SAMANTHA AIDEN CARBONELL __ Nag-park ng sasakyan si Lach sa venue kung nasaan ang funeral ni Olivia. Napansin ko agad ang pamilyar na sasakyan ni Kuya Alflier. He used a different car, not the other one he usually used. Narinig ko ang sarkastikong pagtawa ni Lach. "Your brother is really a clout chaser. The audacity to come here." "Stay here." Ayokong magkainitan na naman silang dalawa. Bumaba ako ng sasakyan at pinuntahan ang sasakyan nito. Binaba niya naman agad ang bintana. Puno pa rin nang pakikiusap ang mukha nito. "Galit ka pa rin ba sa kuya?" "What are you doing here?" "Bibisita ako." Bumuntong hininga ako. "Can you stop giving me more headaches, Kuya? Her family is obviously mad at you." "Wala pa namang napapatunayan, hindi ba? Baka lalo lang nilang isiping kasalanan ko