentuhan sa mga ka group mates ko ay medyo nalibang naman na ako.
Nakilala ko agad ang mga group mates ko and yung lalaki kanina ay Mark pala ang name. Medyo di ko mabasa ang personality nya, nag smile naman sya Pero agad naman magseseryoso.Di din gaano nag sasalita and parang Emo ang aurahan nya.